Natulala naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon. Kitang kita ko ang pang gigigil niya nang gawin niya iyon. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa labis na panginginig ng tuhod ko.

Anong nangyari? Bakit ganun? Nasapo ko ang ulo ko. Sumasakit ito at parang sasabog na. Wala na akong maintindihan sa nangyayari ang tanging gusto ko na lang ay ang umuwi at mag pahinga. Buong araw ay lutang ako at halos hindi na magawa ng maayos ang trabaho. Nang mag uwian ay tinawagan ko kagad si Calvin para ayaing lumabas.

Ayokong umuwi sa unit ni Callum. Mas lalo akong nag karuon ng rason para iwasan siya. Bakit ganun siya? Bakit hindi ko siya maintindihan? Pakiramdam ko tuloy gusto niya lang akong paglaruan.


~Callum~

Kanina ko pa hinihintay si Katharina pero hanggang ngayon na mag aalas onse na ay wala pa din siya. Nakakailang pabalik balik na ako sa sala kakahintay sa kanya kanina pa din ako pabalik balik kanina sa lobby. Napamura ako nang maikuyom ko ang kanang kamay ko. Nakabalot pa iyon sa bandage dahil nasugatan ito nang suntukin ko yung salamin kanina.

Bwisit!

Kanina nakita kong sumama siya duon sa lalaking madalas kong makitang kasama niya. Di ko mapigilang mag isip ng masama tungkol sa kanilang dalawa pero pinipilit ko pa ding mag tiwala kay Kath. Ayoko na magalit sa kanya. Nararamdaman ko at nakikita ko naman na mabuti siyang tao.

Marahil nag kamali ako nang tingin sa kanya nuon pero ngayon malinaw na sa akin na mabuti talaga siyang tao. Ang gago ko lang talaga dahil ang tagal ko bago narealize yun. She's a good person hindi niya magagawang sumira ng isang pamilya dahil hindi nga niya kayang manakit ng tao ang manira pa kaya ng pamilya. Ngayon alam ko na ang totoong nakita ni Dad sa kanya.

Di na ako nakatiis at muli akong bumaba sa lobby para abangan ang pag dating niya. Maya maya ay sa wakas dumating na din siya. Akay akay siya nung lalaking tinatawag niyang Calvin. Muling tumikom ang mga palad ko sa nakita ko. Hindi ko na ininda ang hapdi sa kanang kamay ko. Nag ngingitngit ako sa galit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Agad akong lumapit sa kanila upang kunin si Katharina mula sa lalaking ito.

Agad na binuhat ko si Katharina na halatang lasing na lasing na ngayon. Mag sasalita pa sana yung ungas nang talikuran ko na siya at pumasok na ako sa elevator kasama si Kath.

Pag dating sa unit ko ay agad ko siyang dinala sa kwarto ko at inihiga siya ng maayos sa kama ko. Tinanggal ko ang suot suot niyang sapatos bago ko siya kumutan. Inayos ko ang pagkakahiga niya at nang masigurong magiging komportable na ang pag tulog niya ay naupo ako sa tabi niya. Pinag masdan ko ang mukha niya habang nahihimbing. Para sa akin walang kapantay ang ganda niya.. Kaya niyang makaakit ng lalaki kahit wala siyang ginaginagawa.

Napaka swerte ng lalaking iibigin niya. Napaka swerte ng ama ko. Kung nauna ko lang sanang nakilala si Katharina hindi sana ganito.. Hindi ko na maitatanggi pa gusto ko natalaga siya. At hindi ko alam ang tamang gawin para iwasan iyon. Paano mo iiwasang mangyari ang isang bagay na alam mo namang nangyari na. Gusto ko na siya, hindi mahal ko na yata siya.. At alam kong wala na akong magagawa pa para baguhin iyon. Baka nga tama si Kath.. Baka nga dapat lang na mag iwasan na lang kami para hindi na humantong sa isang pag kakamali ang lahat.

Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa tabi niya at lumabas ng kwarto.

-----

Katharina

Nagising ako sa kwarto ni Callum. Nasapo ko kaagad ang ulo ko nang bumangon ako dahil bigla na lang ako nakaramdam ng pananakit ng ulo. Dahil siguro ito sa nainom ko kagabi medyo naparami kasi ako ng inom. Pinilit ko pa ding tumayo kahit na nahihilo talaga ako. Hindi ko na muna iisipin kung paano ba ako napunta dito sa kwarto ni Callum.. Pakiramdam ko mas lalo lang sasakit ang ulo ko kapag inisip ko pa iyon.

Ruthless DesireNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ