C36: Doubt

171K 3.7K 1.8K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--


Alex's POV


Pinagmasdan ko lamang si Amanda habang inis na inis na umalis siya sa kinatatayuan niya. Papunta kami ni Nichole sa cafeteria nang nasaksihan naming ang munting eksena nila Summer at Amanda. Tinignan lang ako ni Nichole at tsaka nag-aya na tumuloy na sa loob ng cafeteria. Dumaan lang sa amin si Summer habang may ngisi sa mga labi niya.

Tuwing nakikita ko si Summer, naalala ko ang nangyari noon, ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Ayokong maungkat ang panyayari na iyon. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko at aaminin ko na, nabulag ako nang mga panahon na yon.

Isang pagkakamali na handa kong dalhin hanggang sa hukay.

"Ayos ka lang?" Lumingon ako kay Nichole. May dala-dala siyang dalawang mineral water.

Hindi ko namalayan na nakabili na pala siya. Masyado ata akong nag-iisip.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay tinanggap ko na lamang ang tubig at nagpasalamat.

"Ikaw ang dapat kong tanungin. Nichole, ayos ka lang ba talaga?"

Tumango na lang siya ulit pero alam kong may mali pa rin. Hindi ako makuntento sa ilang beses niyang pagtango at ngiti sa akin.

Napatigil muli kami nang nakita namin si Lilith. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Medyo nakikipag-usap na rin siya sa iba. Nakapagtataka. Bakit bigla na lang siyang nagbago?

"Lilith." Napalingon naman kami ni Nichole kay Andy na nasa likod lang pala namin. Nginitian kami ni Andy habang lumalapit siya kay Lilith. "Sabay na tayo."

Isa pang nakapagtataka. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Tumango lamang si Lilith kay Andy tsaka sila naglakad muli.

Napa-buntong hininga ako.

"Alex." Muli akong bumalik sa reyalidad. Nakatayo na si Nichole sa may pintuan at tinatawag na ako.

Nichole ... hanggang kailan ka maglilihim sa akin?

Lumapit na ko sa kanya at sabay kaming naglakad papunta sa classroom. Nagkwento siya nang nagkwento ng masasayang karanasan. Ilang beses siyang tumawa at ngumiti habang papunta kami sa 3rd floor.

Bago pa man kami makapasok sa room ay hinarap ko siya.

"Hihintayin ko kung kailan ka handang sabihin sakin yang nasa nakabara sa dibdib mo."

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagyuko niya. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at pumasok na ko sa loob.

Ang ayoko sa lahat ay ang naglilihim sa akin. Ayoko na muling traydurin ng isang kaibigan. Gusto ko alam ko ang lahat. Ayokong maging mangmang at ignorante sa mga nangyayari.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon