Chapter 12: Trespasser

7 1 0

Mafia Heiress Chapter 12: Trespasser

(Using their codenames)

Black's POV

"Black san ka galing? Kanina ka pa hinahanap." Pag alala sakin ng mga kaibigan ko.

"Diyan sa tabi-tabi lang"
pagsisinungaling ko. Totoo talagang nakakatakot yung Raven na yun muntik nang maglayas ang kaluluwa ko sa katawan ko.

" Black para kang namumutla, anong nangyari?" Tanong ng nakababata kong kapatid na si Duchess ( Aubree )

"Nagkita kayo ulit ni Raven ano?" Diretsong tanong ni Zero ( Mark ) na para bang alam niya ang nangyari.

"Kyaahhhh, nagkita kayo ni Ms. Raven?!, Asan siya? Sabihin mo please!" Tili ni Duchess nang marinig ang pangalan ng iniidolo niya. Ano bang nakain ng babaeng to at nagawa pa niyang mag "Fan girl" dito.

" Huwag ka ngang maingay dutch milk, Don't let your guard down. Nandito tayo kasama ang iba't ibang organization baka may makakilala ng totoong pagkatao mo!" Sapak ko sa ulo niya.

"Kuya naman eh, tagal ko na kayang hindi nakita si Ms. Raven, swerte mo nga kasi hindi mo nga sya hinahanap pero nakita mo, itong ako hinahanap pero hindi ko nakikita para lang yang pag-ibig."

" Hugot mo dutch milk, utot" komento ko naman.

Laughtrip kaming mga kaibigan ko. Sabay walkout din ni Duchess. Naalala ko na binigay ko pala kay Raven yung tux coat ko.Minamalas nga naman.

Carl's POV

Pagkatapos naming kumuha ng blood samples sa bawat babae, napag desisyonan ni Alizah na pumunta sa Xground. Boring daw sa party na iyon komento niya.

Nang papasok kami sa Xground bumati ang mga naiwang myembro dito sa ground. Ngunit may naaamoyan akong hindi ikisasaya ni Alizah. Lumingon ako ako kay Vaughn, at binigyan ko naman siya ng "hanapin- mo- san- galing look". Diretsong kumilos si Vaughn at tin-race ang amoy, pero naunahan na siya ni Alizah.

Mabilis sa alas kwatrong hinablot ni Alizah ang pinakaayaw niya na bagay sa buong mundo. Hinawakan niya ito at iwinagayway sa ere.

" Ilang beses ko bang sabihin sa inyong lahat na pinakaayaw ko ang naninigarilyo." Sigaw niya at nakuha niya atensyon ng lahat ng myembro rito. 

" Huwag kayong manigarilyo dito sa loob ng Xground, o sa kahit anong lugar kung saan nandoon ko. Kapag sa oras na mahuli ko kayo ulit, ipapalamon ko sa inyo ng buo ang sigarilyo. Nagkaintindihan ba tayo?"

"Masusunod po" sabay sabay nilang sabing lahat.

" Carl scan the blood samples now. As soon na malaman niyo identity nilang lahat padalhan ng tig-limang libo ang tig isang pamilya nila." Diretsong tugon ni Alizah ng itinapon niya ang sigarilyo. Kumilos naman kami kaagad sa inutos niya. Si Ian naman wala paring malay.

Alizah' s POV

*Pak*.

Sinampal ko ng napakalakas si Ian.
Hiniram ko sasakyan ni Vaughn, eh sa sakanya lang ang available na sasakyan eh. Bahala na kung maglakad siya pauwi. Si Babaita? Ayun nandoon parin sa party. Si Ian? Nandito sa shotgun seat samantalang ako nag mamaneho.

Malapit- lapit na ang bahay ni Ian, naainigan ko na ito. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito. Inihinto ko ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay nila.

Lumingon ang cctv sa plate number ng sasakyan. Bumukas diretso ang gate nila dahil nakainput plate number ng sasakyan ni Vaughn.

Ipinasok ko ang sasakyan at ipinark. Lumabas ang mga bodyguard at maid ni Ian.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!