sya^ si HAZU! Ang girlfriend no. 2 ni baby Andy na ang tindi manghula! Lol XD arigatou porr reading PB.~ ;)) 

- - - - 

x37: What Surprises Her the Most 




[RACHELLYN's PoV] 


Di nagtagal after umalis ni Adrian sa bahay, umalis din kami ni CJ kasama si Andy. 


Tulad ng sabi nya, nag-mall kami. Sa may Toy Kingdom kami nagpunta. Tuwang-tuwa ang baby ko nang pumasok kami dun. Ang dami ba namang laruan sa paligid eh. 


"Dali baby, pili ka na ng kahit anong gusto mo and I'll buy it for you." sabi ni CJ kay Andy. 


"REALLY DADDY?!" *O* 


"Really." natatawang ginulo ni CJ ang buhok nya. 


Tumakbo na si Andy sa isang 'bundok' ng laruan at nagsimulang pumili ng gusto nya. 


"WAAA GUSTO KO TOH PO!" may tinaas si Andy na maliit na box ng kotse pero binaba nya rin yun agad para itaas ang isa pang box. "ITO DIN PO! WAAA TSAKA ITO PO! AT ITO PO!" 


Hala! Ang dami nyang pinipili! At palaki pa ng palaki ang gusto nya! >___< 


"Baby ko! Isa lang!" suway ko sakanya. "Puro toys na nakuha mo kaninang gift sa school diba? Kaya tama na ang isa." 


Nagpout sakin ang baby ko. Halatang di sya makapili ng isa. 


"Mhie naman. Hayaan mo lang sya." ako naman ang sinuway nitong si CJ. 


"Eh kasi.. Ang dami na nga nyang laruan sa bahay tapos ang dami nya pa ring gusto bilhin?" T3T 


Natawa si CJ sabay pinch sa ilong ko. "Mag-ina nga kayo.. Parehas kayo kung mag-pout.." 


"Psh.. Basta Dhie, wag mo bilhin lahat ng gusto nya. Wag mo sya masyado i-spoil." =3= 


"Tss. Di ko sya ini-spoil. Birthday nya ngayon kaya ibibigay ko kung anong gusto nya." niwrap nya ang braso nya sa waist ko at lumapit kami kay Andy. "Baby, dun tayo sa kabila. Mas maraming toys dun oh." 


"OOH.. MORE TOYS!!" tumakbo si Andy sa tinuro ni CJ. 


Napa-sigh ako. Bahala na nga si CJ. Kulit din nya eh. 


Sinundan lang namin nang sinundan si Andy kahit saan man sya tumakbo. Ang dami nya talagang gusto ipabili pero sa huli, blue trike ang pinaka-natripan nya. Yung bike na tatlo ang gulong? 


CJ bought it for him. Di na ko kumontra kasi wala pa naman syang ganun at ang cool kaya nya tignan pag nakasakay sya dun! >///< 


Habang papalabas kami ng mall hinayaan namin si Andy na sakyan yun. 


Paglabas namin, grabe. Gabi na pala? 


Sumakay na ulit kami sa kotse para umuwi. 


"Baby? Okay ba ang gift ni Daddy sayo?" tanong ni CJ kay Andy na nakaupo na sa backseat nitong kotse nya. 


"YES DADDY! PWEDE PO I-PLAY KO YUNG BIKE PO MAMAYA SA HOUSE PO PAG-UWI?!" *o* 


CJ started the engine. "Of course." 


"YEYYY!" ^O^ 


Nakangiti lang akong pinapanood sila nang tumingin sakin si CJ. 


"I'm done with Andy's gift.. Next naman yung sayo.." 


I smiled more at him. Syempre, naexcite at nacurious ako eh. Ano kayang gift ang tinutukoy nya? 


Di kasi si CJ ang type ng boyfriend na material thing ang binibigay twing anniversary namin. He's more on making me experience something that we will both cherish.. 


After driving for a short while, nag-stop kami sa isang.. HOTEL?! A five-star one! 


Sa loob ng hotel, hindi naman kami nagpunta sa may frontdesk so..mali ang akala ko. Akala ko magchecheck-in kami dito at magoovernight stay eh. Hehe. Ang ambisyosa ko. XD 


Sa isang restaurant na naroon kami nagtungo. It was very high class. May attendants na nag-welcome at nag-assist samin hanggang sa isang table na... 


Na may dalawang tao nang nakaupo and I know who they are! 


"DAD? MOM?" agad akong lumapit sakanila at mom ko ang una kong niyakap! 


I was very surprised to see her! Ang alam ko kasi nasa Amerika pa sya! Nagpadala pa nga sya ng gift for Andy kasabay ng pinadala nila Millie tapos ngayon, she's here? Ehh kaya pala di sya tumawag buong araw para batiin ang baby ko! 


"WAA GRANMOM!!" nakiyakap din si Andy samin. Pero dahil maliit lang sya, sa binti lang namin sya nakayakap. Natawa tuloy kami sakanya. 


Binuhat sya ni Mom. "Di naman masyadong halata na na-miss ako ng anak at ng apo ko ah!" 


"Kasi naman po.. Last year ka pa po namin nakita tapos di mo man lang po sinabing uuwi ka ngayon.." T3T 


Mom laughed at me. "Blame it all on CJ, sweety." 


Napatingin ako kay CJ na nakatayo sa tabi ni Dad. He was just smiling at me. 


"He wanted to surprise you tonight kaya kahit anong kati ko na sabihing uuwi ako, di ko ginawa." Mom explained, then put her focus on Andy na buhat pa rin nya. "At ikaw baby namin! Ang bigat mo na! How was your birthday party huh?" 


Hyper namang sinimulan ni Andy ang pagkukwento sa lola nya habang ako, nilapitan si Dad at niyakap sya as a greeting. Nang si CJ na ang hinarap ko..psh. Natatawa akong nagpout sakanya. 


He also chuckled and pulled me for a hug. "This is my anniversary gift, Mhie. Double family dinnerdate." 


DOUBLE FAMILY DINNERDATE?? I like that! And that idea made me really happy. Ginantihan ko rin sya ng yakap. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!