Chapter 13: Her letter

Magsimula sa umpisa

Sinalubong nila ako ng isang mainit na yakap. Tila sinasalubong nila ang kanilang magulang.

"Mga bata, fall in line kayo dali. May ibibigay kami ni Tita Zia sainyo." Utos naman ni Ian sa mga bata, at diretso naman silang pumila.

Nasa limang taon hanggang labin-limang taon ang mga edad na nandito sa bahay ampunan. Tinignan ko sila nang maigi, tila nagsiksikan sila sa linya at excited na excited sa ibibigay.

" Tito Ian, laruan naman po ba ang ibibigay niyo samin?" Tanong ni Jerome na nasa pitong taong gulang pa lamang.

" Oo, mga bata. Teka lang kukunin ko sa kotse ang mga laruan." Umalis diretso si Ian para kunin ito.

Ngumiti ako sa babaeng nasa na kakalabas lang sa Cr.

" Oh, napabisita kayo Ms. Zia. Anong maitutulong ko sa inyo? Mag aampon na ba kayo ni Sir Ian?" Banggit ni Sister Flora nang makalapit siya sakin. Nginitian ko lang sya, halos tagapunta namin dito palagi niya kami tinatanong ni Ian kung mag aamponna ba daw kami ng bata.

" Gusto ko lang makita ulit ang mga bata Sister Flora," ngiti kong sabi sakanya. "Binilhan ko din sila nang mga bagong laruan."

" Spoiled talaga sa inyo ang mga bata Ms. Zia." Ngumiti naman si Sister habang tumitingin samga bata habang binibigyan sila ni Ian sa mga laruan.

" Ms. Zia, may sasabihin sana ako sa inyo kung okay lang?"

"Ano po yun Sister Flora?"

" Doon tayo sa opisina ko isama niyo nalang din po si Sir Ian. Doon nalang ako maghihintay." Umalis kaagad si Sister Flora papunta sa opisina niya.

Nilapitan ko si Ian kung naibigay na ba niya lahat ng laruan sa mga bata.
Senenyasan ko siya na sumunod sakin.

" Ah mga bata may pupuntahan muna kami saglit ni Tita Zia niyo ha. Maglaro muna kayo dyan, walang mag aaway." Paalam ni Ian sa mga bata, at pumunta naman ulit ang mga bata sakanilang mga upuan para mag laro.

Nandito na kaming tatlo sa opisina ni Sister Flora.

" Sumunod kayong dalawa sakin." Wala kaming ibang ginawa kundi sumunod sa kanya. Patungo kami sa kwarto sa mga bata kung saan dumaan kami sa pintuan na nasa likod ng upuan niya.

Bumungad samin ang mga higaan ng mga bata. May ibang bata na natutulog pa, yung iba na limang taong gulang pa lamang. Inilibot ko ang aking mga mata sa mga batang natutulog ngunit may isang batang lalaki na natutulog nang mahibing sa kama ang nakakuha nang atensyon ko. Ngayon ko lang ito nakita.

Dahan dahan ko ito nilapitan pero sa kasamaang palad doon din nagtungo si Sister Flora. May kinalaman ang batang ito sa sasabihin sakin si Sister Flora?.

Nasa left side ng kama na hinihigaan ang batang kami umupong tatlo yung hindi ko pa nakikita dito.

" Oh Sister Flora, ngayon ko lang nakita ang batang to ah. Sana nagasabi kayo nang mas maaga samin para mabilhan din namin sya nang laruan." Sabi ni Ian kay Sister Flora.

Tiningnan ko ang mukha ng bata parang may kahawig siya, pero hindi ko maalala.

"Kahapon lang dumating itong batang to dito, may naghatid sa kaniya dito na isang babaeng naka sumbrero. Hindi ko maanigan mukha niya. Sabi niya lang diretso sakin na ikaw daw muna Ms. Zia ang mag alaga sa batang ito at nasa isang taong gulang palang ito--,"

"What?!" " Ano?!" Sabay na pasigaw naming sabi ni Ian.

"Sssshh. Teka lang patapusin niyo ako. Diretso na siyang tumakbo palabas at hindi ko na siya maabutan." Malungkot na sabi ni Sister Flora. Natahimik lang kaming dalawa ni Ian na para bang may iniisip.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!