Believing by MissSayuri

Start from the beginning
                                    

"Sige, pero babalikan kita dito ha?" tumango ako at nung nakaalis na si ate ay pinaikot ko ang gulong ng wheelchair at pinuntahan 'yung lalaki

"Nakakainis! Bakit ba hindi nila ko maintindihan! Puro na lang si--" natigilan siya nung nakita niya ako

"Bakit mo sila sinisira?"

"Anong pakialam mo!" tumalikod na siya at naglakad pabalik sa loob ng ospital. Nakaramdam din ako na parang masusuka ako, siguro dahil na naman 'yun sa anistisyang  ginamit nung inuperahan ako. Papasok na sana ako nung biglang dumating si ate Monica.

"Tara na sa loob?" itinulak niya ang wheelchair ko at nung madaanan namin ang kwarto bago ang kwarto ko ay nakita kong umiiyak ang mga tao sa loob.

"Anong nangyari ate Monica?" malungkot siyang napatingin sa kwarto at sa naging reaksyon niya ay mukhang alam ko na ang nangyari. Minsan talaga kahit ayaw mo pang sumuko ay darating at darating din ang oras na bibigay ka dahil sa pagod at sakit na nararamdaman mo.

Aalis na sana kami nung may lumabas na lalaki at napatingin ako sa kaniya. Blangko ang ekspresyon nung lalaki kanina at walang ibang imosyon na makikita. Dinaanan niya lang kami at patakbong umalis sa kwaryong 'yun. Napaisip tuloy ako, pano kaya kung mawala ako, ayokong maging malungkot ang mga magulang ko. Hindi ako matatahimik kapag nawala ako at maiiwan ko silang malungkot.

Nung naggabi na ay naalimpungatan ako kaya napaupo muna ako sa kama, sila mama at papa naman ay mahimbing na natutulog sa sofa. Tahimik ang buong kwarto at nung napatingin ako sa bintana ay may ilaw akong nakita. Tumayo ako para silipin kung saan nanggaling ang ilaw na 'yun at nakita ko ang lalaki kanina sa may garden at para bang may inuukit siya sa puno. Parang nacurious ako sa kung ano ang inuukit niya doon, kaya binuksan ko ang bintana at tahimik ko siya tinawag.

"Gabi na ah, bakit nasa labas ka pa? at ano yang ginagawa mo jan?" tiningnan niya ako ng may pagkairita sa mukha niya. Parang kasing edad ko nga lang siya kung titingnan

"Ikaw na naman? napaka pakialamera mo, alam mo ba 'yun?"

Napangiti ako sa sinabi niya, atleast may nakakausap na din ako bukod sa mga nurse at sa mga magulang ko, kahit masungit siya okay lang basta may makausap lang ako ngayon, "Okay lang naman maging pakialamera basta hindi ako nakakapanakit ng tao"

"Tsk, ibang klase ka"

"Ako nga pala si Ivy. Ikaw? anong pangalan mo? at saka ano yan? pwede ko bang makita yan?"

"Ang dami mong tanong, manahimik kana nga lang dyan!" natawa na ako sa sinabi niya, ang bilis niya kasing maasar sa mga tanong ko.

"Ano munang pangalan mo?"

"Asar! Ganyan ka ba talaga?!"

"Hmm siguro, gusto ko lang kasi malaman ang pangalan mo para mabigyan ng katarungan ang ginawa mo sa mga halaman kanina sa may garden. Alam mo kawawa naman sila kasi masya--"

"Kevin, oh ayan manahimik kana" umalis na siya sa kinatatayuan niya kanina at sinara ko na din ang bintana ng maalala ko na magkatabi lang pala ang kwarto naming dalawa kaya pumunta ako sa pinto at inabangan ko siyang makarating sa tapat ng kwarto nila at nung malapit na nga siya ay tinawag ko siya

"Pst! Kevin" todo ngiti pa ko pero nung nakita niya ako ay sumimangot bigla ang mukha niya. Tiningnan niya lang ako tapos iniba niya ang direksiyon ng mga mata niya at nagkunwaring parang hindi niya ako nakita, "ang sungit talaga" bumalik na lang ako sa kama,

"Siguro naman magkikita pa kami bukas" at unti-unti na akong napapikit hanggang sa nakatulog na ako.

Liriko: The PlayoffsWhere stories live. Discover now