20

359 75 0
                                    




Kabanata 20:
Ang kanyang Gusto







Nang makauwi na si Rose galing sa hospital ay dinalaw siya ng kanyang matalik na kaibigan at ito ay si Angge.

"Tao po, tao po?" aniya saka kumatok sa pintuan nila An An.

"Aba'y kaaga-aga may dumadalaw na kaagad sa'yo, anak." dinig ni Angge mula sa labas ng pinto, ang isang boses ng lalaki mula sa loob ng bahay.

Pinagbuksan siya ng isang may edad ng lalaki, nakasuot ng kulay kapeng damit na pinares pa sa isang kupas na maong. Siya si Ernesto, ama ni An An.

"Oh, ikaw pala iyan Angge. Halika't pumasok ka, iha." Malugod na paanyaya ni Tatay Ernesto.

"Salamat po, Tiyo. Gusto ko lang hong bisitahin si An An. Kamusta na po ba siya?" Magalang na bungad ni Angge sa matandang kausap niya.

"Ah, mabuti na siya ngayon saka kauuwi lang namin galing sa hospital. Naroon siya sa kuwarto niya, pinaakyat ko siya agad doon upang makapagpahinga siya. Puntahan mo na lang siya Angge. Dadalhan ko na lang kayo mamaya ng makakain." ani Mang Ernesto na siyang nginitian naman ng dalaga na siyang kaibigan ng kaniyang nag-iisang anak na babae.

"Ah sige po, puntahan ko na lang po siya. Maraming salamat ulit Tiyo." Nahihiya munit nakangiting tugon ni Angge kay Mang Ernesto.

At doo'y umakyat na siya sa ikalawang palapag ng bahay nila Rose Ann saka tumungo sa kuwarto nito. Naabutan niya pa itong nakatulala sa kanyang bintana na siyang nakapuwesto sa tabi ng kutson nito.

Napansin pa niyang nakatulala si Rose Ann na para bang ang lalim ng iniisip nito. Nakita niya ito dahil sa siwang na mayroon sa pinto ng kuwarto ng dalagang kaibigan.

Kumatok muna si Angge upang makuha nito ang atensyon ng kaibigan at hindi naman siya nabigo. Nagtatakang lumingon si Rose sa pintuan ng kuwarto niya at laking gulat nito nang makita niya ang kaibigan subalit noong nakarekober siya'y ngumiti naman sila sa isa't isa.

"Oh? Ikaw pala Angge." bati ni An An sa kaibigan niya.

"Ang lalim ng iniisip natin ah, kumusta ka na? Nabalitaan ko 'yung nangyari sa'yo, si Kuya kasi ang daldal." panimula ni Angge habang papalapit sa kinaroroonan ng kaibigan. Umupo ito sa tabi ni Rose.

"Ha? Okay lang ako, huwag kang mag-alala. Naiisip ko lang kasi 'yung sinabi ng Kuya mo sa akin, kahapon." tugon naman ni An An sa tanong ni Angge sa kanya.

"Ano naman iyon, pwedeng malaman?"

"Ipinagtapat niya kasi 'yung totoo niyang nararamdaman para sa'kin, gusto niya ako." paliwanag ni Rose Ann na tinanguan ni Angel.

"Oh, tapos?" takang tanong ni Angge sa kuwento ng kaibigan.

"Tapos, sabi ko may nagugustuhan na akong iba. Tinanong pa nga niya ako kung iyong gusto ko raw ba ay yaong nakasama ko no'ng isang araw sa Maxie's Restaurant eh hindi ba? Si Romeo lang naman ang taong kasama ko no'n." dagdag kuwento pa ni An An.

Napalunok si Angge dahil sa kuwentong ito ni Rose. Iniisip kasi nito na baka siya nga 'yung nagugustuhan ng kaibigan niya. Biglang napatahimik saglit ang dalaga kaya muling nagsalita si An An.

"Pero hindi si Romeo 'yung taong natitipuhan ko." Nasilayan ni An An ang biglang pagliwanag ng mukha ng kaibigan niya.

Batid ni Rose na gusto ni Angel si Romeo at isa iyon sa dahilan kung bakit hindi niya gustong piliin si Romeo dahil kung lalaki lang din naman ang magiging dahilan ng siraan nilang magkaibigan ay mas gugustuhin pa ni Rose na magparaya para sa kaibigan niya.

"Alam ko kasing gusto mo siya Angge, kaya hindi ko siya pwedeng magustuhan. Alam mo naman na ayaw kitang makitang nasasaktan hindi ba?" dagdag tanong pa nito na tinanguan ni Angel. Napangiti pa ito kay Rose at ganoon din naman ito sa kanya.

"Maraming salamat, An An..." Wala sa sariling usal nito sa matalik nitong kaibigan saka siya muling ngumiti.

"Kahit 'di mo sabihin sa'kin alam kong gusto mo siya, napansin ko na 'yun. Sa unang beses mo pa lang siya nakita eh alam ko na, ramdam ko na Angge. Tinutukso pa nga kita noon eh, hahaha." pigil tawang asar naman ni An An sa katabi niyang babae na si Angge.

"Naalala mo pa iyon?" takang tanong ni Angge.

Bumalik naman sa kanyang alaala ang unang pagkakita niya kay Romeo sa kanilang silid-aralan.

"Ayan namumula ka na, hahaha!" tukso pa ulit ni An An sa ngayo'y namumula nang si Angge.

"Grabe ka. Sandali nga, kung hindi si Kuya Kiko at hindi rin naman si Romeo? Sino 'yung nagugustuhan mo, si Kuya Janry ba? Ikaw ah." malisyosong tanong ni Angge saka pasimpleng tinukso ang kaibigan niya.

"H-ha, si Janry?" patanong ding reaksyon ni Rose Ann.

"Oh, bakit pwede mo naman siyang magustuhan ah? Nagawa ka pa nga niyang gamutin no'ng sumemplang ka sa bisikleta." balik-tanaw na kuwento pa ni Angge.

"Oo pero hindi rin eh. Si Carlito talaga 'yung taong gusto ko, Angge." direktang sagot ni An An dahilan para panliitan siya ng mata ng kaibigan niya.

"Si Carlito?! Ows?" takang napatitig si Angge kay An An na ngayon ay nakangiti na.

"Oo, siya rin 'yung gusto ni Itay para sa akin kahit dati pa. Kaya hayon, siya na 'yung taong gusto kong sagutin kung sakali man na tanungin niya ako at isa pa, matagal ko na rin siyang gusto 'no. Sadyang mahiyain lang ako kaya 'di ko masabi sa kanya ng direkta." Nakangiti na pawang kinikilig pang saad ni An An.

"Ay, iba ka talaga An An. Eh 'di ikaw na may mahabang buhok. Ikaw na 'yung maganda. Grabe, ang dami mong lalaki." Natatawang komento pa ni Angge sa kuwento ng kaibigan niya.

"Uy, grabe ka naman. Hindi naman ako ganoon 'no." tanggi naman nito sa sinasabi ni Angge.

"Tsk. Oo na, maganda ka lang kasi kaya ka pinipilahan hahaha." bawi pa niya sa naunang niyang sinabi.

"Hay nako, Angge." Napasapo na lang sa kanyang noo si An An saka tumawa ang dalawang babae.

"Ano, kaya mo na bang pumasok bukas?" alanganing tanong ni Angge kay An An bago niya tiningnan kung ano na ang kalagayan ng kaibigan.

"Oo kailangan kong sabihin kay Romeo ito. Kailangan ko na siyang patigilin dahil hindi ko kakayanin kung masasaktan ko siya." Malungkot na ani Rose.

"Tama iyan. Bakit ba kasi pinayagan mo pa siya eh, tingin mo sa ginawa mo sa kanya hindi siya masasaktan?" prangkang tanong naman ng isa.

"Oo masasaktan siya pero atlis nalaman niya hindi ba?"

"Oo pero kasi..." Nag-aalalang usal ni Angge.

"Alam kong kaya mo siyang gamutin, Angel. Ikaw ng bahalang gumamot sa kanya kung sakali." Saglit napatahimik si Angge dahil sa sinabing ito ni Rose. Batid nito ang ibig sabihin niyang sabihin.

"Ah sige na, kailangan ko ng umuwi." paalam ni Angge sa kaibigan saka humalik sa pisngi nito.

"Sige kita na lang tayo bukas, ingat ka." Nakangiting paalam naman ni An An sa kaibigan.







The Suitor Of Rose AnnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon