Chapter 4

813 44 5
                                        

Chanyeol's POV

Habang inihahain ni Mrs. Byun yung mga pagkain biglang tumayo si Baekhyun at nag punta sa may banyo,sinundan ito ng mama nya at ni Mr. Do. Naiwan kame ni Mr. Xi dito sa hapag kainan.


"Kain na po kayo sir."


"Napaano si Mr. Byun?ok lan………" napahinto ako sa pag lagay ng kanin sa plato ko ng sumigaw si Mrs. Byun.



Dali dali kaming nagpunta sa banyo at nakita kong nakahandusay si Baekhyun. At pilit na ginigising ng mama nya.



"Tulong... Dalhin naten sa hospital si Baekhyun." sabi ni Mr. DO, at binuhat ko si Baekhyun at dali daling sinakay sa sasakyan. Tinuro sa akin ung daan papuntang hospital at binuhat ulit si Baekhyun papuntang ER.


Hindi kami pinapasok sa parang maliit na kwarto. May mga test na ginawa kay Baekhyun. Naupo na lang kami sa isang sulok ng ER at nag hihintay sa pag dating ng doktor. May kausap si Mr. DO  na nurse tinatanong ung personal info ni Baekhyun, habang ung nanay nya umiiyak. Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng lumabas ung doktor.



"Doc kamusta po ang anak ko ok na po ba siya?" Tanong ng kanyang nanay.


"Ok na siya bumaba lang yung sugar niya. Medyo stress din po sya nakasasama sa bata sa tyan niya." Napatingin ako sa sinabi ng doktor. Bata??? Buntis sya?? Teka teka hindi totoo yan.


"Teka paanong nangyari na buntis sya eh lalaki sya." Tanong ko



"Male pregnancy is rare condition among male. 0.1% lang ang meron nito. At isa si Mr. Byun doon ang tawag sa kanila ay carrier." So totoong buntis sya



"Ilang weeks na siyang buntis?" Tanong ng kanyang ina.



"Based sa ultrasound mga 3 weeks na yung bata." 3 weeks eh halos 3 weeks nang may nangyari sa amin so ang ibig sabihin ako ang ama ng bata.. Hindi... Hindi ako baka may iba pang gumalaw sa kanya.


"Sino naman ang ama ng bata? Ang alam ko wala siyang boyfriend."


"What????!" Sabay akong tinignan ni Mr. Do at Mr. Xi

"Actually tita andito yung ama ng bata." Sabay turo sa akin. What the f@!!k


"What are you talking about? Ako?!!!" Sabay tango nilang dalawa.


"Remember nung malasing ka at pumasok......"



"I remember that pero sigurado ba kayong ako lang nakagalaw sa ka………" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makaramdam ako ng sampal sa pisngi.



"Baekhyun…" sigaw nila



"Hindi akong maduming tao. Walang ibang nakagalaw sa akin kundi ikaw. Anak mo tong nasa tyan ko. Wag kang mag alala hindi kita guguluhin dahil alam ko na wala kang balak magkaanak. At least nalaman mo na may anak ka. Kaya kong palakihin mag isa ung batang ito." Sabay alis palayo sa akin. Sumunod na din yung kanyang nanay at mga kaibigan niya.


Hindi ako makapaniwala na sa isang one night stand nakabuo kame. Isang malaking pagkakamali yung gabing yun. Lasing ako at hindi ko alam na iba na pala yung kasiping ko ng gabing yun. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya bumalik ako ng Manila. Pag dating ko ng bahay sinalubong ako ni mamita. Tinanong nya kung anung nangyari baket bumalik agad ako ng Manila. Pero wala ako sa mood mag explain at dirediretcho ako sa kwarto ko. Maya maya may kumakatok sa pinto si mamita.


"Apo andito si Sehun at JongIn " tinawagan ko sila habang pa uwi ako ng bahay. Binuksan ko ito at pinatuloy sila.


"Mag papadala na lang ako nag makakain nyo."


"Salamat po mamita" pag kaalis ni mamita sinarado ko yung pinto.

"Baket mo kame pinapunta dito bro? Problema?"




"Urgent ba to tol? Mukhang problemado ka ah."





"Remember yung nakwento kong naka one night stand ko na it turns out eh empleyado pala sa kumpanya?"




"Sino yung cute na mukhang puppy? Sino nga ulet yun" sabi ni Jong In




"Byun B……… "




"BYUN BAEKHYUN" sagot ko





"Yun nga Byun Baekhyun. Oh baket anung problema?"





"Don't tell me may nangyari ulet sa inyo." Sabi ni Sehun




"Buti nga kung ganun ang nangyari pero hindi eh"




"ei ano? "Tanong nilang dalawa





"He is Pregnant with my child"



"What?!" Gulat nilang bulalas.





"What paanong nangyari eh lalaki sya." So inexplain ko yung sinabi ng doktor kanina.





"Ano ang gagawin ko? Di pa ako ready at saka alam nyo naman na mahal ko pa si Nana."




"Alam mo tol give up ka na kay Nana. Mas mahalaga pa yung pangarap niya kaysa sa relasyon nyo. Eto magkakaanak ka na dapat mong pagtuunan ng pansin ung anak mu " sbi ni Sehun





" tama si Sehun dun tol kalimutan mo na si Nana at panagutan yung anak nyo ni Baekhyun. Gusto mo bang lumaki yung anak mo na di kumpleto ung pamilya nya. Diba ayaw na ayaw mo ng ganun dahil naranasan mo na ung ganun. "




"At saka ayaw mo yun solve na yung problema mo sa tagapagmana ng kumpanya nyo." Tama sila..  Un na lang ang tanging paraan para may magpatuloy ung pag manage ng kumpanya under Park.




Pag pasok ko sa opisina dumaan ako sa table ni Mr. Byun pero wala siya. Tinanong ko yung mga kaibigan nya kung nasaan sya pero tikom ang bibig nila. Kaya nagpunta na lang ako sa opisina ko. Pagpasok ko nabigla ako nung makita ko si Baekhyun nakaupo. Tumayo siya at may binigay na papel.



Kinuha ko to at binasa.


"Ano ito?"




"Resignation letter "




"Alam kong resignation letter yan ang tanong ko baket ka mag reresign?"





"Obvious ba? Para makaiwas sa iyo. Para di ka maiskandalo dahil sa anak ko. Kaya kong palakihin yung anak ko."





"Marry me."

Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon