[26] ♔ Treat

1.7K 42 5

Hana's POV

Hindi ko alam kong anong nangyari sa laban nila pero talo sila. Sa mukha palang ni Tyler alam mo na ang magiging resulta.

"Tara, kain na muna tayo." yaya ni Zane. Yung team niya naliligo pero siya gusto munang kumain. Iba talaga siya. "Hanniel sama ka muna." dagdag niya pa. Tumango lang ito bilang tugon.

"Alam mo Zane, pansin mo ba yung mukha ni Xander? Dahil lang ba yun sa pagkatalo?" sabi ni Angel.

"Pansin ko din eh. Parang may kakaiba. Kausapin mo kaya."

"Sige ako nang bahala. Ikaw muna dyan kay Jilane. Kapag may galos yan papatayin kita!"

"Oo na." sabi nito. Umalis na si Angel. Bumalik siya sa room ng Lions. "Ikaw Hana, anong ginawa mo kay Hanniel kanina. Kong nakita mo lang yung hitsura niya. Taena. Matatae ka talaga sa kakatawa." sabi na halatang tawang-tawa sa mukha ni Hanniel kanina.

"Wala yun. May kakaiba lang sa daan." sabi ni Hanniel.

"Hoy Hanniel! Kaibigan na kita mula nong isinilang ka ni Tita. Muntik na nga maging kapatid kita eh. Tapos kanina lang may nangyaring ganoon na may asawa ka na."

"May asawa na siya?" tanong ni Jilane kay Zane.

"Asawa ko siya." sabat ko. Umupo na kami sa isang table. Umorder si Hanniel at Zane. Wala nang nagsalita dahil mabilis na dumating yung pagkain.

"Hoy Hanniel di pa tayo tapos!"

"Gang you pare! "

"Umalis na nga kayo! Istorbo!"

"Isang galos Zane buhay mo ang nalataya. Bwahahah."

"Alam ko yun. Alis na nga!"

Sumakay na ako sa kotse niya. Sumakay na din siya. Parang kakaiba ang atmosphere dito sa kotse niya. Sinimulan na niya ang pagmamaneho.

"Ahmm... Hana yung kanina... Pasensya na."

"Yung kanina? Wala na yun. Di mo naman sinasadya. At isa pa, kalimutan mo na yun."

"Ahh. Heheheheh." walang nang nagsalita hanggang sa makarating kami. Pumasok ako sa kwarto ko. Biglang nagbeep yung phone ko. Binuksan ko yung message.

Manood ka nang game ko bukas.

-Sige. Maaga akong gigising bukas. Bwahahah.

Di na siya nagreply pa. Pagkatapos kong maligo. Lumabas ako sa kwarto nakita ko siyang nanonood ng basketball.

GSW vs. Cleveland Cavaliers.

"Curry! " napasigaw ako dahil matagal ko na siyang di nakikita. Namiss ko talaga mga laban niya.

"Mas magaling si Lebron dyan eh."

"Wag ka nga. Magaling sa 3 points si Curry. Alam mo, gusto ko siyang makita sa personal. Punta tayo California ngayong summer."

"Oo nga summer na. Sa Madrid tayo. Maganda doon."

"Ayoko don. Sa China nalang."

"Sa Japan nalang kaya."

"South Korea nalang kaya."

"Bahay nalang. " sabi niya. At bumalik ang atensyon sa tv.

Ilang sandali lang naboring ako. Walang magawa sa phone ko. Tapos ayoko siyang kasamang manood. Puro nalang Lebron. Parang si Lebron lang nakikita niyang naglalaro. Taena. Nandyan din naman si Curry ah.

"Ayokong kumain kaya matutulog na ako."

"Okay."

Medyo na disappointed ako sa answer niya. Akala ko kasi pipilitin niya akong kumain. Di pala.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!