Nearer At My Side

Mulai dari awal
                                    

At ang tunay mong mamahalin ay mamahalin mo ng walang kadahilanan.

Pero nakapagtataka, bakit wala ka man lang maikwento sa akin nang tungkol sa iyo?

Gusto ko sanang itanong sa iyo ngayon iyon.

Pag nalaman ko na mula sa mga labi mo ngayon, magbabago na ako. Gagawin ko ang lahat para ipatunay na may mga taong konektado kahit sa unang pagdikit ng ating balat ng hindi sinasadya.

Kaso binitawan mo ang kamay ko. Hudyat na natapos na ang tugtog ng mahalinang musika at nagtuloy na ang pagtakbo ng orasan at ang paligid na tahimik kanina ay nagkaroon na ng ingay.

Kunot noo akong nakatingin sa litrato na inabot sa akin.

Sino itong babaeng ito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nang binigay ito ni Mang Ernesto sa akin. Bakit nya ito ibinigay sa akin.

Nagbabakasakali lang naman akong magtanong kay Mang Ernesto kung may nalalaman sya sa akin sa nakaraan dahil napaniginipan ko ang pwesto nya dito sa Maynila.

"Binuhay ka muli ni y/n. Ginamit nya lamang noon ang pangalang Bituin noong magkasama pa kayo." sabi ni Mang Ernesto sa akin.

Nanatili lamang akong nakatitig dito. Ang mukha nya ay nagbigay ng pamilyaridad sa puso ko. Pinilit kong pigain ang mga alaala ko pero wala talaga.

Nagising nalang ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at may mga litrato ko na tila isa akong sikat na tao.

Para akong isang taong malaki na ng mamulat sa mundo. Walang kilala at walang maalala. Hindi na dumaan sa pagiging bata.

At narinig ko pa ang sigaw ng sandamakmak na tao sa labas ng aking 'bahay' at tinawag ako sa pangalang 'Park Jimin'.

Para akong nabuhay ulit at pangalawang beses ko na ito.

Mukhang tama ang sinabi ni Mang Ernesto at nagkakatagpi-tagpi na.

Ang nakakapanggulo lang sa akin ay ang katotohanang, wala akong maalala ni isa. Pero binabanggit ko ang pangalan ni Mang Ernesto at ang pwesto nito sa Maynila na tila ito ang tulay para malaman ang totoo kong katauhan.

At ang babaeng ito ay isa pang malaking katanungan sa akin.

Litrato pa laman nya ito pero nagkakarera na ang puso ko.

"Nasaan na sya ngayon..." nanginginig kong sambit kay Mang Ernesto.

"Katulad ng sinabi ko sayo noon, matagal na syang wala Jimin, misyon nya lamang na itawid ang mga tao sa kadiliman noon. At kasama ka doon. At sa bawat misyon na yun, kapag napagtagumpayan nya iyon,  nababawasan ang bigat ng kanyang parusa na makaakyat sa kapayapaan." mahina nyang sambit sa akin.

At ramdam ko sa puso ko ang pighati. Nanginginig ang kamay ko at nagbabadyang tumulo ng mga luha ko.

"K-kung ganoon bakit ganito nalang kabilis ang pintig ng puso ko Mang Ernesto?" naguguluhan kong tanong.

Kahit unti-unti ko nang nalalaman ang katotohanan ng nararamdaman ko sa kanya ay gusto kong marinig ito kay Mang Ernesto.

"Dahil minahal mo sya ng tunay. At halos katulad ng ginawa mo ay tinanong mo ang katotohanan sa akin. Kaya mo ito pangalawang buhay dahil sa tindi ng pagmamahal mo sa kanya."

Parang may gustong tumawa ng sarkastiko sa kaloob-looban ko.

Ang galing nya naman pala mang-akit.

At hindi ko na napigilan pa ang bugso ng aking damdamin, tumawa aki ng pagkalakas.

At kasabay noon ay ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jun 19, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

BTS Tagalog ImaginesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang