Chapter 10: A1 and A2

21 1 0
                                        

"Abi! Run to the cafe and alert kuya and Aeron!" Dahil natataranta na ako ay mabilis akong napakilos at tumakbo sa may trapdoor. Akmang bubuksan ko na ito nang maramdaman ang sobrang sakit sa mga paa ko kaya naman ay napaluhod ako.

"So, ikaw pala yung bago? You're not that fast than I thought" Kahit na takot ay nakaramdam ako ng inis dahil sa pangaasar nya.

Pilit kong sinubukang tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. It seemed like they were glued to the floor. Nabaling ang tingin ko kay Nicole na ngayon ay kaharap ang lalaki na ngayo'y basang basa at nakasalampak sa sahig. Pero kahit na ganun ay parang wala lang sa kanya.

"And you're weaker than I thought!" Nicole produced a big waterball and threw it to the guy. Napanganga naman ako. S-she can make waterballs? And she can produce water.. What is she really?

The guy effortlessly avoided the attack by jumping off the building. Saktong pagtalon nya ay nakaramdam din ako ng ginhawa sa mga paa ko at natuklasang naigagalaw ko na ulit ito. Pero kahit na ganon ay hindi ko na sinubukang tumayo pa. Naguguluhan na ako, sobra!

Bakit tumalon yung lalaki? Damn! Nasa rooftop kami! And how can Nicole produce water? Baka naman nananaginip ako?

Tumingin ako kay Nicole na ngayon ay nakadungaw na sa may railing ng rooftop. Nakita ko pa nga na hinampas nya yung railing siguro dahil nakatakas yung lalaki. Pero di ba dapat kampante na sya kasi tumalon ng building yung lalaki? The guy has a low possibility of survival sa ginawa nyang pagtalon. Pero dahil sa reaksyon nya, siguro ay nakaligtas ang lalaki.

Nagulat ako nang bigla itong tumingin sa direksyon ko. Lumapit sya sakin at nakita ko ang pagaalala sa mga mata nya.

"Ayos ka lang ba? Walang masakit sayo?" Tanong nya habang tinitignan pa ang mga braso at binti ko.

"A-ano... A-ayos lang ako, hehe"

Sumeryoso naman ang mukha nito at tinulungan na nya akong tumayo.

"Tell me Abi, hindi ako nakikipagbiruan sayo, I saw you fell"

"Okay fine oo, pero kanina yun."

"Saan?"

"Sa paa ko. Ewan ko ba, biglang di ko nalang nagalaw, parang may nakataling mabigat sa paa ko. But it disappeared when the guy left." Sabi ko. Napatingin naman si Nicole sa mga paa ko pero ibinalik din ang tingin sakin at hinila ako papunta sa trapdoor.

"We need to stop that guy now. I already have a guess on what his ability is." Nagmamadali itong bumaba kaya naman sumunod nalang ako at hindi na umimik pa.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Nicole. His ability? Siguro yun yung nangyari sakin kanina, but what exactly?

Pagkalabas ng Girl's dormitory ay naabutan naming nagkakagulo ang mga tao sa labas. Everyone was running and screaming habang yung iba ay tumutulong sa mga sugatan. Wait what? Bakit may mga sugatan? Anong nangyari?

"Damn, this is bad." Bulong ni Nicole. Lumingon sya saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Run as fast as you can to the cafeteria and alert the others, I'll stay here and catch that guy."

Wala pa akong nasasabi ay bigla nalang itong tumakbo palayo at nawala na sa paningin ko kaya wala na akong choice kundi sundin ang utos nya.

Naramdaman ko ang pagbagal ng oras kaya nagsimula na akong tumakbo papunta sa cafeteria, na sobrang layo mula dito! Sa training namin ay nakakadalawang ikot lang ako sa loob pa ng kwarto! Pero kakayanin ko.

Pagkarating ko tapat ng cafeteria ay kabaligtaran ng nangyayari sa may dormitory area ang nadatnan ko. Students were talking and laughing and there was also this calm music playing. Para bang biglang nagiba ang lahat.

Nerd AcademyМесто, где живут истории. Откройте их для себя