Baekhyun's Pov
"Na ikakasal ka na bukas?" Teka bakit alam niya?
"Paano po nyo nalaman?"
"Tinawagan ako ng magiging asawa mo kanina si Mr. Park sinabi nya na siya ang ama ng dinadala mo at magpapakasal na kayo bukas." Nagulat ako sa sinabi ni mama. Paanong nalaman nya ung number ng mama ko.
"Opo ma bukas na po yung kasal namen may susundo po sa inyo dyan bukas ng maaga. Wag ka na pong mag abala sa susuotin mong damit si mamita na po ung bahala. Sya po pala yung lola ni Chanyeol."
"Ganun ba? Sige kita na lang tayo bukas. Wag kang magpuyat masama sa buntis yan at para maging maganda ka bukas sa kasal mo."
"Opo sige.bye see you tomorrow" pagkatapos namen mag usap ni mama nagpunta na ako sa kwarto ni Chanyeol tinuro ito ng katulong na nakasalubong ko. Pagpasok ko naririnig kong naliligo si Chanyeol. Kaya na inilibot ko ung paningin ko sa loob ng kwarto nya. Medyo may pagka OC ang organize ng mga gamit nya. Nako mukhang di talaga kame magkakasundo kasi burara ako.
Nilibot ko ung paningin ko hanggat sa makita ko yung picture frame sa may side table nya. Kinuha ko ito tinignan.
Picture un ni Chanyeol pati ng isang magandang babae. Ang sweet nilang tignan bagay na bagay sila. Eto yata yung ex girlfriend ni Chanyeol. Ang ganda, samantalang ako mukha akong patatas pag itinabi sa ex girlfriend niya. Makapal ung salamin ko,may mga blackheads ako pero wala akong tigyawat,un na lang yung pinagpapasalamat ko. Pero kumpara sa kanya walang wala ako.
Pero meron ako na wala sya walang iba kundi ang aming munting anghel sa sinapupunan ko.
"Anong ginagawa mo? Baket hawak hawak mo yan!" inis na binawi ni Chanyeol yung picture frame sa kamay ko.
"Sorry na curious lang ako siya ba yung ex girlfriend mo?"
"Wala kang pakielam. Maligo ka na para makapag pahinga na tayo."
"Pero wala akong damit. Ang sabi ni mamita manghiram ako ng damit sa………" hindi pa ako tapos makapagsalita ng may binato siyang damit sa akin saktong tumama sa mukha ko. Jusko ang sama talaga ng lalaking to.
"Yan suot mo. May towel na doon gamitin mo. May bagong toothbrush na din sa may cabinet kunin mo na lang."
"Sige salamat." Padabog akong pumasok sa banyo.
Nako anak wag na wag mong gayahin yung ugali ng tatay mo. Palaging nakasimangot, pinaglihi yata sa sama ng loob kaya palaging nakasimangot. Gwapo pa naman.
Pagkatapos ko maligo nakita ko si Chanyeol na nakaupo sa kama at may laptop. May tinatapos yatang report. Kaya nagtungo ako sa may sofa at nag suklay ng buhok. Naglagay na din ako ng lotion. May dala ako palaging lotion sa bag ko kasi medyo dry ung skin ko nung nagbuntis ako.
"Baket andyan ka?" Tanong sa akin ni Chanyeol
"Baket? Dito ako matutulog."
"Ano? Sa tingin mo papayagan kita dyan matulog? "
"Eh saan ako matutulog?"
"Dito." Sabay tapik sa tabi nya. Hala tabi kame? May gwad
"Eh ikaw saan ka matutulog?"
"Syempre dito din kama ko to eh."
"Ibig sabihin tabi tayo matulog?"
"Malamang. Isa lang naman yung kama dito."
"Dito na lang ako sa sofa."
BINABASA MO ANG
Trap Marriage ( Completed)
FanfictionNormal lang ang buhay ng isang Byun Baekhyun. Ngunit magbabago ang lahat sa pagdating sa buhay niya ang isang Park Chanyeol. isang lalaki na magpapabilis ng tibok ng puso nya. ang lalaking maituturing nyang 1st love. sa unang kita palang ni baekhy...
