Chapter 15: Cover Up Date

5 0 0

MH Chapter 15:  Cover Up Date

Blaze's POV

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Alizah at ng driver na ito.

Go with the flow lang ako.

Pumasok kami sa isang......... Underground. Ibig sabihin?

Lumingon ako kay Alizah, kalma lang siya habang tumatanaw sa labas ng bintana.

"Oh ano?" Tanong niya sakin ng napansin niyang lumingon ako sakanya.

" Underground to hindi ba?" Tanong ko, for clarification.

" Oo, pati underground hindi mo kilala." Nag smirk siya sakin at tinapon sa mukha ko ang Coat ng uniform ko.

Unang lumabas si Alizah ng makapasok kami dito sa underground.

May bumukas sa kabilang pinto at kinuha ang babaeng sa tabi ko, ako nalang at ang driver ang naiwan dito.

Hindi pa rin ako lumabas.

"Huwag kang mag-alala, mababait ang mga tao dito hijo" Hindi sa natatakot ako dito. Kinabahan ako baka malaman nila na isa din ako sa nakatago sa likod ng mga maskara.

"Bata sumama ka sakin."

Ako ba kinakausap niya? Tinuro ko sarili ko at humarap sa kanya.

" Oo ikaw, sumunod ka sakin." Sumunod naman ako sa lalaki, hinanap ko kung saan si Alizah pero hindi ko na siya nakita.

Pumasok kami sa isang battle arena. May ganito din kami sa underground namin, pero sekreto lang natin to.

May stage sa harap at sa ibabawng bahagi ng stage nandun ang isang malaking logo.

Pamilyar to ah, san ko ba nakita to?
Isa siyang uri ng ibon na naka bukas ang pakpak na may dugo.

"Raven?!" Lumingon ang lalaking kanina ko pa sinusundan.

"Anong sinabi mo?" Napalakas ata ang pag sabi ko.

"Wala ang ganda nung ibon." Turo ko sa logo nila.

Ibig sabihin, underground ito ng Raven Bloods? So ibig ding sabihin nandito si Raven? Tang*na talaga, ano bang gulong pinasok mo Blaze?! Kinamot ko ulo ko.

Pumasok kami sa isang kwarto na parang normal lamang na bahay namay sala at kusina.

Pumasok si Alizah mula sa pintuan na pinasukan namin.

"Ra---"

Alizah just shoot a death glare to him. May sasabihin sana ang lalaki sakanya kaso natakot siya sa ginawa ni Alizah.

"Carl, bantayan niyo ng maigi."

"Ikaw" turo sakin ni Alizah.

"Magbihis ka" at tinapon niya sakin ng isang bagong damit na susuotin.

At pagkatapos pumasok siya sa isang kwarto.




**********************************

Nandito kami ngayon ni Alizah sa ice cream store sa loob ng mall.

" Say ahh, babe" binuka ko naman ang baba ko at sinubuan ako ni Alizah ng ice cream. Alam kong hindi niyo parin alam anong nangyayari.

Biglang tumayo si Alizah, at tumakbo habang hawak kamay ko. Hinahabol namin ngayon ang taong kanina pa namin sinusundan.

Habang tumatakbo hindi parin maalis sa isip ko na hinahawakan ngayon ni Alizah ang kamay ko pero sa may pulso lang ng kamay ko.


Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!