[28] ♔ Cook

1.4K 43 2

Hana's POV

Halos magdamag na hindi ko kinausap si Hanniel dahil inis na inis ako sakanya. Akala ko pa naman matatalo sila. Ang galing din ng Harley na yon eh.

“Hoy! Hana, aalis na ako.” mag-iinoman kasi sila sa bar ni Zayde dahil nanalo sila.

“Okay.” sabi ko. Hindi ko siya tinignan dahil nababad trip ako sa kakatawa niya saakin kagabi.

Naramdaman ko nalang na inakbayan niya ako at pinisil yung pisngi ko. “Ano ba!” sigaw ko at tinatanggal ko yung kamay niya mula sa pagkaka-akbay saakin.

“Sungit! Ang pula lang ng pisngi mo. Ang cute kaya. Parang kang tuta.” sigaw nito. Akmang ihahagis ko na sakanya yung tsinelas ko nang bigla siyang tumakbo palayo. Kahit ang layo na niya naririnig ko parin yung halakhak niya. Taena.

Medyo may nararamdaman akong takot dahil mag-isa ako sa malaking mansion na to. Baka mamaya may kumalabit saakin.

“Ahhhhhhh!” sigaw ko at halos madapa ako sa bilis nang takbo ko papunta sa kwarto ko. Nakasara naman siguro yung mga pinto.

Bahala na basta yung pinto ko dito sa kwarto nakasara. Pilit kong ipinipikit yung mga mata ko pero di talaga ako makatulog. Mas natatakot tuloy ako.

Ilang oras na akong ganoon pero di talaga ako dinadalaw nang antok. Ang tagal niya naman kasi. Nasaan na ba siya? Pauwi na ba siya? Iniisip pa ba niya kung may kasama ako dito? Nakatakot kaya ang bahay na 'to kung alam lang niya.

Kinapa ko yung cellphone ko mula sa bulsa ko. 11:43 na pala. Bakit ba ang tagalllllllllllll?!

Naiinis na talaga ako ng sobra.

“Hana?” kinilabutan ako. Alam kong hindi boses ni Hanniel yun.

“S-sino yan?” nanginginig ang kamay ko. Kinakabahan ako ngayon kaysa kanina.

“Si Tyler 'to hinahatid namin si Hanniel.” sagot nito. Nakahinga ako nang muluwag nang sabihin nito ang kanyang pangalan.

Sinabi ko nalang kung saan ang kwarto ni Hanniel. At umalis na din sila kaagad dahil hating-gabi narin. Bago ako pumunta sa kwarto niya sa taas kumuha muna ako ng tubig at pang-punas sa katawan niya.

Mabilis akong nagtungo sa kwarto niya. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Bakit ba siya yung pinakalasing sa kanila?

Sinimulan ko nang punasan ang mukha niya. Ang gwapo niya. Mahahabang pilik-mata. Matangos na ilong. Mapupulang labi. Yung hugis ng mukha, Perfect!

Tinanggal ko isa-isa yung butones. Halos manginig yung kamay ko. Makikita ko na ba yung abs niya. Napapikit ako sa pagtanggal ng huling butones. Nang tanggalin ko na yun.

Omg!

Wala siyang abs?

Seriously?! Ang isang Hanniel Curtis na heartthrob sa buong campus walabg abs. Tch.

Di ko tinanggal yung pants niya. Bawal yun. HAHAHAHA. Kinumutan ko siya at pinatay ko na yung ilaw. Bumaba na ako. Hayss. Siguro makakatulog na ako ngayon. Uminom muna ako ng tubig bago matulog.

Kinabukasan❤❤

Di ako nakatulog ng maayos. Nagising ako ng maaga at di na ako makatulog nanaman kaya ngayon iniisip ko kung magluluto ba ako o hindi. Di kasi ako marunong magluto.

Hayss. Bahala na. May Wi-Fi naman kaya pwede akong manuod sa YouTube king paano magluto.

Ano ba ang masarap na pagkain? Beef steak? Mmm... Kailangan may soup dahip may hang over siya.

Naligo muna ako bago magluto. Kompleto naman yung kitchen kaya di ako nahirapan. Pero parang mas masarap kapag lahat fresh. Yung mga bagong kuha palang.

Sinimulan ko nang magluto. Okay naman. Beef steak muna yung inuna ko. Parang yung soup mainit pa.

Rice cooker nalang ang ginamit ko sa pagsaing. Natapos ko kaagad yung beef steak.

Mmm... Ang sarap ko pala mag-luto.

Sinunod ko yung pinapanood ko. Mukhang nakukuha ko naman yung procedure. Mabilis ko itong natapos hinahanda ko na lahat ng marinig ko siya.

“Anong meron? Kala ko galit ka parin?” medyo nahiya ako. Galit nga pala ako noon bago siya umalis ng bahay.

“Akin naman lahat to eh. Anong akala mo ipagluluto kita?” sabi ko. Umupo na ako. Umupo din siya kaharap ko.

“Wag ka nang mahiya. Alam kong para saakin lahat to. Ang gutom kaya.”

“Kasalanan ko. Ang baho mo kagabi!” sabi ko sakanya.

Kumuha siya sa niluto kong beef steak. “Tubig!”

“Bakit?” tanong ko at binigyan siya ng tubig.

“Ang alat nito.” sabi nito at pinagpatuloy ang pag-inom ng tubig.

Nalungkot ako. Tch. Sayang effort ko. Akala ko talaga masarap. Hayss. Bakit ko ba kasi ginawa ito? Ito ang pinakaayaw ko eh, ang magluto. Pero ginawa ko parin. Tapos di pala masarap. Hayy.

Kinuha ko yun. Ibabasura ko nalang. Wala namang kakain nito eh. “Teka! Kakainin ko yan.”

“Wag na. Maalat, baka magkasakit ka pa.” sabi ko. Pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

“Kakainin ko yan. Maalat nga pero masarap dahil may halong pagmamahal. Ramdam ko.” sabi nito at tumawa. Baliw.

“Ikaw na nagsabi niyan.”

“Masarap nga. Sa susunod kasi wag nang damihan---Di na ako magluluto sasusunod!” putol ko sa sinasabi niya.

“Tch.”

Di ko nalang siya pinansin. Masarap naman talaga ang luto ko. Sadyang maarte lang talaga siya.

“May laban pa kayo?” tanong ko.

“Mmm... Pero tinatamad na akong maglaro eh. Kaya na naman nila yon eh.”

“Pumunta ka lang. Sumuporta ka naman sa team mo.”

“May pupuntahan ako. Alam na nila yon.” aniya.

“Sama ako! Ayokong ma-iwan.” sabi ko. Baka mamaya may aswang nanaman. Ayoko ng magpaiwan ulit.

“Malayo pupuntahan ko. Mabilis lang naman ako doon.”

“Sama mo naman ako. Ayokong mag-isa. Sige na kasi.” pagmamakaawa ko.

“No.”

Tumayo na ito. “Hugasan mo nalang.” sabi nito at kinindatan ako bago umalis. Tch.

Nagmadali ako sa pagkain ko. Ubos naman pala niya yung luto ko eh. Kaartehan lang talaga. Nagsimula na akong maghugas ng plato. May mga gawaing-bahay naman na alam ko. Ayaw kasi ni Mama ng mga katulong. Kaya ni isang katulong wala kami.

Natapos ako. Hinanap ko yung lalaking yon. Nasa garahe lang pala. Naglilinis sa kotse niyang panget.

“Kailan ka aalis?! ” sigaw ko. Ang layo niya eh baka di pa ako marinig.

“Bukas ng umaga!”

Bukas pala ah. Di ako makakapayag na di ako sasama sayo. May gagawin akong di mo ikakagusto. Humanda ka Hanniel Curtis!

Hayss. Ang boring naman. Buong maghapon na walang gagawin. Mmm... Shopping? Magandang ideya ng maganda utak ko yon.

Papa Calling...

[Papa?]

[Oh. Namiss ko ang boses ng prinsesa ko.]

[Papa naman eh! I miss you too]

[Ginagamit mo ba yung credit cards mo?]

[Yes po Papa. Sorry po Papa kung medyo magastos ako ah.]

[Naiintindihan ko. Mag-iingat ka. Mahal kita]

[Opo Papa. Mahal din po kita]

Okayyyyyyyy. Tuloy ang shoppinggggggggg. I love it!

Phew! Kuha dito, kuha doon. Namiss ko ang ganoon! Well... Magagawa ko yan ngayon!

~~~~~~

Casanova's  WifeRead this story for FREE!