Chapter 32: Amnesia

4K 18 5
                                    

A/N: Parang baliw lang, nawalan ng kuryente for 2 seconds ata? Tapos maya maya bumukas. Tapos namatay ulet. Srsly? Ano 'to? LOKOHAN?! Share lang po. :> Lakas ng hangin. Parang matatangay na ang bubong ng aming kapitbahay XD So eto na ang continuation ng Chapter 31. Trip ko lang :3 :> Ano yang nasa baba? :) Hulaan niyo. Tapos icomment nyo kapag na-gets nyo na. Clue: Pagbaliktarin mo. cc:

 Aisenma




VOTE, COMMENT, ENJOY. :)

 

-----------------------------------

[ Kathryn's Pov ]

Anong nangyare? :\ Pagkagising ko ang daming dugo sa ulo ko at may katabi akong lalaki. Nakasubsob siya sa manibela. May mga dugo din siya. Teka, nasan ba ako? -.-

Tinaas ko ang mukha niya. "Uy! Uy!" Pagtaas ko ng mukha niya ang pogi niya pala. Kaso may mga dugo-dugo sa pisngi niya pero ang gwapo niya. Okay, paulit ulit ako. -.-" Sino ba 'to?

Medyo nagalaw na siya, mabuti naman. Tapos maya maya dumilat na siya at nanlaki ang mata. "Kath! Kath!" Hinawakan niya ang balikat ko at inalog alog ito na para bang wala ako sa sarili. Nakakahilo ah! -.-' "Okay ka lang?!"

What a stupid question. Pagkatapos niya akong alugin alugin okay lang ako? "Hindi. Nahihilo ako." Sagot ko.

"Tara na sa hospital! Dali!" Lumabas na siya ng sasakyan habang hinang-hina siya. Nakahawak siya sa ulo niya at nakapikit. Yung kamay niya nakasandal sa may pintuan. "Huy okay ka lang?" Tanong ko. 

"Oo." Sagot niya at nagpunta sa may pintuan sa tabi ko. "Bumaba ka na. Pupunta tayo sa hospital!" 

Bumaba naman ako at nagsalita. "Teka, sino ka ba?" Tanong ko. "Huh? Kath ha, di magandang biro yan!"

Biro? Mukha ba akong nagbibiro? "Hindi ako nagbibiro." Walang ganang sagot ko. 

Sinabunutan niya ang sarili niyang buhok. "Kath naman! May amnesia ka?" Sabi niya habang may pag-aalala sa mukha niya. 

Amnesia? Ako? Huh? Dali-dali niya akong binuhat ng pangkasal at tumakbo sa isang building. Hospital ata 'to. Pumunta kami dun sa nurse at dali daling pinasok sa isang room. Nabasa ko lang ha? Emergency Room ang nakalagay. Hiniga ako ng lalaki sa kama at tumawag siya ng doctor.

Di ko na alam ang mga sumunod na pangyayari kasi nahimatay na ako.

-------

[ Daniel's Pov ]

Nandito kami ngayon ni Kath sa hospital. Nagka-amnesia ba talaga siya? Sana hindi. Sana nagbibiro lang siya na hindi niya ako kilala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagka-amnesia siya. Sakalukuyang nasa ER kami ngayon, ginagamot nila ang sugat ni Kath at ako naman ay nakaupo lang dun habang may gumagamot sakin na nurse. Taenang nurse nga 'to eh. Tinititigan lang ako. Tapos ung bulak niya kung san san na napupunta! Habang busy sa pagtitig sakin ang nurse na 'to, nakatingin ako kay Kath. Alam kong nagjojoke lang siya kanina na hindi niya ako kilala. Hindi naman kasi ganun kalala ang mga sugat na natamo namin. Konting gamot lang ayos na. Prinsesa ko, wag mo akong iwan.

Nung naglakad na palayo si Doc, hinabol ko siya. "Doc kamusta na po si Kath?" 

Lumungkot ang mukha niya. Don't tell me. DON'T. "Nagka-amnesia siya iho. Sa ulo kasi siya natamaan. Buti nga ikaw sa mukha lang. Pero okay na siya ngayon. Pagpahingahin mo muna siya. At ikaw rin." Tinapik lang ako ni Doc bago siya umalis. 

Pano na yan? Nagka-amnesia nga si Kath. :(( Pano na ako? Pano na kami? Pano ko 'to sasabihin sa lahat? Lumapit ako sa kanya at sakalukuyang natutulog siya. "Hindi kita iiwan, Hindi pababayaan, Ipapaalala ko lahat sayo. Lahat lahat, matandaan mo lang ako. Alam kong wala ka ng pag-asang makatanda, pero susubukan kong ipaalala lahat sayo. Dahil, pagsubok lang 'to satin. Tinitry lang ni God ang ating pagsasama. Mahal na mahal kita, Kathryn. Maalala mo sana ako, Ako si Daniel Padilla. Ang ka-ibigan mo na magpapaalala sayo lahat ng meron tayo." Binigyan ko siya ng halik sa noo. Maaalala mo pa ako Kath. Tiwala lang. 

"Huh? Anong sabi mo?" Shet, gising pala. >.< So narinig niya lahat ng sinabi ko.

"Sabi ko, ako ang boyfriend mo. Ako si Daniel John Ford Padilla. Ako ang hot mong boyfriend. Ikaw naman ang anghel kong girlfriend."

 

"Anghel ako? Ibig sabihin ba nun, patay na ako?"

"Hindi ikaw, ako. Patay na patay sayo." Medyo naguluhan siya. Oo nga pala, nagka-amnesia siya. :\

"Pinatay mo ako?"

"Ha?" Gulo ha. "Hindi ka pa patay ano ka ba. Buhay ka at minamahal ko parin." 

"Sana maalala kita, mahalaga ka siguro sa buhay ko no? Gaan ng loob ko sayo eh." Sana nga, oo mahalaga ako sayo.

Magsisimula na ang pagpapaalala ko bukas. Pagkauwi namin sa bahay nila Kath. Ipapaalala ko lahat sayo. Mahal na mahal kita, Kath. 

---------------------------------------

Ikli? Sensya. Maikli eh, magagawa ko XDD Next update hahabaan ko na :P

Ohmy, naiiyak ako. XD HAHAHA! JOKE! Di ako marunong mag-paiyak. XDD 

VOTE para may gana akong mag update. Haha chos. XD :)) Hilig ko sa XD no? Pansin ko nga XD

Memories are to be treasured. 

We Found Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon