CHAPTER 31: IKAW AT AKO

TAO

''kanina pa nasa classroom si Twaylem a, bakit nandito kapa??'' pag-tatanong sa akin ni Dylan. Tss, nandito na sila.. Hinde kase ako pumunta ng classroom ngayon. Dahil ayokong makita si Twaylem. Mag aaway lang kami nun panigurado.

''Oo nga, kahapon hindi rin kayo nag kita.. Nag away ba kayo??'' tanong naman ni Law, habang inaagaw niya yung isang balot ng chi-charon kay Britt.

''may problema no???'' dag-dag pa ni Kyd, tumayo ako sa kinauupuan ko at sinipa yung bote na pinag inuman ko ng lemon juice.

''Sa nakikita namin, Meron nga..''

''Siya naman kaya yung nag umpisa! Tapos sinampal niya pa ako.. Nag sasabi ako ng totoo tas... PAKSHET! Akalain niyo yun. SINAMPAL AKO.''

''ano ba kase yung eksaktong nangyare?'' pag tatanong ni Britt.

''Kase, nakita niya kame kahapon na mag kasama ni Sue.''

''ANO?! MAG KASAMA KAYO NI SUE?!'' sabay-sabay nilang sabi.Tang*na bat kailangan sabay sabay pa silang sumagot?!

''OO! Mag kasama kame, pero wala ng namamagitan sa amin, matagal na kaming tapos alam niyo yan.. Tsaka anong kinagagalit niya? Nagagalit siya kase magkasama kame ni Sue??!! E siya niyan yung girl friend ko!''

''natural lang na magagalit yun. Si Sue ba naman kasama mo.. Selos yun sigurado pare. Lalo na't may past kayo. Hindi mo siya masisisi.'' sabi ni Law..

''Wala naman kameng ginagawa. Nakipag ayos lang siya.. Ang babaw niya naman para mag selos kaagad.'' pag papaliwanag ko.

"hindi yung kababawan Yoshida..." dagdag pa ni Venos

''Tsaka yun lang naman yung gusto ni Sue e! Makipag ayos sa atin, atska.. Alam naman niya kung sino yung gusto ko. Pwede nating sabihing may konting puwang pa si Sue sa buhay ko, pero hindi na kagaya ng dati'' nakinig sila na animo nanunuod ng nag babalagtasan.

''Kase, nasakop na lahat ni Twaylem lahat ng pwedeng sakupin, Mapa utak,internal organs siyempre pati yung puso ko.'' tumahimik sila.. Tumango tango ang mga ito naparabang sumasang ayon sa sinabi ko.

''Alam niyo yun mga dre, alam niyo kung sinong gusto ko.. Pero yung kahapon? wala lang talaga yun!!'' pumalakpak si Kyd, sumunod naman yung iba.

''very well said Tao. Marunong kanang gumanyan ngayon..'' tuloy parin sila sa pag kantsyaw at pag palakpak. Mga siraulo talaga!

''BINATA KANA DRE!! CONGRATS!'' tumayo pa talaga si Kyd at kinamayan pa ako.. AB-normal. Mga sira tuktok, nag kasama sama.

"kausapin mo na! makipag bati kana! Nak nang!"- Law

LABYRINTH ACADEMY - PUBLISHED BY VIVA PSICOMBasahin ang storyang ito ng LIBRE!