Chapter 13: Her letter

4 1 0

MH chapter 13: Her Letter

Alizah's POV

"God knows na ayaw kong madamay sa away niyong yan, pero please magbati kayo." Simula ko nang makaupo na sila sa couch.

" Ayaw ko nga!" Sambit naman kaagad ni Thalia.

"For God's sake, Thalia, ayaw ko na araw-araw na bumalik dito yang lalaking yan begging for forgiveness," tinuro ko ang lalaki nang maigi. "Dito sa pamamahay ko!" Kulang nalang aabut sa kabilang baryo ang pasigaw kong sabi sakanila.

" Pag sa oras na bumalik ulit ako dito sa ibaba at hindi kayo magkabati ulit. Malilintikan ko talaga kayo. It's a do or die." Banta ko. Hindi ko alam kung bakit tuwing titingin ako sa dalawang yun, para tumataas o kumukulo dugo ko.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at dumiretso sa kwarto ko, doing my usual routine. Pagkatapos kong magbihis sinuklay ko kaagad ang tuyo kong buhok. Bumaba ako para mag almusal at para din tingnan na ulit ang sitwasyon ng magkasintahan na nabubulag sa pag ibig.

Nang bumaba na ako, wala akong naabutan ni kahit anino nilang dalawa tanging mga katulong lamang namin ang nandoon.

Bahala sila. Pumunta ako sa garage at pinaandar kotse ko. Pinabuksan ko kay manong guard ang gate.

Lumabas ako diresto habang maneho ang kotse ko papunta sa bahay ni Ian.

**********************

Pumasok ako kaagad sa bahay ni Ian at as usual bumati lahat ng kasambahay dito.

Dumiretso ako sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang ang kwarto ni Ian.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at kinuha ang baso ng tubig sa ibabaw ng side table niya at ibinuhos ko ang tubig mula sa baso sa mukha niya.

"What the?!" Agad siyang napabangun mula sa higaan niya.

" Sober up kid, ipanagluto ka ni Gleece." Sabi niya na parang nalilito habang nakatingin sakin.

"Alizah naman oh! Gusto ko pang matulog." Padabog niyang sabi sakin.

"Bilisan mo pupuntahan pa natin ang mga bata."

" Sa susunod na linggo mo nalang sila ulit bisitahin." Sabi niya habang dahan dahang nagtungo sa couch niya dito sa kwarto niya.

Nilabas ko ang baril ko at kinasa ito at diretsong itinutok sa kanya.

"Bilisan mo." Awtoridad na tono kong sabi sakanya. Dumiretso lang siya sa paghiga ng couch at nagkumot ulit. " Hindi mo ko madadaanan sa ganyan, hon ko." Ngisi niya habang pinipikit mga mata niya.

Binaril ko ang unan na hinihigaan niya.

"Aaaaahhhh!! Aray!" Napabalikwas siya at habang hawak hawak ang tenga niya.

***************

In the end napasunod ko pa rin si Ian.

"Ito hon, magugustuhan ito ni Sophie." Turo niya sa barbie doll.

" Ito naman hon, gustong gusto ito ni Charls." Turo ng turo si Ian nang kahit anong laruan dito sa toy store pero nilalagay naman niya lahat ito sa basket.

Pumunta kami sa cashier nang matapos kaming pumili. As usual hati kami ni Ian sa bayad, ayaw kasi ni Ian na kapag magkasama kami na ako babayad lahat dapat daw hati kami.

*Children's Life Orphanage*

"Tita Zia!" Sabay na sigaw ng mga bata dito sa bahay ampunan nang makita nila ako.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!