Tawagan ko nga si Cyrus. Miss ko na yung lalaking yun. Di na nagpaparamdam.

[Hello?]

[Bakit di kana nagpaparamdam?]

[Miss mo ako?]

[Malamang. Tagal na din ah. ]

[Marami kasu akong laging ginagawa. Alam mo na lawyer ako. Nahihirapan na nga ako eh]

[Wag mong kakalimutan ang kumain kahit busy ka ha?]

[Yes po Boss. Kamusta ka naman?]

[Maayos naman ako. Ikaw inaalala ko.]

[Wag kang mag-alala Hana. Okay lang ako. Kapag naka-graduate na ako di na ako magiging busy.]

[Sige. Bye na.]

[Bye.]

Nahiga na ako. Di nagtagal dinalaw ako ng antok dahil na rin siguro sa pagod. Mamayang gabi nalang ako babawi sa pagkain.

~~

Minulat ko ang mata ko. Kanina pa ako gising pero ayokong imulat yung mata ko. Hays. Gusto ko lang mahiga maghapon pero nagugutom na yung mga alaga ko sa tiyan ko. Taena. Bawal ko tong pabayaan.

Grrrr. Bumangon ako kahit labag sa loob ko. Pagtingin ko sa labas madilim na. 6:13 pm na pala. Ganoon ako katagal natulog. Taena.

"Hanniel?" pagtawag ko sakanya pero walang sumagot.

"Hanniel?!"

"Oh? Ang ingay mo."

"Kanina pa kaya kita tinatawag. Bakit wala si Manang?"

"Humingi siya nang day-off."

"So... Walang tayong pagkain sa kusina ngayon?" tanong ko.

"Mcdo tayo. " sabi niya. Matagal na din na di ako nakakakain don.

"Bihis lang ako." sabi ko. Nakapam-bahay lang kasi ako.

"Wag na. Ayos lang naman yung damit mo. "

"Sige. Una na ako sa kotse mo. " sabi ko sakanya. Di ko una din hinintay na sumagot pa siya. Umupo na ako sa passenger's seat. Di nagtagal nakita ko siyang papalapit na. Pagkapasok niya agad niya pinaandar niya yung kotse niya.

Gusto ko sanang magsalita pero parang wala akong lakas ng loob para magsalita. In short, nahihiya ako. Parang naiilang talaga kami eh.

"Ano yung nanalo sa basketball?"

"Saan mo gusto kumain?" nailang ako dahil sabay kaming nagsalita. Ito yung dahilan kaya di ako makapagsalita. Baka mangyari ang ganito pero nangyari nga. Kaiyak.

"Sige. Ikaw muna magsalita." paubaya ko.

"Hindi. Sige ikaw muna."

"Ahh. Ano yung nanalo sa basketball?"

"Golden State Warriors."

"Talaga?"

"Mmm..."

"Sige dahil nanalo sila libre kita. Ikaw bahala kung saan mo gusto."

"Sigurado ka?"

"Baka magsisi ka."

"Hindi nga. Sige na bago pa magbago ng isip ko." sabi ko sakanya. Di na siya sumagot.

Di nagtagal nasa tapat na kami sa isang restaurant. Parang una ko dito ah. Pinagbuksan niya ako. Dapat lang ako yata ang magbabayad sa kakainin niya ngayon.

Pagpasok palang namin may waitress na agad na lumapit saamin.

"Long time no see Mr. Curtis. " sabi ng higad---este babae. Ang kapag ng makeup niya kasing kapag ng mukha niya.

"Mmm... Doon kami sa garden." sabi ni Hanniel. Kumapit naman ako sa braso niya. Tumingin siya saakin binigyan ko lang siya nang nakakalokang ngiti. Bahala siya sa buhay niya. Taena.

"This way po Sir." sabi nang higad.

"Thank You." pagka-upo namin agad akong nakalanghap nang sariwang hangin. Parang nasa probinsya lang ako ah. Ang ganda pala dito. Mga puno at halaman at mga bakanteng mesa lang ang makikita mo. Kakaiba to. Di siya tipikal na restaurant.

"Nagustuhan mo dito?" tanong niya at nakangiti siya saakin.

"Ba't di mo sinabi na meron ka palang alam na lugar na ganito? Ang ganda dito. Yung sariwang hangin, yung kulay nang mga puno nakakarelax. At ang gaganda pa ng mga bulaklak. Wala akong masabi. Ang ganda talaga." paliwanag ko sakanya. Siguro sa mukha ko palang makikita na kong gaano ako humanga sa lugar.

"Tinatanong ko lang kong nagustuhan mo o hindi. Oo o hindi lang ang gusto kong sagot walang nang iba." pagsusungit niya.

"Sungit mo. Order na nga tayo! Ikaw na bahala sa pagkain order-en mo lahat nang gusto mo." sabi ko.

"Ikaw? Anong gusto mo?"

"Sabihin mo lang na pangdalawang tao yung lahat nang order mo and I Thank You!" sabi ko sakanya. Manghang-mangha talaga ako sa lugar na napili niya. Sa labas parang yung katulad lang na restaurant ng iba. Pero may garden pala.

Di nagtagal dumating na yung mga pagkain. Halos mahimatay ako dahil ang daming waiter ang naghahatid nang pagkain. Halos yata lahat nang nasa menu inorder niya.

"Ang dami nito. Di natin kaya lahat to." sabi ko. Parang ayoko naring kumain. Iniisip ko palang yung credit card na gagamitin ko naiiyak na ako.

"Kaya ko lahat yan. Kumain kana. Magbabayad ka pa mamaya." sabi niya at tinawanan niya ako.

Binato ko siya nang fries na nasa gilid. "Porket talo yung cavs mo! Ginaganito mo na ako! Sumbong kita kay Curry ko!" sabi ko habang binabato parin siya. Ang dami nang fries.

"Tama na yan! Kaya mong bayaran yan." sabi niya at sinimulan na niya ang kumain.

"Tangina mo! Sumusobra ka na eh!"

"Bayaran mo yan. Bwahahah."

~~~~~

Casanova's  WifeRead this story for FREE!