Chapter 54: 2 Years Later

649 13 0

[ B.I 's P.O.V. ]

2 years have past.

Yep, two years matapos ang unang bonding namin as a fam. At two years narin ang strong relationship namin ni Lena.

Marami rami na ang nangyare samin sa 2 years na nakalipas.

We experienced non communications from the girls due to heavy schedules. We've experienced lots of trials on having serious relationships. We've experienced crying when some of us boys experienced heartaches from their partners. We've received depressions...a lot though, hindi ko inaasahan na nakakadepress din ang magkalovelife, dagdag mo pa ang letcheng career. We've experienced on almost giving up. We've experienced being comforted by our partners and as well we comfort them.

At kung heavy ang schedule ay hindi namin maiwasang matuwa kapag malapit na ang 4 months education namin, dahil magkikita kita na kami at bondings nanaman. Ang GA naman ay nakikihalo bilo na sa ibang artists. Hindi rin naman maiwasang magseselos kaming mga boys kapag may lalapit sa mga girls namin. At syempre mawawala pa ba ang susuyuin at lalambingin ang mga girls? Hahaha. It was full of hardships pero nagawa naman naming lagpasan ito.

Habang patagal ng patagal ay nagmamature na kami. Hahaha...20+ na kaming lahat.

Oh! At kung tinatanong niyo rin naman ang ibang fams. Sige. I'll inform you. Starting sa Dark Side Generals.

Si Kuya Noel? Uhm...ayun, okay naman. Busy ang lalaki sa work pero gagawa naman ng paraan para makatakas hahaha...siraulo parin maman, pero a good father and a loving husband. Nalaman narin ng asawa niya ang pagiging gangster nito at tanggap naman ito ng asawa niya. Si Kuya Jim? at first ay nahaheartbroken iyan nun dahil sa misunderstanding ng girlprin niya at siya, pero ngayon ay nagkabalikan naman sila, strong parin. Si Ken? Ayun nagsimula nang may kaharutan, ang problema lang sa kanya ay myembro siya sa Torpe Academy, hahaha! Si Arjohn? Ayssuss...nung isang araw ay nabigla nalang kami dahil mukhang okay na ang utak nito, hindi na nonsense kausap, hahaha...sapilitang pagmamature, and yeah sila na ni Ash, stay strong naman ang dalawa at mag te-three years na ang relasyon ng dalawa. Si Ate Che naman? Ayun engaged na, invited pa nga kami sa kasal niya at ang sosyal kasi sa Paris pa ang kasal nila! Si Kuya Lou? Hayy naku. Hindi namin alam na may namamagitan pala sa kanila ni Ate Yen. Hahaha! Magsyota naman sila, yun nga lang ay magkaiba ang ugali, si Kuya ay matahimiking tao whereas si Ate ay makulit. Ewan kung paano sila nagtagal ng magkaiba ang ugali, siguro ganyan talaga pagmahal mo, tanggap ka kahit sino ka man! Yieee!

Si CEO T? ayun malusog at masigla parin. Kapartner naman niya si Gramps eh. Ang mga trainees? Ganun parin, pero sinimulan na namin silang itraining, handa naman na sila eh at may susunod naman na generation sa kanila. Like, ang kapatid nila Aizany at Mich na si Bernadeth at Regina, si Aivy na pamangkin ni Ash, but that's another generation you guys. Mga bata parin ang mga iyan kaya out pa muna sila sa Gang World.

So? Kaming GA at iKON? Starting from Yul at Yunhyeong. Alam niyo bang sa tinagal-tagal nilang dalawa ay masyado nang naging corny si Yunhyeong lately? Hahaha, pero stay strong talaga ang mga iyan. Sina Soojane at Chanwoo? Sila! Sila lang ang couple na hindi masyadong mag-aaway, kung mag-aaway man sila ay magbabati rin after. Hindi ko alam kung paano nila nagawa ni maknae iyan, siguro ay malaki talaga ang trust nila sa isa't-isa. They're good in handling their relationship...huhu! Sina Seoane at Jinhwan? Ay naku, kung alam niyo lang, marami-rami ang shippers sa dalawang iyan. Stay strong ang mga yan at talaga namang ang daming supporters ng relasyon nila kesa samin. Sina Mich at Donghyuk? Ayy yang dalawang iyan? Kung magkasama ay parang sila lang ang tao sa mundo. But just so you know, they're also good in handling their relationship. Kung sina Soojane at Chanwoo ay minsan lang magbangayan ay silang dalawa? Hinding hindi talaga magbabangayan. Nice right? Sina Aizany at Bobby? yang dalawang iyan ay nagdududa nako. Siguro gusto na nilang magpakasal at magkaanak. Imagine? Kapag may time na magtitipon kami ng GA ay aalis ang dalawang iyan at pupunta sa orphanage o di kaya sa Children's Section ng hospital ni Taezel at maglalaro ng bata. Kapag magkikita nga kami nina Ash ay hahanapin nila si Aivy sa kanya at kung wala ay pupuntahan nila ito sa Children's section para puntahan si Aivy kasi dun minsan ipahabilin ng kuya ni Ash si Aivy kasi walang magbabantay nito at para may time rin na mabisita niya ang anak niya. Basta! Baka gusto na nilang magkaanak! Tsaka alam niyo? Simula nung naging sila ay 'baby' na ang tawagan! Langya! Gusto na nga talaga nilang magkababy! Hahaha! Sina Taezel at Junhoe? Wahahaha! Eto! Eto ang paborito ko. Simula nung naging sila ay parang ng unggoy si Junhoe dahil panay ang kapit, akbay o kung anumang sweet gestures pa iyan kay Taezel. Nagiging overprotective ang mokong at aasarin parin naman niya nito si Taezel para lang siguro mapansin. Wahaha...nag-iba na ang Junhoe na nakilala namin. At kami ni Lena? Hehehe...kung alam niyo lang, nagiging MAS SWEET siya sakin! Mukha ngang baliktad ang sitwasyon namin eh. Imbis na siya ang kikiligin ay ako pa talaga. Mukha tuloy akong bakla at siya ay tomboy wahaha! Pero scratch that, nagawa ko na siyang bigyan ng banat lines at natutuwa naman ako nang kikiligin siya. Hehehe...I'm so in love with this woman!

I Fell In Love To A Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now