"Genesis, the Familia is all about family and tradition. Kung ang pamilya mo ay isa sa first families, then your family has one hell of a history. "

Napapikit ako, nararamdaman ang pagod sa pagsusulat ng ilang oras. "So kung pure blood Rayleigh ako at pure blood Imperial si Raegan, then we both have a long family history?"

"Yes."

"Familia Olympia din si Katarina."

"Anong house niya?"

"Apollo ata."

"Oh." Napatigil si Hail. "Kamag anak ko?"

Napatingin agad ako kay Hail. "Oo nga noh?! Apollo ka nga rin pala!"

"For the record, hindi lahat ng taga-Apollo ay katulad niya."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Of course, I know that. Kaibigan ko sila Dan at Roland Miraber."

"Oh yeah, right. I remember you asking me about them when we first met."

"Pang ilang house ka sa Apollo?"

"Third House. Si Katarina ba?"

"I'm not sure. Sixth ata or eighth." Sagot ko. "Di ko maalala kung napagusapan ba namin ni Raegan yun. Basta ang alam ko nasa lower house na siya."

"Mataas pa naman yung sixth or eighth house. Basta pasok ka sa first ten houses. If you're lower than ten, minor house ka na."

"Pang ilang house kaya si Henry?"

"Malamang first house yun. Rayleigh siya eh."

"So, first house ako?"

"Yes." Ngumiti si Hail sa akin. "Mas mataas pa pala posisyon mo kesa sa akin, Lady Genesis."

"Shut up." Tinakip ko si Capt. Barry sa mukha ko. Naalala ko yung mga kasambahay ni Raegan. Lady Genesis din ang tawag nila sa akin noon. Nung nagpatawag akong Gene, Lady Gene or Ma'am Gene naman ang sunod na tinawag nila sa akin.

Natawa si Hail. "You know, if you want Raegan back, tama si Alexa. You have a better chance of getting the Order of the Kings' approval than Katarina."

Ibinaba ko si Capt. Barry mula sa pagkakatakip sa mukha ko. "Dahil sa house ko?"

"Yes." Sagot ni Hail. "Also, the fact na Rayleigh ka and Imperial si Raegan is a big plus. If the two of you have kids, macocontinue yung blood line niyo."

"Baka yung blood line ko lang. Raegan doesn't want to get pregnant."

"True. Name lang makukuha ng bata from Raegan."

Natigilan ako. Naalala ko bigla yung plano ni Raegan. "Except may naka-store na sperm yung kuya ni Raegan sa ibang bansa. She told me she wants to use that to get me pregnant."

"Ohhh, then that would make her related to your child." Manghang sabi ni Hail. "That's smart."

"But that plan was made a long time ago." Umupo ako. "Raegan is with Katarina now. Engaged na nga sila eh."

"Talaga?" Tanong ni Hail. "Nagpropose na si Raegan kay Katarina?"

"Well, not really. Plano lang ng Order of the Kings."

"Inannounce na ba?"

"Hindi pa. Sa 21 daw iaannounce sabi ni Alexa."

"Yun ba pinagusapan niyo ni Alexa?" 

Tumango ako. "Alexa wants me to go back to Raegan before iannounce yung engagement. Kasi pag inannounce na daw, wala nang makakapigil sa Familia from making it happen."

Split AgainWhere stories live. Discover now