Chapter 14: He got into it

Magsimula sa umpisa

*****************

Malapit na kami sa classroom namin, dinig na dinig ko ang mga alien dun.

Sinabihan ko na din si Thalia tungkol sa nangyari kahapon. Kaya ngayon heto siya ang ingay ingay sa tabi ko.

"Bilhan din kaya natin siya ng sariling baby crib? O diba sosyal, pati mga shoes niya!". Tumingin siya sakin ng naramdaman niyang hindi ako nakikinig.

" Don't worry friend you won't handle it all alone. I'll help you" pursigido niyang sabi.

Pumasok kami sa classroom at diretso lang sa pag-upo, kinuha ko libro ko sa bag ko at nag reveiw yun din ang ginawa ni Thalia.

We still have 30 minutes left before our classes starts.

5 minutes passed. Biglang may kumalabit sakin.

Binalewala ko lang ito at nagpatuloy sa pag rereview. Kumalabit naman ito ulit. Dahil pikon na ako, sadyang konti lang talaga pasensya ko.

*Baaaammmm*

Padabog kung nilagay ang libro sa mesa ko. At hinarap ang taong nasa likod ko. Bakit ba siya lumipat ng upuan?

"Anong kailangan mo?" Kalma lang Alizah, kalma lang.

"Hi!" Masayang bati niya at nag smile sakin. Is he trying to flirt on me?

"Gusto ko lang kamustahin pakiramdam mo? Nung nagkasakit ka?" Sabi niya.

Argghh, he's trying to be friendly here, ano bang pakay niya? I don't want to throw tantrums right now.

Hinarap ko si Thalia sa tabi ko, "Thal, CR muna ako." At tumayo. Nagtungo sa CR, sasabogna ako. I'm a short tempered type of person.

Nakapasok sa ako sa CR sa pambabae, alangan naman sa lalake. Hinarap ko salamin at nakita repliksyon ko, namumula na ako sa galit, at inis.

Naramdaman kong may hindi lang ako nag iisa dito. Huminto lang ako habang nakatingin parin sa salamin, para hindi niya malaman na alam kong nandidito siya.





Huli ka!

At na salo ko ang tinapon niya sakin. Kutsilyo na may balot ang blade ng tela. Hinarap ko siya, at parang gulat na gulat ang ekspresyon niya ng masalo ko ito.

Nakatakip ang mukha niya, mga mata lamang niya ang makikita. Nakaitim siya lahat habang may dalang itim na sling bag, nagstiff siya at ako.

Bigla siyang tumakbo, hindi rin ako nagpapigil.Nilagay ko sa gun holder sa hita ko ang kutsilyo na tinapon niya sakin. Hinabol ko siya, bumaba kami sa hagdanan. Patungo sa back door ng building namin.

Hindi siya lumilingon sakin, pursigido siyang makatakas sakin. Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Nakalabas na kami ng building at nasa likod kami ng paaralan kung saan may maliit lamang na gubat bago ang mga pader ng university namin.

It's a dead end. Mataas ang pader, makakalabas ka lang kung marunong kang umakyat ng puno.

Pero laking gulat kong umakyat siya sa puno malapit sa pader. Malas niya, marunong akong umakyat. Kumapit ako ng maigi sa puno at nahawakan ko isa niyang paa.

Pilit niyang tanggalin ang mga kamay ko sa paa niya. Hinawakan ko rin kabila niya paa, para kapag mahuhulog ako sabay kaming babagsak sa lupa.

*Bammmmm*

Nice plan Ali. Nahulog kaming dalawa sa puno,nandito kami ngayon sa lupa habang nakahiga siya sa lupa at napaibabaw ako sa kanya pinagitna ko siya sa hita ko.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!