Chapter 45: The Note

390 13 10

Kailley's Pov

Nagkatinginan kami ni Nathan saglit at naagaw ang aming atensyon sa taong sumisigaw ng pangalan ko sa labas.

"KAILLEY THIS IS VELLA. BUKSAN MO ANG PINTO. MAY KAILANGAN KANG MAKITA" Napakunot ang noo ko. Si Vella lang pala ang tumatawag sa akin. Nathan gave me space para mabuksan ko ang pinto. Pagkabukas ko bungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Vella. Magtatanong sana ako ng bigla niya akong hablutin na agad namang sumunod si Nathan samin.

"Wait, Vella saan mo ba ako dadalhin? What happened?" I asked habang hinihila niya ako.

"You have to see.. Basta makikita mo" Di na lang ako umimik at sumama na lang sa kanya. Papunta kami sa open ground at doon ay may nagkukumpulang tao. Pinapalibutan nila ito. Bigla akong kinabahan. Papalapit na kami ng papalapit sa mga nagkukumpulan ng biglang nanginginig ang kamay ko.

"Wife, why?" Nathan asked nung nakita niya akong nanginginig. A-ano bakit ganto?

Nang makita ng mga tao si Nathan ay bigla silang nag alisan. Halos mapatumba ako sa nakita ko. Nathan immediately hugged me habang naiiyak ako.

"SINONG WALANG P-PUSO ANG GUMAWA NITO" I screamed. Kumalas ako sa yakap ni Nathan at hinawakan ko ang box na naglalaman ng mga litrato ng mga magulang ko. Nakagapos sila at puno ng sugat ang kanilang katawan. Magbabayad ang gumawa nito. Naiyukom ko ang mga kamao ko nang mabasa ko ang nag iisang note sa box.

" He'll kill you thrice but you only have one bullet to end his life"

Nathan hugged me tight at pinunit ang note na nabasa ko. I let my tears fall.

"Hush now Kailley. I'm here to protect you and your parents. I love you" madamdaming pag-aalo sakin ni Nathan at hinalik halikan ako sa noo ko. He asked me kung gusto ko nang umuwi at mabilis akong tumango. I think I need to unwind for awhile.


Nathan's Pov

"Kailley" I called my wife while I'm driving. But she didn't give me any response kaya napatingin ako sa kanya saglit at tinuon ulit ang atensyon ko sa pagdadrive

" Wife" Nilakasan ko ang boses ko para madinig ng asawa ko pero wala ulit akong natanggap na anumang sagot kaya minabuti kong itabi ang kotse para makausap siya.

I removed my seatbelt then I lean on her. Pero tulala pa rin ang asawa ko kaya I kissed her and gladly nagrespond siya sa kisses ko at napagtanto ko na natauhan siya ng itulak niya ako.  Pfft my wife can't resist my kiss. Hmm not bad

"Ano bang ginagawa mo?" Nakangusong sabi niya kaya agad ko siyang hinalikan. Smack lang naman at natawa ako ng ang sama ng tingin niya sakin. I know kinikilig lang ang wife ko.

"Anong ginagawa ko? Hmm eto.." I kissed her passionately at akmang magpupumiglas siya ay bigla kong kinagat ang ibabang labi niya at hinalikan siya ng mariin. She encircled her arms around my neck then respond to my kisses but I suddenly stopped. Sinubukan niyang habulin ang labi ko pero agad akong bumalik sa kinauupuan ko at naglagay ng seatbelt.

"Pafall talaga" I heard her murmured. At napangisi na lang ako sa narinig ko.

"Pafall wife? Di rin" I chuckled.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!