Chapter 4

61.6K 1.2K 29
                                    

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Katrina ang silver picture frame sa may chest. Wedding photo nilang dalawa ni Melvin. Nakangiti siya. Puno ng buhay. Was that how she looked more than a year ago? One year and eight months to be exact. On her twenty second birthday ay nagpakasal sila ni Melvin.

Si Moana na nasa isang bahagi ng bahay ay marahang tumayo at nilapitan ang kaibigan at banayad na hinawakan sa braso.

"Hindi ka tumitikim ng pagkain mula pa kahapon," wika nito sa nag-aalalang tinig. "Maliban sa kape at gatas ay wala nang iba pang laman ang tiyan mo. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo, Kate."

Inalis niya ang mga mata sa pagkakatitig sa picture frame at hinarap ang kaibigan at tipid na ngumiti. "I... I'm okay, Moana. Thank you," isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Kate sa kaibigan. Pinisil ang kamay nito. "I'm so glad you're here..." sinserong pahayag niya.

Dumating si Moana mula San Ignacio nang tawagan niya matapos malaman ang nangyari kay Melvin. Bagaman kasalukuyang nasa ibang bansa si Vince at naiwan ang tatlong taong gulang nitong anak sa San Ignacio ay nanatili sa tabi niya ang kaibigan mula pa kahapon at hanggang ngayon.

"What are friends for, Kate," ngumiti si Moana at tumayo. "Igagawa kita ng sandwich at sa ayaw at sa gusto mo'y kakain ka," dugtong nito sa awtorisadong tinig.

"Ako na ang maghahanda ng kakainin ninyong dalawa," si Manang Elena, ang matandang kasama ni Kate sa bahay. "At tama si Mrs. Saavedra, Kate. Kumain ka."

Nakadalawang subo lamang ng mainit na sopas si Kate nang bumunghalit ng iyak.

Hindi malaman ni Moana ang sasabihin. Hindi rin niya gustong awatin sa pag-iyak ang kaibigan. Mula kahapon ay ngayon lang nito nakitang talagang umiyak si Kate. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi man lang pinalamayan ni Kate ang asawa at agad na ipinalibing. Hindi nito gustong makita ng mga tao sa ganoong kalagayan.

Bagaman napasabihan na ni Kate ang mga empleyado ng Winters Garment na walang vigil na gagawin ay may ilan pa ring mga kakilala at kaibigang dumating kaninang umaga. At matatag na pinakiharapan ni Kate ang mga ito.

"I'm... sorry," sumisinghot niyang wika nang muling maikalma ang sarili makalipas ang mahaba-habang sandali.

"Sorry? For pity's sake, Kate, I'm glad you cried like that. Hindi tamang ikulong mo sa dibdib mo ang dalamhati."

"You don't... understand, Moana," gumagaralgal niyang sabi. "H-hindi ako umiiyak dahil na—nawala si Melvin... umiiyak ako para sa sarili ko... bagaman hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan. Dahil niloko ako ng asawa ko o dahil nakalaya na ako mula sa kanya?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Moana. "Niloko? Hindi kita naiintindihan..."

Inabot ni Kate ang baso ng tubig at uminom at matapos mapangalahati ang tubig ay muling ibinaba sa mesa. Tumayo at lumakad-lakad, her arms hugging her chest. Pagkatapos ay huminto at hinarap ang kaibigan.

Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya kay Moana. "Alam mo ang balitang nakalagay sa mga peryodiko, Moana," gumagaralgal ang tinig niya. "... na m-may kasamang... ibang babae si Melvin nang mangyari ang aksidente, hindi ba?" hindi sumagot si Moana at nanatiling nakatingala sa kaibigan. Puno ng simpatya ang mukha.

"But you never asked me once about it," patuloy ni Kate. "Sa mga taong nakausap ko mula pa kahapon at kaninang umaga'y bukod tanging ikaw lang ang hindi nagtanong kung ano ang nangyari, paanong nangyari, sino ang kasama niya sa kotse," she smiled bitterly. "Such tact you have, my friend."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Moana. Iyon pa ang isang dahilan ng maagang libing. Hindi gusto ni Kate na pag-usapan ang nangyaring aksidente.

Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon