Prologue

11 4 1

"Ashley, wake up, we're already here."

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at ang matinding sikat ng araw ang sumalubong sa'kin. Hinayaan ko munang mag-adjust ang aking paningin sa liwanag saka tiningnan ang napakagandang view ng dagat sa labas.

"It's beautiful, isn't it?" Tanong ni Mama sa akin na kasalukuyang tinitingnan din ang dagat mula sa bintana ng eroplano.

"No words can explain how beautiful it is, Mom."

Maya-maya pa, nag-announce na ang piloto na magla-land na ang eroplano in five minutes. Inayos ko ang pagkakatali ng mahaba kong buhok at saka naglagay ng powder sa'king mukha. Nang tuluyan nang nakababa ang eroplano, dumiretso kami ni Mama sa luggage area upang kunin ang aming mga bagahe. Pagkatapos ay sinalubong kami ni Lola at ni Tita Daisy na halos mapunit na ang mga labi sa laki ng kanilang mga ngiti.

"Sandra! Ashley! Buti naman nakarating na kayo. Grabe, ang tagal na nating di nagkikita ah." masayang sambit ni Tita Daisy sabay yakap sa'min ni Mama nang napakahigpit.

"Ang laki mo na, apo. Ang liit-liit mo pa nang huli kitang nakita. Sayang at hindi nakasama si Ansel at ang Papa mo." Sabi naman ni Lola Imelda.

"Oo nga po eh. Tatapusin pa kasi ni Kuya ang highschool doon kasi isang taon na lang naman po bago siya grumaduate. Si Papa naman, may isang taon pa bago matapos ang kontrata niya sa kanilang kompanya."

"O siya, sa bahay na natin ipagpatuloy ang pag-uusap. Siguradong pagod kayong dalawa galing sa biyahe." Sabi ni Tita Daisy.

Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labas. Bukod sa mas maraming malalaking buildings, napansin kong wala naman masyadong pinagbago ang Manila. Kaya lang ang traffic, mukhang di na yata mag-iimprove. Samahan mo pa ng mga nagsidagdagang kotse dito sa Metro Manila, siguro wala na talagang tiyansang lumuwag pa ang kalye. Tsk.

Dahil busy ako sa panonood ng mga videos sa Youtube, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Parehong-pareho pa rin ang hitsura nito five years ago. Grabe, nakaka-miss rin pala 'tong bahay namin. Lahat ng childhood memories ko, dito nabuo. Nakakalungkot lang na kinailangan namin itong iwan dahil sa nangyari noon.

Pagkapasok namin sa bahay, agad akong nagpalit ng mas kumportableng damit at pumunta sa kusina upang kumain ng special caldereta ni Tita Daisy. Dahil wala naman siyang asawa't anak, nagpaka-busy na lang siya sa trabaho at sa pagluluto. Habang nasa Amerika kami, si Tita Daisy at si Lola Imelda ang nakatira dito sa bahay. Ayaw naman kasi itong ibenta nina Mama't Papa dahil may sentimental value ito sa kanila. Samantalang si Tito Paul naman, kapatid ni Mama at Tita Daisy, ay nakatira sa Laguna kasama ang kaniyang asawa at mga anak.

Matapos kong kumain, umakyat muna ako sa second floor at dumiretso papuntang kuwarto. Naligo lang ako nang mabilisan at nahiga sa kama upang magpahinga. Ikaw ba naman di mangangalay ang puwet kung mahigit sampung oras kang nakaupo.

Habang nanunuod ako ng mga vlogs ni Liza Koshy, hindi ko namalayan ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.

***

"Ashley, hija, gising na. Kanina pa naghihintay ang bisita mo."

"Ano po ulit yun, Tita?" tanong ko habang bahagyang nakabukas ang aking mga mata.

"Sabi ko, may bisita ka sa baba. Excited na nga siyang makita ka eh. Kaya bumangon ka na diyan at siguradong matutuwa kang makita siya." sabi niya sabay alis sa kuwarto ko.

Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita ah? Sino kaya yung mokong na umistorbo ng tulog ko?

Matapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng kuwarto at dumiretso sa may sala. Hindi ko agad nakilala ang lalaki dahil nakatalikod siya sa'kin. Napatingin ako sa pinapanood niya sa TV  at nakita kong SpongeBob SquarePants ang pinapanood niya. Teka, SpongeBob? Isa lang naman ang kilala kong mahilig manood ng SpongeBob eh. Wait, don't tell me siya na ito?

"Kevin, ikaw na ba iyan?"

Agad siyang napalingon sa direksyon ko at may pagkalawak-lawak na ngiti sa kaniyang labi. Tumakbo siya papunta sa'kin at yinakap ako ng napakahigpit.

"Kevin, d-di ako m-makahinga."

Agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap at kinamot ang likod ng kaniyang batok.

"Sorry ah. Namiss lang talaga kita eh. Biruin mo, five years kang nawala tapos bihira ka pa kung magparamdam." Sabi niya sabay acting na parang nagtatampo. Haiisstt. Si Kevin talaga, kahit kailan napaka isip-bata. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa naisip ko.

"Tingnan mo, tinatawanan mo pa ako. Grabe ka."

"Look. I'm sorry. Busy lang talaga ako sa mga bagay-bagay. Idagdag mo pang magkaiba ang oras dito tsaka doon sa LA."

"Hmmpp. Sige na nga. Total na-miss kita, forgiven ka na." Tsk. Abnormal talaga 'to.

Nag-usap kami ng ilang oras ni Kevin at napagpasyahan namin na sabay kaming mage-enroll bukas ng umaga. Pagkatapos ay umalis na siya dahil inutusan siyang mag-grocery ni Tita Ruth.

Pagkatapos magpaalam ni Kev, nanuod ako ng TV kaso wala namang magandang palabas. Yung cellphone ko naman, ayun lowbatt. Since wala naman akong magawa dito sa bahay, nagpasya na lang ako na pumunta sa park dito sa subdivision namin.

Habang naglalakad-lakad ako, napansin kong marami nang pinagbago 'tong lugar namin. May mga bagong bahay nang nakatayo. Meron na ring basketball court na dati'y wala naman.

Pagkarating ko sa park, hindi ko inaasahan ang dami ng taong madadatnan ko. Noon kasi, di naman gaanong matao rito sa subdivision namin.

Maraming mga batang naglalaro. Meron ring mga magkasintahang grabe kung maka-PDA. Meron din namang mga kabataang tumatambay lang.

Pero sa dinami-rami ng tao dito sa park, may isang bata ang nakakuha ng atensyon ko. Yung batang patpatin, tinutulak-tulak ng mga ka-edaran niya. At di pa talaga nakuntento, tinapon pa yung hawak niyang ice cream. Grabe, hindi ba sila tinuruan ng good manners ng mga magulang nila?

Lalapit na sana ako kaso naunahan na ako ng isang lalaki. Tinaboy niya yung mga nambu-bully dun sa bata tapos binilhan niya rin ito ng panibagong ice cream. Nakatalikod sa'kin yung bata habang yung lalaking tumulong sa kaniya ay nakaharap sa direksyon ko.

Dun ko lang napansin yung facial features niya. Grabe, ang guwapo pala ng lalaking iyon. Ang kinis ng mukha niya tapos ang tangos pa ng ilong. Medyo kulot ang kaniyang buhok at may maputing balat. Parang di yata ako magsasawang tingnan siya 24/7. Plus points pa yung pagiging mabait niya. Gosh, perfect siyang leading man sa mga highschool movies.

Sa sobrang busy ko kaka-daydream, di ko namalayan na may bolang papunta sa direksyon ko. Buti na lang sa bandang hita ko tumama kaya di masyadong masakit.

Kinuha ko yung bola tapos ibinato yun pabalik sa batang may-ari nito. Nag-sorry naman siya sa'kin tapos sinabi kong okay lang.

Pagtingin ko sa puwestong kinatatayuan kanina ng guwapong lalaki, napansin ko na yung batang na-bully na lang ang nandoon. Grabe, ilang segundo lang akong nalingat, nawala na agad siya. Kailan ko ulit kaya siya makikita? I can't wait for that day to come.





Hello guys! Gusto ko palang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng libro ko ngayon. Please don't forget to vote and comment your opinions about this book. It'll be much appreciated. Love you all!

-Yana-

Falling for the Cold Hearted Boy (ON-HOLD)Read this story for FREE!