Chapter One

14 4 2

Grabe, Ayoko na. Kanina ko pa tina-try makuha ang tamang sagot pero 'di ko talaga magawa. Hindi nga magkamayaw sa pagtulo ang pawis ko sa sobrang hirap eh.

Nang padaan na ang teacher namin, nagkunwari akong may sino-solve sa papel ko. Kapag nakita niya kasi akong walang sinusulat eh mapaghahalataang wala akong alam.

Habang nafu-frustate ako kakaisip ng isasagot sa papel ko, nakita ko si Liam na tumayo at pinasa ang papel niya kay Sir Medalla.

Wait, what?! Paano niya nasagutan iyon ng ganun kadali?! Paano?!

That's it. I give up.

Nang saktong may kausap si sir sa phone, kinuha ko ang time na yun para magtanong sa seatmate ko.

"Debbie, alam mo ba kung paano ilipat sa general form ang 2(x+3)²-4?"

"Eto oh. Kopyahin mo na lang sa papel ko." Iba talaga kapag may best friend kang matalino. Haha.

Hindi naman sa bobo ako. Sadyang mahina lang talaga ako sa Math. Kahit anong pilit kong intindihin, di ko talaga ma-gets eh. Mas gugustuhin ko pang sauluhin ang talambuhay ni Jose Rizal kaysa mag-solve ng mga mathematical equations.

Pagkatapos ng quiz, inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ko na rin ang aking wallet dahil time na para sa lunch.

"O ano? Kamusta ang quiz? Di ba sumabog yang utak mo?" Sino pa ba? Edi ang weirdong si Kevin.

"Muntik na nga eh. Mabuti na lang ang bait-bait ni Debbie. Kaya nga mahal ko 'yan eh." Sabi ko sabay bigkis ng kamay ko sa braso niya.

"At sinong nagsabing libre yung pagpapakopya ko sa'yo? Kailangan mo 'kong ilibre ng lunch dahil dun."

"Yes Ma'am. Masusunod po." Sabi ko sabay salute.

"Mabuti ka pa Ash, ang bait-bait ng seatmate mo. Yung akin kasi ang damot." Reklamo ni Stormi habang masamang nakatingin kay Kevin.

"Huy, madamot ka diyan. Pinakopya na nga kita ng five items eh."

"Kahit na! Di mo 'ko tinuruan dun sa number thirteen tsaka fifteen." Banat naman ni Stormi sabay roll eyes kay Kev. Haha. Ang cute lang nilang mag-away.

Magsasalita pa sana si Kevin kaso pinigilan na siya ni Debbie.

"Ops. Tama na yan. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko kaya puwede ba, pumunta na tayo sa cafeteria."

Kahit makukulit 'yang mga kaibigan ko, mahal na mahal ko ang mga 'yan. Last year, di ako masyadong palakibo at halos si Kevin lang ang madalas kong kausap. Hindi kasi ako sanay makipag-socialize dahil home-schooled ako for five years. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Kevin magcope-up sa bagong environment at pinakilala niya rin sa'kin sina Stormi at Debbie na naging kaibigan niya simula first year.

Sina Stormi at Debbie ay identical twins. Kung hindi dahil sa magkaibang ugali at hairstyle nila, siguro mahihirapan akong i-determine kung sino si Stormi or Debbie. Si Stormi ay may mahabang buhok at maporma siya kung manamit. Mahilig rin siyang mag-shopping at magaling siya in terms of arts. Si Debbie naman ay hanggang balikat ang haba ng buhok at nage-excell siya sa academics. Magaling rin siya sa sports especially sa taekwondo.

Dahil sa paglipad ng isip ko sa Neverland, di ko namalayan na nakarating na pala kami sa cafeteria. Umupo kami sa usual spot namin malapit sa glass wall kung saan matatanaw ang school garden. Sinabi naming tatlo kay Kevin ang order namin at siya na ang pumunta sa counter para kunin ang pagkain.

"Oh my God! Ang guwapo niya! Grabe!"

"Kyaahh! Liam Castillo, akin ka na lang!"

"Shet! Mas hot pa siya kesa sa sun! Feeling ko matutunaw na ako anumang oras!"

Falling for the Cold Hearted Boy (ON-HOLD)Read this story for FREE!