Chapter 5

940 37 4
                                        

Baekhyun's Pov


"Marry me"



"What are you talking about?"



"I said marry me."



"Why should I marry you? "




"Para sa anak naten. I want to give my name to our baby. Ayaw kong lumaki siya ng walang ama."




"Di ba hindi ka pa handa magkaanak."



"Tama hindi pa ako handang magkapamilya pero nandito na to buntis ka at ako ang ama. At bilang isang lalake kailangan kong  panagutan kung ano mang pagkamamali ang nagawa ko." Pagkakamali? So Isang pagkakamali lang ang tingin nya sa anak namen. Ang saket.



"Kaya kong palakihin tong batang to sa tyan ko. Hindi kita kailangan."





"Don't be so stubborn Baekhyun. Ayaw kong lumaki ung anak ko na hindi kumpleto ang pamilya nya. Hindi ko hahayaan na wala syang kikilalanin na ama. "




May point sya, kahit ako ayaw kong maranasan ng anak ko na kulang ang pamilya niya na wala siyang kikilalanin na ama. Kasi alam ko ung pakiramdam na mangulila sa isang ama. Bata pa ako namatay na yung tatay ko kaya si mama na ang tumayong ama't ina sa akin.





"So what is your answer?"




"Sige payag na ako magpakasal sa iyo."





"Thats great Ok so basahin mo ito." May binigay siyang folder sa akin




"Ano yan?" Tanong ko




"This is an agreement contract between you and me. Nakalista dyan yung mga matatanggap mo habang kasal tayo."



Binasa ko ung laman ng folder, may monthly allowance ako syempre para kay baby,may kotse na ibibigay sa akin. At lahat ng kakailanganin ko sa pag bubuntis andun. Check ups and mga vitamins. As in lahat. 
Then on the second page may nakalagay dun na wala kaming pakielamanan regarding personal things namen. Then sa last part mag didivorce kame after one year. At may matatanggap ako ng pera pag nag divorce kame.
Un ang di ko nagustuhan. Di ako bayaran.



"Agree ako dito kaso ung huling part paki bura di ko kailangan ng pera. At saka pag nag hiwalay tayo sa akin mapupunta ung anak natin. "



"Ok sige noted" binalik ko yung folder na may pirma ko.



"Ok so kelan ang kasal?"



"Ipapakilala muna kita kay Mamita at pag katapos mamanhikan kame. Ako na ang bahala sa lahat."



"Ok."tipid kong sagot





Chanyeol's Pov



Buti naman at pumayag siya. Kailangan kong ayusin ang kasal. Pero papakilala ko muna si Baekhyun kay mamita.
Pagkatapos namen mag usap tinawagan ko si mamita para ipaalam na may ipapakilala ako sa kanya.
Pagkatapos ng mga ginagawa ko ay dumeretso ako sa table ni Baekhyun.



"Tara na." Tumango na lang siya bilang pag sang ayon. Sabay kame nagtungo sa parking lot. Wala kaming imikan sa kotse habang nasa byahe kame.



"Sir Chanyeol pwede po bang magdrive thru muna tayo bili lang ako ng burger. Gutom na si little peanut ei."



"Sino?" Tanong ko



"Eto." Sabay himas sa tyan nya.



"Ah sige sige. And please from now on call me Chanyeol. Ikakasal tayo so kailangan mong masanay na Chanyeol ang itawag sa akin."



Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon