[25] ♔ Game One

1.5K 43 6

Hana's POV

“Hana?”

Nagising ako dahil may tumatawag sa pangalan ko at yinuyugyog ako. Hays. Palagay puyat ako kahit ang aga kong matulog.

“Hana naman eh.”

“Oh?” sagot ko habang nakapikit pa rin. Tinatamad talaga ako ngayon feel ko.

“Gumising ka na. Manood ka naman nang game ko. Sige na. 8:00 am ang laban namin.”

“Susunod nalang ako.” tanging sagot ko.

“Hana naman!” sigaw niya at bigla ng hinablot yung kumot.

Hinablot yung kumot...

Hinablot yung kumot...

Hinablot yung kumot...

Hinablot yung kumot...

“Wahhhhhhhhhhh!”

“Ahhhhhhhhhhhhhhh---”

Bigla akong tumakbo papunta sa CR. Owemjiiiiiii. Nakita niya kaya? May nakita ba siya? Nakapanty lang kasi ako. Nainitan kasi ako kagabe kaya tinagal ko yung suot ko. Kaya nakapanty nalang ako. Tapos hinablot pa niya yung kumot ko? Parang wala akong mukhang maihaharap sakanya ngayon? Paano to? Di nalang kaya ako pumunta? Pero paano yung game niya?

Siguro mas makakabuti kong umakto nalang akong walang nangyari. Yung parang wala lang. Ganern.

Tutal nasa-CR na naman ako kaya sinimulan ko nang maligo. Pupunta ako roon. Para maipakita ko sakanya ng parang wala lang yun. Na wala epekto yon saakin.

Woah!

Inhale...

Exhale...

Fighting!

Pagkatapos ko, lumabas ako sa kwarto ko. Wala na siguro siya. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Baka nasa-kwarto siya. Pero baka nandoon na yon 7:30 na kasi.

“Hana--”

“Ay panty ko--!  Manang naman wag naman ho kayong manggugulat.” sabi ko. Nasa likod ko pala siya.

“Hindi naman kita ginulat sadyang nagulat ka lang hija. Kumain ka nalang. Sabi ni Hanniel pumunta ka nalang daw sa gym. Dapat daw manood ka.” paliwanag ni Manang habang naghuhugas ng mga plato.

“Manang noong sinabi niya yon, pumasok naba siya sa kwarto ko or hindi pa?” sabi ko at ininom yung gatas. Yun lang ang kailangan ko sa canteen nalang siguro ako magpapakabusog.

“Bago siya pumasok. Bakit nga pala siya nagmamadali na sumakay sa kotse niya. Parang natataranta siya eh.”

“Wala po yun. Alis na po ako.” sabi ko. Nagdala lang ako ng bag. Nagtaxi lang ako. Natatamad akong magdrive eh.

Zane Caleb's POV

Nagmamadali akong pumunta sa room ng LIONS nasa akin kasi yung mga gamit namin. Kaya bawal akong malate. Nakita ko si coach na pumasok sa room namin. Kaya mas binilisan ko pa ang takbo.

“Tagal mo.” reklamo ni Ty.

“Nauna kalang.” pagsusungit ko.

“Palusot ka pa Sandoval.” sabi nito. At kinuha lahat ng gamit.

“Ayan na pala si Curtis eh.” sabi ko. Pumasok siyang hinihingal. Halos maligo siya sa sarili niyang pawis.

“Ano namang nangyari sayo, Curtis ha?” tanong ni coach.

“May nakita la po coach.”

“Grabe naman yung nakita mo at pinagpapawisan ka nang ganyan. Iba na yan Curtis, umamin ka.” sabi ko. Grabe kasi talaga yung hitsura niya.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!