[25] ♔ Game One

Start from the beginning

“Baka nakabuntis ka na.”

“Gang you! Di ganoon. Lagi kaya akong may condom. Tsaka nagbago na ako.”

“Sino naman nagpabago sa isang katulad mo, aber?” biglang pumasok si Zayde.

“Wala. Maliligo lang ako.” sabi nito at pumunta sa CR.

Habang naliligo siya nagdatingan na yung mga kaibigan namin. Si Hanniel nalang ang kulang. 7:45 na di pa siya lumalabas ng banyo.

Mmm... Mukhang may nangyaring kakaiba. Mamaya ka saakin Curtis. Bwahahahahah.

Di nagtagal kompleto na kami. Ilang minutes nalang mag-uumpisa na ang laban namin. Nagpaalala lang si coach kong ano ang gagawin at di dapat. Tsk. Alam namin lahat yun eh.

Pagpasok namin sa gym. Napuno ito nang hiyawan.

“Tylerrrrrr! Sheez. Ang hot mo!”

“Hanniel asawa ko!”

Kinawayan ko sila.

“Panty ko nalaglag dahil sa kaway ni Zaneeeee beybbb.”

“Zayde mahalllll kooooooo! ”

“Harley my only oneeeeeee!”

“Van Dylan! Ampogi moooooo!”

“Yuan marry meeeeeeeee!”

“Blake my princeeeeeee! Mahal kita beybbb.”

“Terrenceeeeeeeee. Watdapak! Anakan mo na akoooooooo!”

“Asawa ko kayong lahat! ” sigaw ng babaeng makapal ang make-up at may dala pa siyang banner #Effort.

Inisa-isa ko yung mga babae pero ni isang kulay blonde na buhok di ako makakita. Wala si Angel?

Mmm... Masama ang laban na ito. Wala din si Hana. Hayss. Matatalo na ba kami?

No way!

Nagsimula nang magsalita yung referee at sumabay si coach. Mga paalala at mga habilin ang mga sinabi ni coach.

Lima ang sumalang sa court.

Ako, si Ty, Hanniel, Zayde, Yuan.

Una palang agad na kanila na ang bola. Mabilis na naagaw yun ni Yuan at ipinasa kay Ty. Shoot yun 3 points pa. #IbaTalaga.

Nasa kanila na naman ang bola. Mabilis yung naka-24 at ipinasa sa ika-18 at mabilis tumakbo papunta sa ring at shoot.

3-2 ang score.

Amin yung bola ipinasa ni Ty saakin at ipinasa ko kay Hanniel. Shoot!

Naging mas mainit ang laban. Mas umingay yung crowd. Di ko alam pero malakas ang kutod kong panalo sila. Nagbreak muna ng mabilis. 39-24 lamang sila nang 15 na puntos. Ang hirap na nito. Ang hirap bawiin yung puntos na yun.

Nakita kong may dumating. Umupo sila malapit sa inuupuan namin. Si Angel may kasama siya. Ang ganda. Bukod kay Hana may kasama sila. Mukha siyang napakainosente. Mukhang may inspired na ako ngayon.

“Hoy! Sandoval! Kanina ka pa! Tara na!” makasigaw tong si Ty mukhang papatayin ako.

Ako na naman tapos si Axel, Terrence, Khian at si Tyler.

Bola namin. Mabilis si Terence. Ipinasa saakin at pumwesto siya sa kung saan pwede madling i-3 points at ipinasa ko sakanya. Shoot!

Habang dinidribble yung bola naagaw yun ni Axel at ipinasa saakin at ipinasa ko kay Tyler. Shoot!

Parang pasa lang yata kaya di ko nayon pinasa nong nasakin na yung bola at ayon okay naman. Mabilis na natapos yung laban. Talo kami. Di ko alam pero di ko nga alam.

Sinalubong kami ni Angel. Ginulo ko yung buhok niya. Ganda talaga niya kong pwede lang siya pero kaibigan lang ako nito eh. Gustong-gusto niya kasi si Tyler. Si Tyler naman may gustong iba. Tch.

“Ang panget ng laro niyo.” komento ni Hana.

“Edi ikaw maglaro.” nagkatinginan sila at biglang namula si Hana. Pinagpawisan na naman si Hanniel.

“Sino siya?” tanong ko sa babaeng mukhang walang planong makipag-usap saamin. Tudo tago sa likod ni Angel. Hindi naman kami panget ah. Pero baka mabaho kami. Hindi naman siguro yun.

“Siya si Jilaine Cruz. Kabigan ni Mom yung Mama niya kaya nong namatay sa pangingisda yung parents niya saamin na muna siya. Kami muna ang magpapa-aral sakanya. 3rd year siya.”

“Ahh. Hi Jilaine!” sabi ko at kinawayan ko siya. Kinawayan niya ako at ngumiti lang.

“Jilaine siya si Zane. Matalik kong kaibigan.” sabi niya.

“Isang karangalan saakin ang makilala ang kaibigan ni Miss Angel. Ang dinig ko ay mabait ka ho.” sabi niya.

“Wag mo na akong tawaging Miss.”

“Pasensya na. Di ko lang mapigilan.” sabi niya. Morena siya. Yung straight niyang buhok at medyo kulot sa dulo. Ang ganda bagay sakanya. Love at First Sight? What the?!

Casanova's  WifeRead this story for FREE!