Derrick's POV

Bigla na lang siyang hinimatay.Nakong tomboy na 'to.Di kasi nag-iingat.Pano pala kung wala ako?Edi namatay na siya?Tsk.Gwapo ko talaga.Tsaka mabait naman ako kahit papano.

Dinala ko siya sa clinic.Tapos iniwan ko na siya dun. May klase pa ko noh.Kahit naman gwapo ako at laging na dedetention.Nag-aaral pa rin naman ako.Ayokong lumaking walang alam.Kahit na mayaman kami.

Pumasok ako sa room at nag-greet sa teacher.May respeto pa naman ako sa mga babae.Dun sa tomboy na  yun lang wala.Di naman yun babae eh.

Nakinig na lang ako sa lesson.At di na inisip ang tomboy na yun.

Ella's POV

Nagising ako na masakit ang ulo.At ang mga nakita ko ay puro puti.Nakakasilaw naman.

"Nasa langit na ba ako?" Bulong ko sa sarili ko.May bigla naman akong nakita na babaeng papalapit sakin.Omo!Anghel ba 'to?

"Anghel ka po ba?Pwede niyo po ba akong i-tour dito sa langit?Para po di na ako maligaw.May mission na po ba ako?Game po ako." Magalang kong sabi sa kanya.

Bigla naman niya akong binatukan.Aray ko po ah!May anghel bang namamatok? 

"Ella.Ano ba?Si Ate Judy 'to!Yung school nurse!Di mo ba ako nakikilala?Tsk.Epekto siguro yan ng pagkakahulog mo mula sa rooftop." Tinitigan ko siyang mabuti at dun ko lang napagtanto na si Ate Judy nga!Close kami dahil minsan kapag di ako busy tumutulong ako dito sa clinic.

"Hala!Sorry Ate.Di kita nakilala agad." 

"Tsk.Ayos lang.May masakit ba sayo?" 

"Yung ulo ko lang ate.Medyo hilo pa ako."

"Ayan kasi.Next time Mag-ingat ka na ah?Baka mamaya wala nang prince charming na sumalo sa'yo." Prince Charming?

"Sinong prince charming Ate?"

"Yung poging nagdala dito sa clinic?Grabe.Ang sweet!Buhat ka pa nga niya ng pang bagong kasal eh." Tapos bigla na lang bumalik sakin yung mga nangyari kanina.Omo!Si Derrick pala yun.

"Prince lang ate.Hindi charming kasi hindi naman siya  charming.Palaka yun eh.Baklang Palaka.Tsaka alam mo ba na giinagamit ang salitang pogi sa mga bading?" 

"Ikaw naman.Sayang naman yun.Akin na lang." Tapos pinaghahampas pa niya ako.Grabe naman kiligin si Ate Judy,mamatay ng wala sa oras yung katabi niya sa sobrang sakit ng hampas niya eh.Parang bakal ang kamay -.-

"Ate.Pasyente ako diba?Kaya utang na loob.Tigil muna sa hampas.Baka matuluyan ako neto eh."  Bigla naman ata siyang natauhan at nag peace sign.

Catch Me,I'm Falling (ON-HOLD)Where stories live. Discover now