Kabanata 2

1.2K 52 8
                                    

Ikalawang kabanata

"Makubex, maghahanap nalang kami ng babaeng gaganap sa music video mo or baka magpaaudition nalang kami para mas makapili." saad ng direktor kung tawagin nila sa industriyang ito.

Wala akong paki alam but i don't like what they are thinking.

"What do you think hijo?"

"Well, that's a great idea." nakangiti kong pahayag.

That's the most stupid idea!

Ano bang mapapala nila sa pagpapaaudition? Dadagsain lang yan ng mga tao panigurado at kahit wala namang katalent talent ay makikisiksik din doon.

"Okay then, on friday magrerecording ka na but i-ischedule natin pagkatapos ng klase mo para hindi hassle, is that okay with you?" nakangiti pa nitong pahayag.

"Yeah." tipid kong sagot.

"Okay, that would be all. Meeting adjourned." pagtatapos nito sa pagpupulong namin.

Nagmamadali akong pumasok sa kotse ko at napakunot noo nalang ako nang may kasabay din akong pumasok sa loob. Bakit sumabay ang lalaking to sa akin?

"What the hell are you doing here?" malamig kong tanong kay Louis nang sumakay siya ng walang paalam.

"Dude, makikisabay lang ako. Sabay na tayo pauwi sa iisang bahay lang naman tayo nakatira eh."

"You have your own car Louis." i reminded him coldly.

"Nagcommute ako papunta dito dahil pinacarwash ko ang sasakyan at bukas ko pa yun babalikan dahil gabi na." paliwanag naman nito at wala akong pakialam.

"Then magcommute ka pauwi!"

"Dude don't be too harsh on--"

"I said out!" nagtitimpi kong utos habang nakatingin sa kanya ng matalim.

Nakita kong napalunok ito saka itinaas ang mga kamay tanda ng pagsuko.

"Sus, may chics ka lang na pupuntahan ayaw mo pa akong isama." pasaring nito na mas lalo kong hindi nagustuhan.

"Get out of my car now, Louis!" malamig kong utos sa kanya.

"Fine, fine! Kabadtrip naman oh!" pagpoprotesta nito saka lumabas ng sasakyan ko. Pagkasara na pagkasara niya sa pintuan ay pinaharurot ko na ito agad.

+ + + +

Mag aalasyete na ng gabi nang makarating kami sa sinasabing classy diner ni dad. Isa pala itong Korean/ Japanese Diner.

Dad squeezed my hand lightly kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry Purple hindi ko kasi maaasahan ang mga kapatid mo sa ganitong sitwasyon." imik niya.

Napatitig lang ako sa kanya at lantarang ipinakita ang aking pagtataka.

"What do you mean dad?"

"Si Lavender, she value her time at napakarami niya ring inaasikaso sa school na hinahawakan niya ngayon at si Violet naman ay alam nating hindi siya nakakausap ng matino." paliwanag nito.

"So?" kyuryuso kong sambit dahil hindi ko matumbok ang kanyang punto.

He didn't say anything kaya tiningnan ko siya ng maigi. Pinag aralan ko ang hilatsa ng mata at mukha ng aking ama bago nakuha ang sagot sa aking katanungan.

Hinablot ko agad ang kamay ko na hawak ni Dad at tumingin ng malamig sa kanya.

"I'll be meeting someone?" I asked in a very low voice pero bakas ang pagkadisguto ko.

The Manipulator and The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon