CHAPTER 1: Her Childish Best Friend

11K 191 14
                                    

MARY'S POV

"Mar! I'm glad you came!" Rinig kong sigaw ng papalapit na si She na umagaw ng atensiyon ko.

Her name is Sheena Claire Alcantara, She for short. She's the most hyper, bubbly and childish girl I've ever known.

Kaagad akong sinalubong ng yakap ni She nang tuluyan na akong makapasok ng mall.

"I just came here because you kept on bothering mom just to send me here," I said to her while rolling my eyes in so much irritation.

She used mom to blackmail me. So obviously, it's two against one and there's no way I could win in our argument, which obviously the reason why I'm here.

"Hindi kaya. Sadyang love lang talaga ako ni tita kaya hindi niya ako matanggihan," she answered confidently to defend herself.

"Whatever," irita kong sagot sa kaniya at nauna na akong maglakad.

I'm a nerd and a silent type of person. Pero pagdating sa kaibigan at pamilya ko ay nagiging ibang tao ako. Just like now. I have various sides of me and it takes a lot of time to see all of those. But only rare people could see it. I am not the showy kind of person, especially when I'm not comfortable with someone.

Tinahak ko ang daan patungong "School Supplies Section" habang nakasunod naman sa likuran ko si She na siyang salarin kung bakit nasa mall kami ngayon at mamimili ng school supplies sa darating na pasukan. Pinakiusapan niya sina mommy at daddy na huwag na raw mag-abala pang bumili dahil kami na raw ang bahala.

For Pete's sake, iniiwasan ko ngang pumunta ng mall dahil ayoko sa masyadong mataong lugar. Hindi kasi maiiwasan na may mga matang mapapako sa 'yo at titingnan ka sa paraan na parang sinusuri ka nila at ikinukumpara nila ang sarili nila sa 'yo.

Mabuti na lang ay pag-aari namin ang mall na kinaroroonan namin at kilala na ako ng halos lahat ng mga nasa paligid kaya hanggang tingin na lang sila kung ayaw nilang mapalayas.

I'm a nerd but not the typical one. I'm not poor. I belong to one of the most renowned family in the business world. Hindi rin ako manang manamit katulad ng ibang nerd. I am just comfortable with clothes that aren't daring. I prefer oversized shirts, simple shirts, pants and the like. Iyong buhok ko naman ay kulot at dry dahil napapabayaan ko na at hindi rin naman ako nagpupunta ng salon kahit anong pilit ni mommy. And my eyes? It has a blurred vision that's why I am wearing an eyeglasses. I don't prefer contact lens; it is uncomfortable to wear.

This is how I dressed up. Lumaki kasi ako sa lola ko na masyadong istrikto lalo na pagdating sa pananamit, ayos at kilos ko dahil masyado siyang tradisyonal, which explains everything why I became like this.

I have a brother but he is busy with our business abroad. He is five years ahead of me. I am only eighteen while he's already twenty-three years old.

Pagkabili namin ni She ng lahat ng kailangan namin ay kaagad namin itong pinabitbit sa kasama kong drayber papunta sa dala kong kotse.

Dumaan muna kami ng ice cream parlor para bumili ng ice cream na siyang madalas naming bilhin kapag ganitong lumalabas kami nang biglaan.

"Kuya, two vanilla ice cream po," magalang kong sabi sa lalaking empleyado na siyang kumukuha ng orders.

"Is it your treat?" parang batang tanong ni She na pinapupungay pa ang mga mata sa harapan ko para magpa-cute.

Just for the record, my family and hers were on the same level. Kilala rin sa larangan ng business ang pamilya Alcantara. Ewan ko na lang sa bruhang si She at ang hilig-hilig sa libre kahit kaya naman niyang magbayad. Palibhasa inuuna ang pagbili ng kung ano-anong kaartehan niya sa katawan.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon