Chapter 9: First Day

257K 6K 590
                                    

Zitty's POV

   

   

   

KRING!

  

  

Ano ba yung maingay na iyon? Ang aga aga! Hindi ko dinilat ang mata ko at sa halip ay bumaling ako sa gawing kaliwa ng kama. Sleep mode muna.

   

   

KRIIINNNGGG!

   

  

The fuck. Ano ba yan? Hindi nama ako nag-aalarm clock so ano ba yun? Hay! Pesteng tunog. Tinakpan ko naman ngayon ng unan ung tenga ko. Sleep mode again.  

  

KRRRRIIIINNNNGGGG!

   

  

Waaaa! Napasigaw ako out of frustration at naiinis na ginulo ang buhok. Nagsisipa ako sa kama at nagpapadyak ng paa. Kairita! Bwiset! Ano bang ingay yon?! Nakakainis natutulog na ung tao tapos ang ingay ingay! Bumangon na ako ng masama ang loob at hinanap ang lapastangan na ng istorbo ng tulog ko.

  

  

Tss. Cellphone ko lang pala. Tiningnan ko iyong screen ng CP kong IPhone at new model yan ha!

  

  

Calling Yelo

   

   

Problema nito? Aga-aga nangbubulabog! Sasagutin ko ba o hindi? Ano bang magandang gawin sa maingay na cellphone na ito?

  

 

A.   Itapon.

B.   Itapon.

C.   Itapon.

 

  

Sa huli sinagot ko din ung phone ko. Una dahil sa makulit na Yelo na yan at pangalawa, wala akong kasipagang taglay para bumili ng bagong cellphone in case na itapon ko.   

   

"HELLO?!" Bungad ko sa kaniya pagkasagot ko ng cellphone. Aba malanang galit ako. Sinong matutuwa na magigising sa ingay ng CP?

  

[Galit? Galit? High blood teh?"]

  

“Istorbo ka kasi sa tulog ko!" Pinatay ko na iyong tawag. Bumalik na ulit ako sa kama ko. Matutulog na lang ulit ako! At sana naman ay hindi na ako gambalain ng sino mang asungot.

   

  

Nakahiga na ako at makakatulog na ng bigla kong maramdaman ang paggalaw ng kumot ko. Teka ano yung nagalaw sa---

   

   

“Good Morning!” What the heck?! Napabangon ako bigla at umalis sa kama. Nagulat talaga ako ng sobra ng may biglang lumitaw ng ulo sa ilalim ng kumot ko at nakasilip. Sino pa ba? Si Yelo!

Gangster Academy (Published Under Pop Fiction) Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon