Thirteen

1.3K 40 4

Thirteen — WTKWLI

Nagising ako sa katotohanan nung nag snap si Skype. Imagination?

Napapikit ako nang madiin tsaka bahagyang umiling. Ano bang naiisip mo, Ai! Di ko kinaya yung sarili kong imagination.

Nakita kong nag smirk ng konti sa Skype kaya nahiya ako tapos yumuko lang.

Hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at biglang naging slow yung music dito sa bar.

The usual day, nalugay lang si Skype, pero naka-pony tail siya ngayon and she looks really cool.

Eto na naman yung tingin niyang nangangain ng buhay. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa tingin niya. Nagrarambulan yung butterflies sa tyan ko pero hindi ko alam kung natatae lang ako sa kaba dahil magkahawak kami ng kamay habang magkatitigan.

Shet. Parang gusto ko muna mag taympers para makita kung presentable ba ako sa kanya. Huhu.

Inilapit niya ako sa kanya. Yakap niya na ako ngayon. Since hindi naman nagkakalayo ang height namin, keri lang.

"Remember the rules?" She asked.

I nodded. How about the rules? May idadagdag kaya siya?

"It only applies on me."

Huh?

"Di ka pwede makipag-harutan sa iba."

Ilalayo ko sana siya pero di niya ako pinakawalan.

"Kapag akin, gusto ko akin lang."

Ohmyghad! Nafafall na ba siya sa'kin?! Omgggg!

"Hindi ako nafafall sa'yo. Ganun lang talaga ugali ko."

Punyeta ka, Skype. Panira ka eh. Pwede namang hindi sabihin yun. Tss.

"Ang unfair nun." Yan na lang sinabi ko kahit na hindi ko naman talaga gagawin.

"So, itigil na natin?"

Umirao na lang ako kahit di niya nakita. Pero pigil yung pag ngiti ko sa kilig. Hehe. Kahit di siya nafafall, nakakakilig pa rin eh.

Mafa-fall ka rin sa'kin, Skype. Hintayin mo lang.

After ng moment na yun, bumalik na kami sa table namin and nag inom na sila and nakilala ko sila isa isa.

Si Line yung naka-boycut na ang cool. Si Quart yung nakatarayan ko na straight ang buhok at kayumanggi. Tapos si Parallel yung maputi na brown ang buhok.

"Ai. Inom ka." Aya ni Line sa'kin.

"No. Thanks. Mahina ako sa ganyan eh."

"Arte mo." Sabi ni Quart. Impakta rin 'to eh. Sabunutan ko na ba?

"Try mo lang. Minsan lang naman eh." Nakangiting alok ni Parallel sa'kin.

Tumingin muna ako kay Skype pero ang blangko ng expression niya.

Okay sige. Try lang naman. Hard drink 'to kaya ewan ko kung tatagal ako.

"Aiiiiii! Una na kami ni Kean, ha? Take care!" Super energetic na sabi Katie sa'kin and nag babye siya sa lahat pero siningkitan niya ng mata si Skype. HAHAHAHA! Baliw talaga yung babaeng yun.

Nakaka-anim na tagay pa lang pero nahihilo na ako. I bit my lower lip kasi natatawa ako at hindi ko alam kung bakit. Epekto ng alak 'to eh.

"Don't bite that." Bulong ni Skype sa'kin.

I frown. Ano raw? Kaya napatingin ako sa kanya and nakatingin siya sa labi ko.

Inalis ko agad yung pagkakakagat sa labi ko and I mouthed sorry sabay yuko ulit.

Naka-walong tagay lang ako all in all kasi di ko talaga kaya. Tsaka uuwi pa kami ni Skype. Kawawa kami kung parehas kami may amats.

Natapos ang walwal session at umuwi kami. Hindi naman sobrang lasing si Skype like before. Kaya napadali ang pag uwi namin.

Parang ayokong tumabi sa kanya ngayong gabi. Inalalayan ko lang siya sa pag higa and aalis na sana ako para sa labas ako matutulog pero she held me and napaupo ako sa kama.

Yumakap siya sa waist ko.

"Dito ka lang. Wag mo akong iwan." She said and that made my heart melt.

Sana lagi kang lasing para sweet ka sa'kin. Hays.

"Sa labas lang ako."

Umiling siya ng maraming beses. HAHAHAHA! What a cutie.

I sigh and inalis ko yung pagkakayakap niya sa waist ko tsaka ko siya tinabihan.

Yumakap siya sa'kin and sumubsob sa chest ko. Ang cute niya tingnan.

Wala na. Finish na. Fall na fall na ako. Puta.

I brushed her hair using my fingers and tiningnan ko siya maigi. I found myself smiling while looking at her beautiful face.

I am taking all the risk. Kahit na alam kong at the end, ako lang ang masasaktan.

I kissed her forehead. Her tip nose. Nag doubt ako na ikiss siya sa lips but I still did.

Nag response siya ng konti and sobrang lakas ng tibok ng puso ko nung ginawa niya yun.

I hugged her and natulog na rin. Alam kong bukas, iba na naman ang trato mo sa'kin.

121 days 'to go. Fighting, Aiiii!

*********

Annyeong! HAHAHAHA! Ako mismo kinikilig while typing the story. Hope you liked it! Don't forget to vote and leave a comment on this chapter. It will be appreciated. Hehez. Follow me if you haven't. 🤗💛

Want to Know What Love is? (Bisexual Story)Read this story for FREE!