MHGDM 1

8.1K 210 22
                                                  



"Chi! Linisin mo yang isang kwarto jan sa dorm mo! May maglilipat ngayon!" Kasalukuyan akong Nananaginip sa Kwarto ko ng Marinig ko ang napaka tining na boses ng Tita Nyeta ko...

Napabalikwas ako ng bangon! Inaantok pa ako jusmeee! Ganda na ng panaginip ko ei, yun na ei Ikikiss na ako ng Unknown Guy sa panaginip ko ei, biglang may sumingit na drago tapos bigla ba namang maglabas ng malakas na apoy mula sa bibig at dahil sa lakas ng apoy na binuga nito Nagising ako.

Ayun naman pala pag gising ko may Dragon nga na nakatingin sa akin mula sa kama ko.

Teka bakit hindi niya kaya utusan yung anak niyang walang ginawa kundi mag paganda, as if naman na may iiimprove pa ang itsura ng anak niya, tas ubod pa ng itim ang kilikili

Tyaka nagbabayad ako ng Renta ko ano! Anong akala niyo, Porket tita ko ang may-ari ng Dorm na ito naka Free na ako?

Sa sobrang mukhang pera ng Tita Nyeta kong yan kulang na lang ulo niya na yung ipalit sa Piso O kaya Isabit yung Naka Tarpaulin niyang Mukha sa Labas ng Bangko Central ng Pilipinas

"TUMAYO KA NA JAN CHI! Kailangan malinis na ang kabilang kwarto" sigaw ulit niya.

Hays!! Excited much? Nakaka amoy nanaman kasi ng Pera ang Dragon na ito, kaya nag kukumahog

"Eto na po tatayo na, nanginginig pa nga oh!" Tamad kong sabi sa kanya.

Naghilos lang ako bago ko kinuha ang Walis tambo at Dust pan, Para masimulan na ang paglilinis ko

Habang nag lilinis ako ipapakilala ko muna ang sarili ko sa inyo

Ako lang ang ipapakilala ni author Diba Author?

Wag mo na ipakilala yung pinsan kong may bagyo sa kilikili at author paki Bura na siya sa Istorya ko Please.......


I am Lychi Delavega Pero tinatawag ako ng lahat na Chi para maikli.. ang Panget kasi ng "Lychi", Katunog kasi sya ng 'Letche', ewan ko ba may galit yata sa mundo ang Nanay at tatay ko noong ipinanganak ako, kaya Lychi ang ipinangalan sa akin.

Nag aaral ako sa Malapit na University dito sa dorm ko, noon Solo ko ang Dorm pero ngayon hindi na dahil may uupa na sa kabilang kwarto, hindi naman sa ayaw ko na may kasama sa dorm, nasanay lang ako na mag isa, Hindi to hugot wag kayong ano jan, Nasanay ako na Ako lang mag isa Bibihira lang na magkaroon ako ng dormmate madalas pa Saglit lang sila at hindi tumatagal.

"Lampasuhin mo yung sahig para kumintab!" Utos ni Tita Nyeta

Wow! Humirit pa ang Dragon... Kung yung anak niya ang sabihan niya na Kuskusin mo ng panghilod yang kuyukot mo para kuminis at pumuti, che....

At tyaka ang pagkakaalam ko obligasyon niya ito at hindi ako, nag babayad ako ng maasyos para makatira dito, tapos uutos utusan niya lang ako, sakalin ko siya jan, pero kahit ganyan ang tita ko alam kong iniisip niya ang kalagayan ko Hindi nga lang halata

Pero Embarbie talaga ako sa kanya ang aga aga

************

Natapos akong Maglinis, Naubos agad ang Lakas ko, umagang umaga palang naubos agad, wala pa akong almusal almusal, Kaloka ang dragon na tiyahin ko na ito Bigla ba naman isusurprise ako na May lilipat sa Katabing Kwarto ko sa Dorm ko

Nagpalit muna ako ng damit bago bumaba at bumili ng pandesal sa Kanto, gutom na gutom na rin kasi ako, mas lalo akong nagutom dahil sa maaga ko ding pagkilos

Bumaba na ako at bumuli na ng Makakain ko.

Inabot ako ng Dalawang Oras sa Bakery, Syempre naki Chismis muna ako, Close ko kasi yung Tindera nila don. Nakaka Discount ako ng Isang Pandesal tuwing bumibili ako, ang topic lagi namin ei yung Love life niya na Delivery ng Harina sa Bakery nila, ayon mas madami pa ang Kilig niya kesa sa kwento niya

Bumalik ako ng Dorm na Ubos na yung Pandesal, habang nag uusap kasi kami kinakain ko na yung pandesal Pinaka Kape na rin kasi niya ako diba laking discount ko

Pumasok na ako sa Dorm ko

Napahinto ako ng may makita akong mga maleta sa Salas, Nandito na yata ang Dorm Mate ko

Inayos ko ang itsura ko at pinagpagan ang damit ko

sana maging Close kami, ayan ang hinihiling ng Isip ko

Pumunta ako sa kwarto ng bago kong kadormmate, sinilip ko siya kong nandoon na siya



Pero nagulat ako sa Nakita ko.....







B-bakit









B-bakit








May lalaki sa Dorm ko?










"TITA! TITA! MAY NAKAPASOK MAY RAPIST ! MAY MAGNANAKAW! TULONG TUMAWAG KAYO NG POLICE! MAY RAPIST!" sigaw ako ng Sigaw doon, tarantang taranta ako dahil sa lalaking nandoon sa kwarto ng bago kong ka dormmate

Paanong nakapasok ang lalaki sa Dorm ko?

Napatingin ako sa Pintuan ng pumasok si tita nyeta

May hawak na Sandok si Tita habang humahangos na tumatakbo.

"Asan asan?" Mala Action Star na wika ni tita.


Tinuro ko yung Kwartong Nilinis ko kanina

Tumakbo si Tita doon..

naghintay ako ng ilang minuto pero hindi na lumabas doon si Tita Nyeta.

Baka napatay siya noong Magnanakaw, Jusko Lord, Salamat tinupad mo na ang Hiling ko!. Pero hindi ito ang tamang oras para mag diwang ako may Magnanakaw pa akong dapat Puksain..

Kinuha ko ang walis tambo na inilapag ko kanina sa Harap ng kwarto na nilinisan ko.

Sumilip ako sa Pinto ng kwarto at nakita ko yung lalaki na nakatayo at parang sinusuri ang Kwarto.. nako wala siyang mananakaw sa kwartong iyan

Nang magkaroon ako ng Tyempo! Binuksan ko ng malaki ang Pinto at ipinokpok ko sa Ulo noong lalaki yung walis tambo na hawak ko.

"WHAT THE F*CK?" sigaw niya sa sakit ng pagkakahambalos ko ng Walis

Lumingon siya sa akin ng may Apoy sa mga mata

"WHAT'S YOUR PROBLEM?" Umuusok na sigaw niya sa akin

napatingin ako sa gilid ko! Si Tita Nyeta nakatayo doon.

Hinampas niya sa Ulo ko ang Hawak niyang Sandok

"AARRRAAAYYYY!" sigaw ko.

MASAKIT PALANG MAHAMPAS SA ULO!

To be Continue......

My Handsome Gay Dorm Mate [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon