Chapter 52: Sweet Momentums

642 17 6

{ SEOANE's P.O.V. }

Nandito kami ni Jinhwan sa rooftop. Ewan, nung umalis kami sa room ni Junhoe ay agad akong kinaladkad nitong tukmol nato sa rooftop.

At eto namang si Jinhwan ay nakatayo habang nakatanaw sa mga buildings at parang timang na lalanghap langhap ng hangin tapos ibubuga pagkatapos. I mean, nandito ako oh! Siya nagdala sakin dito tapos tatalikuran niya lang ako at lalanghap ng hangin dito?

Inaantok na kasi ako. Balak ko pa naman sanang matulog sa sofa dun sa room ni Junhoe kaso nagsilabasan sila para daw mabigyan ng privacy yung dalawa. Tch! If I know nagbabangayan lang yun sa loob.

Aalis na sana ako sa rooftop kasi inaantok na talaga ako at di ko na kayang tumayo pa dahil pagod na pagod na ang katawan ko sa lahat ng mga pangyayaring naganap samin mula sa isla.

Bigla namang may humatak sakin pabalik.

"Seoane? Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ako." sagot ko at akmang aalis nanaman nang hinatak niya ako pabalik. Wala akong oras makipagbangayan sa kanya kasi maski makipag-usap ay wala akong gana. -_-||

"Eh kakapunta lang natin dito ah?"

"Edi bababa tayo. Mahirap ba yun?" walang gana kong sabi. As in, bibitaw na ang katawan ko maya maya dahil sa pagod.

"Inaantok na ako Jinhwan. Gusto kong matulog kasi pagod na ako." nakayuko kong sabi sa kanya. Kapagod iangat ang paningin ko sa kanya. Kay taas ba namang tao!

Ilang segundo lang ay naramdaman kong niyakap niya ako. Kasabay ang pag-alalay niya sa ulo ko na isandal sa dibdib niya.

"Sshh...sige hatid na kita." napayakap naman ako sa kanya pabalik. Ewan, parang mas naging komportable ang posisyon namin ngayon. Parang mas gusto kong matulog sa bisig niya.

"May mga reporters sa labas. Makakalabas pa ba tayo?" antok kong tanong sa kanya. Rinig ko naman ang mahinang tawa niya kaya napangiti naman ako habang nakapikit ang mga mata. Sarap kasi pakinggan ng boses niya. Hehe.

"Oh wait. May nakita akong upuan. Halika..." kumalas muna siya sa pagkakayakap at dahan dahan naman niya akong hinatak patungo sa upuan. Mataas naman ang upuan. Yung kasya ang sampung tao na umupo? Ganun nga.

Nang makaupo na kami ay hindi ako nagdadalawang isip na humiga sa lap niya. Yess! Nakahiga rin sa wakas! Makakatulog na ako. Mabuti nga't ang sarap ng hangin dito.

Rinig ko nanaman ang mahinang tawa ni Jinhwan.

"Matulog ka lang Seoane. Babantayan kita." sabi niya sabay haplos sa buhok ko which made me fall into a deep sleep. Pero before ako makatulog ay hinawakan ko ang isang kamay niya.

"I love you."

ZzzZzzZzz

Nagising nalang ako nang may narinig akong isang capturing tone. Yung nagpicture ka then pagnagclick ay may sound? Gets niyo? Kung hindi bahala kayo.

So ayun nga nagising ako. Only to see Jinhwan na gulat na gulat na makita akong gising tapos hawak hawak pa nito ang phone niya na hanggang ngayon ay nakapwesto parin sa mukha ko.

Napataas naman ang kilay ko. Balak ba niyang kuhanan ako ng picture habang natutulog?

Bago paman siya magreact ay mabilisan kong kinuha ang phone niya saka agad na umupo sa pagkakahiga.

"H-hoy Seoane ibalik mo sakin ang phone ko."

Hindi ko nalang siya pinansin at agad na nagscroll sa gallery niya. At boom! Nakita ko nga ang mukha kong tulog na tulog. Mga sampung photos ata yun?

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!