THIRTY EIGHT

450K 5.6K 91
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT


LARA

"MOMMY, can I go with you in your office?" tanong sa'kin ni Ethan, while we are having our breakfast. "Sweetie, I'm sorry but you can't go with me." napasimangot ito bigla na parang nagmamakaawa, "Ethan..." malambing na tawag ko dito.

"Can I go to Daddy's office?" tanong na naman nito, "Sweetie..."

"It's okay Mommy," malungkot na sabi nito. "Don't be sad okay, Ate Tessa is here with you." paliwanag ko dito, "I'll go home early okay, I'll also ask Daddy to go home early, is that okay with you?" paki-usap ko dito. Tumango-tango naman ito, na ibig sabihin ay nai-intindihan nya.

"Good boy," ginulo-gulo ko pa ang buhok nya. Halatang nagtatampo pa nga ito, pero I know Ethan, he is very understanding.

Nagpaplano na nga akong i-enroll sya sa school ang kaso ay hindi pa na-aasikaso kung saan sya pwedeng i-enroll, dahil nagpapahanap ako ng magandang international school na hindi sobrang layo. Kahit siguro ma-late lang sya ng isang linggo sa pagpasok, hindi naman siguro mahigpit sa Kinder.

Almost two weeks na rin pala, mula nung week long celebration ng birthday ni Ethan. So far successful naman, I can see that Ethan is very happy. After that outing ay nagpaalam na muna si Derrick na bibisitahin nya ang family ng mother niya sa Ilocos.

Ako, I have no choice kundi sumama na kay Ric. I think eto na din kasi yung makakabuti kay Ethan, and besides, bakit pa ko mag iinarte? Eh ayos na kami at kasal naman kami.

So far ang smooth na ng pagsasama namin, maybe we learned and matured, nung mga panahong magkalayo kami. I am still working as the President of our company, hindi ko naman pwedeng hayaang si Daddy lang ang mag-handle dahil sa magaling na siya, kasi hindi siya pwedeng ma-stress masyado.

Napatingin ako sa orasan ko, at nakitang 8:30 na, which means late na ako sa trabaho ko, medyo ma-traffic kasi, grabe talaga sa Pilipinas, ang traffic di papatalo sa pagong eh, samantalang sa Australia, never kang mas-stuck sa traffic.

After a few minutes ay bumilis naman ang daloy ng traffic, kaya smooth na ang pagda-drive ko. Nakatingin lang ako sa kalsada, pero napatingin ako sa phone ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

It's Enrique, I connect my phone on the built in Bluetooth device in my car. "Yes?" tanong ko dito nang masagot ko ang tawag.

"Nasa office ka na?" he asked.

"Nope, I'm driving, hindi ko kasi maiwan si Ethan sa bahay, tapos naipit pa 'ko sa  traffic." napabuntong hininga pa 'ko pagkasabi ko nun.

"Why? May problema ba?" halata ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito, napangiti ako bago sumagot, he sounds like a loving and a very responsible family man.

"Wala naman, naglalambing lang, he said he wanted to come with me at the office," paliwanag ko dito.

"Ba't di mo sinama?" tanong pa nito.

"Mas mabo-bored lang sya dito, and besides hindi ko sya ma-aasikaso pag sumama sya sa'kin." I said na mukhang naintindihan nya naman.

"I see, sige ingat ka 'My, I love you," he said na alam kong ngiting-ngiti kahit hindi ko nakikita.

"Love you too." I replied bago tuluyang ibinaba ang tawag.

Ganyan na kami ngayon, napaka-casual nalang ng mga palitan namin ng true feelings, masyado na kaming open sa isa't isa. At extra sweet si Ric, masyado niya kaming, bine-baby ni Ethan spoiled kami sa kanya. Katulad nung ayaw ko nung ulam na nakahain, hala ka, mabilis pa sa alas-kwatro na nagpalit ito, para dal'hin kami ni Ethan sa gusto kong kainan.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon