Chanyeol's Pov
I miss you,love..
Yan yung text na tanggap ko galing kay Nana. Ano to? Akala ko ayaw nya sa akin. Na isa akong sagabal sa pangarap nya. Naguguluhan ako. Pero kailangan kong panagutan yung anak ko.
"Chanyeol???" Nagbalik ako sa ulirat ng nagsalita si mamita. Di ko namalayan na nasa harap ko na si Baekhyun at yung mama niya. Pinasok ko yung cellphone ko sa bulsa. Naramdaman ko na nag vibrate ulit un.
"Chanyeol ikaw na ang bahala sa anak ko." Yumuko ako at tinanggap ko yung kamay ni Baekhyun.
Naglakad kame sa altar at nag simula na ang kasal. Dati ang hiling ko lang ay makasal kame ni Nana, sya ang pinakamamahal ko. Pero ng dahil sa tadhana nag iba ang lahat. Umalis sya at nagpakasal ako sa taong di ko naman mahal. At ngayon may anghel na dadating. Alam kong isang pagkakamali lang yung nangyari sa amin ni Baekhyun pero hindi ko hahayaan na mawalan ng isang ama ung anak namen.
"Magsitayo po tayong lahat." Sabi ng magkakasal sa amin
"Magharap kayong dalawa."sinunod naman namen. At lumapit sa amin si Kai at Kyungsoo dala dala yung singsing.
"Sundan nyo lang ako sasabihin ko."
At humarap kay Baekhyun.
"I Byun Baekhyun take you Park Chanyeol as to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part. ." At sinuot nya sa akin yung singsing.
"I Park Chanyeol take you Byun Baekhyun to be my lawfully wedded husband , to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."
At sinuot ung singsing sa kamay nya.
"Now I pronounced you husband and wife. And
May I present Mr. And Mrs. Park Chanyeol... You may kiss your husband."at binigyan ko sya ng peck sa pinsngi.
Dumeretcho kame sa reception. Sa mansyon ung reception tutal konti lang naman kame.
"Congrats tol kasal ka na pakabaet ka na." Sabi ni Kai sabay akbay sa kanya.
"Oo nga may pamilya ka na. Dapat good boy ka na. Alagaan mo yung mag ina mo. Nga pala di mo pa kame pinakilala sa asawa mo."
"Tandaan nyo asawa ko yun so back off"
"Oh...kelan kapa naging possessive??"
"Sira ulo alam ko ugali nyo."
"Sige sa mga friends na lang nila. Cute naman yung dalawa." Sabi ni Kai
"Hay nako playboy ka talaga. Sandali tawagin ko lang."
Pinuntahan ko si Baekhyun sa may pool area. Kasama nya ung mga kaibigan nya.
"Baek Halika muna. Papakilala kita sa mga kaibigan ko."
Pumunta kame kung nasaan sila Sehun at pinakilala ko sila kay Baekhyun pati na din sa mga kaibigan nya.
Maya maya tinawag na kame ni mamita para kumaen.
"Congratulation sa aking apo na si Chanyeol at sa kanyang asawa na si Baekhyun. Masaya ako para sa inyong dalawa"sabi ni mamita sa amin.
"Chanyeol pwede bang umakyat na ako. Medyo naantok na ko. " bulong ni Baekhyun sa akin. Halata sa kanya yung pagod. Kaya nagpaalam na kame sa kanila at umakyat sa kwarto ko.
May biniling bahay si mamita para sa amin. Siguro after ng honeymoon namen saka kame lilipat doon. Oo may honeymoon pa kame, pinagpilipitan kasi ni mamita yun. Ang sabi ko wag na since buntis na si Baekhyun. Pero makulet masyado si mamita kaya pinagbigyan ko na lang sa Maldives kame pupunta.
Pagkapasok ko namen ng kwarto agad na humiga si Baekhyun sa kama. Nagtungo naman ako sa banyo para makapagpalit ng damit. Pero pag balik ko mahimbing na natutulog si Baekhyun. Ginising ko sya para makapagpalit sya. Pero mukhang tulog mantika kaya di magising gising. Kaya kumuha na lang ako ng damit at pamunas, ako na lang ang nagpalit sa kanya. Wala namang malisya dahil kasal na kame.
Pagkatapos ko syang bihisan iniayos ko na sya sa pagtulog at kinumutan. Nagpunta ako sa may mini bar dito sa kwarto ko at kumuha ng brandy. At pagkatapos pumunta ako sa office room ko dito sa bahay. May connecting door sa kwarto ko at sa office.
Umupo ako at kinuha yung picture frame sa lamesa. Picture namen ni Nana yun.
"I miss you so much love. Sana ikaw yung pinakasalan ko. Sana ikaw yung magiging ina ng anak ko. Ikaw sana yung makakasama ko habang buhay. Pero nag iba ang lahat. Di mo na ba talaga ako mahal, kasi ako mahal na mahal kita."
Baekhyun's Pov
Naalingpungatan ako sa pagkakatulog ko. Nakatulog pala ako pagkahiga ko kanina. Teka baket iba na yung damit ko? Hala baka pinalitan ako ni Chanyeol. Nakakahiya naman. Nilibot ko yung tingin ko para hanapin si Chanyeol. Pero wala sya. At may nakita akong liwanag na nagmumula sa isang kwarto. Baka andoon sya. Kaya nagtungo ako doon at narinig ko si Chanyeol na nagsasalita at may hawak hawak na picture frame.
"I miss you so much love. Sana ikaw yung pinakasalan ko. Sana ikaw yung magiging ina ng anak ko. Ikaw sana yung makakasama ko habang buhay. Pero nag iba ang lahat. Di mo na ba talaga ako mahal, kasi ako mahal na mahal kita."
Parang sinaksak yung puso ko ng isang matulis na bagay sa narinig kong yun. Alam kong isang pagkakamali lang yung namagitan sa amin pero kasi sa sandaling panahon minahal ko na sya.
Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Kaya bumalik na lang ako sa kama at doon tahimik na umiyak.
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
