Let Me Know

25 0 0
                                    

"Hi I'm Christian Jay Garcia, 18 years old." Pakikalala niya sa sarili.

"Okay you may take your seat Mr.Garcia, find your place where you are going to be seated." Tumango siya at naupo sa may likod.

First day of class niya ngayon, pero sa kanyang mga kaklase, 2nd week na nila ito. Isa kasi siyang transferee, ang kanyang paaralan dati ay isang sectarian school na pang all boys, hindi naman mahal ang matrikula doon kaya nakayanan ng kanyang ama na pagpa-aralan siya nito. Siya ngayon ay nasa huling taon sa high school, at siya ay pinalipat ng paaralan dahil ang anak ng may-ari ng pinag-tatrabahuan ng kanyang ama ay nag-aaral sa mismong paaralan kung saan siya lumipat.

Kilala niya ang babae, siya ay si Marie Joy Cruz. Isang anak mayaman at tumira sa America ng labing-anim na taon. Bumalik ito sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ang dahilan kung bakit siya pinalipat ay para maging bodyguard ng babae dahil ito ay sobrang liberated. Spoiled brat din ito, kahit na ano ang gusto nito lahat nasusunod.

 Iyan ang problema ko ngayon. Paano ko siya masusundan kung nasa pangalawang section ito at ako ay nasa special section? Aisht it is too difficult.

Samantala.............................

"Marie, sabay tayong mag-lunch pwede?" Saad ni Ryan classmate niyang BULLY.

"AYOKO, I don't want to be with you, your so PRESKO! Atsaka may kasabay na ako by the way." Saad niya.

"So you mean, tama yung narinig ko na inimbitahan ka ng transferee student sa special section para sumabay sayo kumain?"

Tumango lamang siya. Hay mga tsismosang babaeng to kung makapagsalita akala mo close ko? MY GOSH!!!! FC lang?

"Gago yun ah! Naunahan ako?" Saad ni Ryan.

"Excuse me, even if you ask first hindi pa rin kita gustong makasama ano? Bully ka pa, may pagka BOBO ka pa. Mas mabuti pang sumama ako sa matalino at hindi presko kesa sa isang tulad mong presko!" Pasigaw niyang sabi.

"Tsss, eh ikaw matalino ka ba?"

"Of course, kaya lang naman mababa ang grades ko ngayon dahil sa conduct ko lang ano." Grabe talaga ang apog nito. Psh. Kung makaasta.

"Tama na yan guys! Parating na ang teacher natin." Sigaw ng class president nila.

*LUNCH BREAK*

Aisht! Paano ko ba makokontak ang babaeng yun? Ikaw naman kasing tanga eh nakalimutan pang hingin ang number. Bulong niya sa sarili. Kaya siya nagkaganito ay dahil nga inutusan siya ng Papa ng babae na dapat laging kasama o laging makita ang babae para naman daw ay tumino ito at nang hindi na bumagsak ang grades.

Kaya inimbitahan niya ang babae kaninang umaga bago pumasok sa klase na during sa lunch break ay magkasabay silang kumain. Hindi naman ito tumanggi at agad namang pumayag na magkasabay sila.

Nang makaupo na siya sa isang mesa, nakita niya si Marie na naglalakad papunta sa direksiyon niya. Marahil ay nakita niya ako habang papasok siya rito sa canteen.

"Well hello there Jay?" Sabi nito nang nakarating sa inuupuan niya.

"Hi din. Eto nakabili na ako ng pagkain natin." Sabi niya.

"May gusto lang akong linawin sa iyo."

"Ano naman yun?"

"Hindi ito DATE!"

"Okay, alam ko naman yun."

Tumango naman ito.

"By the way, sobra ko na bang sikat sa ibang school para lumipat ka rito at imbitahin sa isang lunch?"

"Siguro sa ilan, pero para sa akin isang trabaho lamang ito."

"W-what do you mean? Trabaho lang ito?"

"Actually ang Papa ko ay ang secretary ng Dad mo sa kompanya. At dahil sa nabagsak ka nung unang taon mo dito sa paaralan, kinausap niya ako na dapat ay maimpluwensiyahan kita ng maganda. Dapat kasama kita lagi at dapat kitang makita. At ang mahalaga ay dapat magkasabay tayong umuwi dahil ako ang magiging tutor mo until sa tumino ka."

"So...... Yun yung reason kung bakit ka nandito kaharap ko ngayon?"

"Yes. It is part of my job." Sabi niya. "Atsaka hindi mo na naman ako makita kapag naagtino ka na. Saka lang ako aalis kapag feeling ko naayos na ang buhay mo."

Napansin niyang hindi ito nakapagsalita.

"Ubusin mo yang pagkain sayang yan. Atsaka, Huwag kang mag-alsabulutan mamaya kasi hindi yan makakawala sa tingin mo ay problema mo ngayon."

"The nerve!!!!!! Bakit ba kailangan pa ng Papa na gawin ito? Magkano bang bayad niya sa iyo dodoblehin ko."

"Wala kang pera kaya huwag kang umasta na sa iyo ang lahat ng yaman ng Papa mo. Huwag ka ring umasta na pati ang mga tauhan ng Papa mo ay ikaw ang nag-mamay-ari."

"Tss, whatever! Mas mabuti na nga yung ganito eh hindi ako napiperwisyo ng mga taong walang magawa sa buhay."

Nagtaka siya dahil ang bilis ng pag-tanggap nito sa sitwasiyon at sa mga sinabi niya rito. Ang weird naman ng babaeng to!

>>>End of chapter !<<<<

Please Give Me Your SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon