FAST
"WOOH! ANGAS!"
Puro sigawan lamang ng mga tao ang maririnig mo sa paligid pati na rin ang mga tunog ng instrumento na nagbibigay ligaya sa puso ko. Nandito ako ngayon sa Marikina at dumalo sa Gig Event ng mga underground bands ng pinas. Ang saya putangina walwal lang ako dito kasama ang mga clan mates ko habang ang iba naman ay nakikipag slaman at mosh na sa gitna ng pit.
Maraming mga lumalapit sa akin at nagpapakilala, dahil nga clanner ako, rakista ako, at babae ako, at hindi naman ipagkaka-ila ang cuteness ko kaya i think medyo sikat ako.
"Hoy Momo. Tara slam?" anyaya sa akin ng kaibigan kong babae na si Riri. Ngumiti ako sa kanya at umiling dahil pagod na ko kaka-slam kanina at putok na rin ang ibabang labi ko dahil nasiko ako ng isa sa mga nag-i-slam.
Nilingon ko ang natitirang alak ko at nilagok iyon. Sa totoo lang tipsy na ko- ay hindi, lasing na ako. Sure na sure na akong lasing na ako dahil medyo umiikot na ang paningin ko at gusto ko nang matulog.
Habang nakaupo sa stool lumapit sa amin ang clan leader namin, i forgot to say na bago lang itong clan na sinalihan ko at ito ang unang Grand Eye Ball namin. Nakipag kamay siya sa amin at tinanong kung ayos lang ba kami.
Tumango naman kami lahat at napansin nyang lasing na ako kaya bawat oras ang pagpunta nya sa lamesa namin para kamustahin ako at baka daw magwala ako bigla. Napaisip ako na sobra naman ang pagiging caring ng clan leader namin. I find him cute and handsome, but putangina he's small as fuck. Pero pogi puta ano ba.
Natapos na ang event ng alas kwatro ng umaga at lahat naman kami ay iisa lang ang jeep na sasakyan pauwi, sumakay ako sa tabi ng driver dahil naisip kong walang tatabi sakin do'n. Nagulat ako ng may tumabi sakin at hindi iyon nililingon hanggang sa umandar na ang jeep.
Tulala lang ako sa cp ko kaka-FB para hindi antukin pero sa tingin ko hindi effective yon, napabalikwas ako nang biglang may magsalita "Nasobrahan ka ata sa saya ngayon. First time mo ba umattend ng gig?" sabi nya sakin at nilingon ko naman sya at nagulat ako na ang katabi ko pala ay iyong clan leader namin.
Tumawa ako ng mahinhin, "Lasing lang ako" sabi ko at ngumiti ng tipid.
"May balak ka ba mamaya?" aniya na ikinagulat ko. "Yayain sana kitang mag simbang gabi"
Narinig kami ng iba naming ka-clan at kinantiyawan kami "Wag kang sasama jan miss, manyakis yan hahahaha!" sigaw nung lalaking may dalang skateboard sa likod ko.
Napapatawa na rin lang ako at dahil wala naman akong gagawin at ayoko pa umuwi, "Sige, sama ako." sagot ko sa kanya, ngumiti naman siya sa akin at nagkunyaring kinikilig sya at nagsimula na namang magkantiyawan yung mga ka-clan mates namin.
VOUS LISEZ
Second Chance
AléatoireAng istoryang ito ay tungkol sa babaeng nagkaroon ng iba't-ibang karanasan tungkol sa pag-ibig at ang mga kanyang nagawang pagkakamali dahil dito. Ating subaybayan ang kwento ni Monica "Momo" Garcia at ating alamin ang magiging kwento ng kanyang buh...
