CHAPTER 32: PLEASURES

48K 1.7K 236
                                    

Chapter 32: Pleasures

~SA-EL~

I never doubted my information gathering skills. Iba na ang Lupin ngayon. Sa tingin ko ay nag-iba lamang iyon mula nang nagpasyang magpakilala ng hacker sa amin. We’re doing fine in every project until he came. Naging kumplikado ang lahat at sa tingin ko ay may kinalaman talaga siya rito.

Since then, I allotted time and effort to watch his move. Hindi lingid sa kaalaman ko ginawa niyang pakikialam sa trabaho ni V na may kinalaman kay Congressman Rosales. I know about it ngunit hindi ko alam na ganoon ang mangyayari. Gia just ruined everything. Ngayon ay lubusan ko nang hindi maintindihan ang sitwasyon.

One of our basic rules? Keeping in the shadows. And the hacker isn’t following it. Halos ipangalandakan na niya ang pangalan niya at ngayon ay malamng, pinagdududahan na siya ng pulitiko.

Malaking katanungan din sa akin ang laman ng impormasyon na ninakaw niya sa Congressman. That is why I decided to take actions of my own. Maaring iyon ang sagot sa mga katanungan na nagpagulo sa sitwasyon ngayon. Isa pa ay tahimik ang “nakatataas” sa bagay na ito, which lead me to believe that this isn’t as simple as it is.

Maliwanag ang buwan at napakatahimik ng paligid. Well, at least for me. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga sariling hakbang ko at ang mga kulisap. Inakyat ko ang mataas na pader at iginala ang paningin sa paligid. The area is clear. No PSG, no armed men around. Tinalon ko ang maliit na distansya pababa at kahit nasigurado ko na walang nakabantay sa likurang bahagi ng malaking bahay ay mas naging mapagmatyag pa ako.

I have planned this all along. Sinigurado kong wala ang pamilya ng congressman ngayong pagbisita ko. In case of emergency, no innocents will be involved. Gumalaw ako sa dilim at inakyat ang bahay. Gaya ng inaasahan ko ay tahimik ang paligid, maging sa loob.

The congressman’s family went to an out of town trip, except the congressman himself. Kinapa ko sa bulsa ang mga ginawa kong smoke bombs. These emit smoke that will make anyone unconscious. Mahigpit ang hawak ko sa door knob bago iyon pinihit at nilakad ang hallway ng bahay.

Mula sa hallway ay narinig ko ang tawa ng congressman na nasa terrace.

“Of course, this will only be between us. I know you can handle your grandson,” wika niya. Nagkubli ako sa likod ng kurtina at nakinig. Walang sumagot sa kanya ngunit nanatili siyang tahimik so I figured out he was talking to someone on the phone.

“I know, I can always count on you and you can always count on me. Sa susunod na eleksyon ay sigurado na ako na tatakbong senador. I will always remember how you help me at times like this. Now let me do the end of my bargain.”

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya ngunit malakas ang kutob ko na malaking tao iyon. It must be someone big time. Gusto ko pa sanang makinig sa mga sasabihin niya pero hindi ko taglay ang lahat ng oras. Dahan-dahan akong humakbang palayo ngunit agad ding napatigil nang marinig ang sinabi niya.

“Huwag kang mag-alala, sooner or later, I assure you we can find that linchpin. She will surely take us to where all the hidden treasures are.”

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I am expecting that this is something which isn’t simple but I never thought it is as complicated as this. They are someone who probably knew about Lupin and our goals. They are someone probably connected to the Black Diamond and aims to find where their loots are.

“I still have to enjoy a night, thank you for your gorgeous gift.”

Agad akong tumakbo patungo sa pinakamalapit na pinto nang pinatay ng congressman ang tawag. Bumilis ang takbo ng dibdib ko dahil sa kaba. I must admit that missions like this always makes my heart beats fast in tension and at the same time, excitement.

And lucky for me, home office ng congressman ang napasukan ko. I rolled my body towards his desk and I almost shouted “yes” nang mapagtantong hindi nakalock ang kanyang computer. I am no hacker and sneaking in his files might take some time kung sakaling naka-lock iyon.

Inilabas ko sa bulsa ang flash drive na hinanda ko. I scanned through his files but not nothing seems suspicious. Tila walang laman ang kanyang computer. I mentally cursed pero pinagpatuloy ko ang paghahanap. Giving up isn’t in my vocabulary. Nang sa tingin ko ay nasuyod ko na ang kabuoan ng kanyang computer ay sinunod ko ang laman ng kanyang drawer at cabinet.

Papers, mostly political matters. Pen, pencil, cigarette, condoms, office supplies― and a memory card. Agad ko iyong isinaksak sa computer at tiningnan ang laman. I waited patiently for the notifications that the files are ready and―

Oh.

Naramdaman ko ang malamig na bagay na dumikit sa sintido ko. Oh-uh.

“Sino ka?!” tanong ng congressman. Thankfully, I decided to dress accordingly. Plain black clothes, a mask that covers my nose down to my neck. Tinangka niyang ibaba ang nakatabing sa mukha ko ngunit agad kong naiiwas ang mukha ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at pinilipit iyon, causing him to drop the gun.

“P*tangina!”

Bago pa niya mapulot ang baril ay sinipa ko na iyon palayo. Tonight he just let his guard down. No bodyguards, no companion to help him. His computer notified that the files are ready at nataranta siya. We both jumped towards the computer but my advantage is that I’m young and can move fast, naunahan ko na siya. I removed the memory card samantalang hinampas naman niya ako ng vase.

And damn, it was a marble vase that I almost lost my sight. Hindi nabasag ang vase at napaluhod ako sa sahig. He tried to attack me again pero pinatid ko siya, causing him to fall on the ground. Hinila niya ang paa ko habang sinusubukan kong gumapang palayo. I kicked him on the face pero hindi niya ako nagawang bitawan. Tumilapon siya sa sahig at eksaktong nasa harap niya ang baril ngunit bago pa man niya mapulot iyon ay binato ko na siya ng smoke bomb at tuluyan siyang nawalan ng malay nang malanghap ang usok. I glanced at the congressman for the last time. He was only wearing a robe with nothing underneath.

Kinuha ko ang memory card, sinubo iyon at agad na nilunok. I slowly crawled towards the door, covering my face. Nang marating ko ang pinto ay agad akong lumisan sa silid na iyon. Saktong paglabas ko ay narinig kong bumukas ang pinto ng dulong kwarto.

“Sino ka?” tanong ng babaeng nakatayo. Oh, probably a whore. I walked towards her and she didn’t even look scared. Ni hindi rin siya nataranta. Sa katunayan ay hindi na lugi ang congressman sa kanya. She looked like a high class bitch.

“The congressman’s friend,” sagot ko. My eyes travelled from her face down to her body. Ni hindi man lamang siya nag-abalang takpan ang kanyang kahubaran. “He said he can’t come to you right now so he sent me instead.”

I saw a smirk on her face. “Friend? Your outfit tells me otherwise.” I shrugged my shoulders and she opened the door wide. “Well, if that’s what he wants, why not?”

She pulled me towards the room but I stopped her from doing so. “Who are you?” tanong ko. Alam kong alam niya na may nangyaring hindi maganda. For a whore, she seemed very unconcerned for her own welfare.

She laughed and started undressing me. “Oh come on Sa-el, I told you I want to do you in bed next time. Guess it’s just the perfect time.” I froze on my tract but she smiled. “Don’t worry, no hidden agenda for tonight against you. Kahit kayo ay hindi alam kung nasaan ang linchpin so no works included on this. Purely sex.”

Then she removed her prosthetic face and Margaret’s face came to display. Her lips twitched upward before she pushed me on the bed.
#

Catch Me If You Can (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon