Chapter 22

812K 16.3K 3.5K
                                    

Chapter 22
Papers

"Pakiabot nalang nito kay Sean, Nikki." paghingi ko ng pabor kay Nikki.

Iniabot ko sa kaniya ang resignation letter na ginawa ko. Kahit hindi niya i-approve ang pagre-resign ko ay itutuloy ko pa rin ang pag-alis ko. Wala naman akong kontratang pinirmahan nang ipinasok ako sa Sarto kaya hindi niya rin ako makakasuhan para mapigilan sa pag-alis.

She stared at the resignation letter that I gave her for a few seconds before she lifted her gaze on me.

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, Sandra?" paninigurado niya sa akin. "Paano kung nagkaka-misunderstand lang kayong dalawa?"

Pinilit ko namang ngumiti. I know she's trying to make me stay and to rethink my decision to finally leave and set him free.

"Mismong ako na ang nakasaksi, Nikki..." I trailed and memories from the other night flashed back into my mind. "Mismong ako na ang nakakita kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Alam kong ako at ang anak ko ang pumipigil kay Sean. I don't want to be selfish, Nikki. Ang dami ko nang ipinagkait sa kaniya magmula nang pina-arrange ko kay daddy ang kasal naming dalawa."

"Sandra—"

"To be honest, the time that I was able to spend with him is already enough and I couldn't ask for more." I sincerely said. "It's time to give him back his freedom that I deprived him."

"Pero pano ang anak niyong dalawa?" bigla niyang tanong. "Sinong tatayong ama ng anak niyo? Lalaki ng walang ama ang anak mo, Sandra. Kaya mo bang makita ang anak mong lumalaki ng hindi kompleto ang pamilya niya?"

"Brendt's gonna be with us." sagot ko. "Doon kami titira sa bahay nila sa Davao at nakausap na rin namin ang parents niya tungkol dun."

Brendt's really fast when it comes to solving problems. Nakuha niya pang pabisitahin ang mga magulang niya sa unit niya upang sabihin ang tungkol sa plano niya para sa akin.

Ang akala ko nga'y tututol ang mga magulang niya pero baliktaran ang nangyari. They're willing to support in every way that they can, that's why they lend us their house in Davao. Naiintindihan nila ang gusto kong mangyaring paglayo sa asawa ko at handa rin nilang ibigay ang kung ano man ang ikasasaya ng kanilang anak.

Matapos nga ang pag-uusap ay bigla akong nagdalawang-isip sa pagsama ni Brendt sa akin sa paglayo ngunit nang sinabi ko sa kaniya yun ay agad niyang binaliwala ang sinabi ko. No one can stop him from coming with me and staying beside me. Kahit saan ako pumunta ay handa niya akong sundan.

"Alam kong magiging mabuting tatay si Brendt sa anak ko kaya pumayag na akong sumama siya sa amin. And besides, he wouldn't let me leave ng ako lang." sabi ko at inabot ang kaniyang kamay saka ngumiti. "I'll text you my address doon sa Davao as soon as we settled there. Para pag nanganak ako at bininyagan ang anak ko ay nandoon ka."

Tumango-tango naman si Nikki. She already knew that she won't be able to convince me to stay. All she has to do is to accept my decision at 'yon na ang ginagawa niya ngayon. Sadiyang pino-problema at iniisip niya lang siguro ang mga problemang maaaring magbunga dahil sa pag-alis na gagawin ko and I admire her for that.

"Okay... Wala na akong magagawa kung buo na ang desisyon mo sa pag-alis, pero alam mo bang nagh-hysterical si Sean sa office?" kwento niya. "He's always bothering and asking me about you from time to time. Hindi ko na alam ang isasagot ko. Sari't saring palusot na ang ginawa ko."

"Napag-usapan na natin 'yan 'diba,  Nikki?" sabi ko naman. "Just please help me out and cover for me. Ayokong may malaman si Sean sa mga whereabouts ko lalo na pag natapos ko ng asikasuhin ang mga kailangan kong gawin dito sa Manila bago tumulak ng Davao."

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon