Then suddenly, I felt a big weight on my shoulders. Nanginig din bigla ang mga tuhod ko at bumigat ang bawat paghinga ko. Dahil siguro sa haba ng tinakbo ko while slowing the time, and it was damn hard!
Di ko nalang muna yun pinansin at agad na hinanap ng mga mata ko sina Aeron at nakita ko silang dalawa na naglalakad na palayo ng cafeteria at patungo sa may main office. Huminga muna ako ng malalim at pinagmasdan sila ng ilang segundo.. Nakalimutan ko kasi kung bakit kailangan ko silang tawagin..
Pero maya-maya, nang medyo nahabol ko na ang hininga ko ay bigla kong naalala. Shit!
Hindi na ako nagsayang ng oras at muling tumakbo papunta sa kanila but this time, with my normal speed kahit na hinang-hina na ako.
Nakakailang hakbang palang ako nang maramdaman ang matinding pagkahilo kaya naman bigla nalang akong bumagsak.
My head was aching like hell and my body felt sore too. Umiikot narin ang paningin ko habang nakatingin sa langit nang biglang lumitaw sa harap ko ang mukha nin Aeron at Tyler.
Naririnig ko na rin ang pagingay ng mga estudyanteng nakapaligid kaya alam kong nagkukumpulan na sila, and god knows how I hate audience.
Hindi ko na masyadong maaninag ang ekspresyon sa mukha nila. Bago pa sila makapsalita ay sinabi ko na sakanila ang mensahe.
"T-the dorm.. Dormitory.. Under a-attack"
Kahit na araw-araw na itong nangyayari sakin ay hindi parin ako masanaysanay. Everyday training, everyday fainting.
And just like that, Everything went black.
-----
Nagising ako nang may kakaibang nararamdaman. Di tulad nung mga ilang araw, nagising ako nang walang masakit saakin. I felt.. great. Parang biglang gumaan ang katawan ko sa di malamang dahilan. Tandang tanda ko pa ang mga nangyari kanina at di biro ang ginawa kong pagtakbo. Pero ngayon, nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan. Gusto ko ng tubig!
Umupo ako at nalaman kong nandoon nanaman ako sa kwarto ng Big3. Ito yung kwarto na walang nagmaymay-ari.
Napakagatlabi ako nang makita si Nicole na nakasubsob ang ulo sa tabi ko at mahimbing ang tulog. Nandito rin si Aeron at Tyler na parehas na nakaupo sa sofa at tulog.
May mga nakakalat ding mga plastic ng tsitsirya sa sahig at may nakakalat ding laptops at iba pang gadgets.
Pero sobrang nagtataka ako. Bakit, wala akong maramdaman na sakit? Tuwing nahihimatay ako dahil sa training ay nagigising ako nang may masakit na parte ng katawan ko, specifically my legs. Pero ngayon wala, considering na halos isang buong campus ang tinakbo ko.
"Hmm? Abi, gising ka na?" Napaayos ako nang upo nang makita ko si Nicole na nagkukusot ng mata. Kapansin-pansin din ang malalaking eyebags kaya siguro ay puyat ito.
Tumango ako at ngumiti sakanya. Pero maya-maya ay napatigil sya sa pagkusot ng mata at biglaang tumayo kay naman napaatras ako sa kama dahil sa gulat.
"Gising ka na!!!" Sigaw pa nito at nagtatatalon. Bakit naman sobrang saya nito? Anong meron?
Nabaling naman ang tingin ko sa direksyon nina Aeron nang marinig ang paghikab nila. Oops, mukhang nagising sila ah.
Tumigil naman si Nicole si pagtatalon at tinakpan ang bibig pero tuloy parin ito sa pagsisigaw.
I mentally facepalmed dahil sa pinaggagawa nya.
"Oh sh*t! Gising ka na!" Sigaw naman ni Aeron at tumakbo papunta sa tabi ng kama. "Anong masakit sayo? Sabihin mo lang."
Natawa naman ako dahil sa pagaalala nya.
Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero walang boses na lumabas. Kaya naman hinaplos ko ang lalamunan ko at Nagmouth nalang ng 'tubig'
Chapter 10: A1 and A2
Start from the beginning
