GC 57

33.1K 1.2K 2.8K
                                    

Napatayo kaagad ako nang makitang palabas na si Lander sa loob ng cafeteria.

"Aish! Kailangan ko na palang pumunta ng library para kopyahin iyong notes," saad ko nang mapatingin sa wrist watch ko.

Kahit wala akong ideya kung saan pupunta si Lander, sinabayan ko pa rin siya sa paglalakad. Naiwan ang mga kasama niya sa cafeteria kaya confident akong lapitan at kausapin siya. 

"Hi Lander, hihi!" bati ko.

"Hmm?" Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin, masyadong busy sa phone .

"Wala lang. Baka madapa ka, ha. Puro ka cellphone," nakanguso kong sabi. 

"It's fine. I can manage." Agad din niyang ibinulsa ang hawak niya. "Anyway, where are you going?"

Omg, tumingin siya sa akin, huhu!

"Sa Library, hehe. May kailangan kasi akong gawin. Ikaw saan punta mo?" 

"Library."

Napatakip kaagad ako ng mukha, pero hindi ko ipinakita sa kanya 'yon dahil baka pagkamalan niya akong baliw.

Baliw sa kanya, pft!

"Talaga? Pupunta ka rin ng library?" Parang may mga bituwin sa mga mata ko matapos tanungin 'yon.

"Yup. I just said that, hindi mo narinig?" Mahinang siya natawa at ginulo ang buhok ko. 

"Edi.. sabay na tayo. Doon rin naman punta nating dalawa, pero sana sa susunod sa Simbahan na."

Bakit parang ako lang kinilig sa sariling banat ko? Shet.

"Sure," he smiled.

Omg! Narinig niya ba sinabi ko?

"Sure.. s-saan? Ang ibig kong sabihin, saan pupunta?" 

"Library. Saan pa ba?" Seryoso niyang tanong habang gamit nanaman ang phone niya.

Sabay kaming nagsulat ng pangalan nang makarating sa library. Sunod akong naghanap ng available na table dahil abala siya sa ibang bagay. Ano kayang hinahanap niya? Libro? Mukhang wala naman sa hitsura niya.

Kung alam ko lang na makakasama ko siya rito sana nag-ayos man lang ako. Ang hirap pala nito lalo na kapag dalawa lang kayo ng crush mo. Paano ba magpigil ng kilig? 

Sunod kong inilabas ang mga kailangan kong kopyahin matapos makahanap nang mauupuan naming dalawa.

"Ano 'yan?" I asked.

"Libro." Mahinang sagot niya tsaka umupo.

"Sabi ko nga, hehe." Napakamot na lang ako sa ulo. Ang obvious naman masyado ng tanong ko!

He scanned me, "What are you doing?"

"Tinatapos lang 'yong mga kulang ko. Hindi raw kasi kami pwedeng magsembreak kapag 'di kumpleto, e. Buti ka nga graduating ka na. Ako isang taon pa titiisin."

Hearing that, Lander nodded twice. He seemed preoccupied with the book he was holding, so I just continued writing. Hays! Ilang lunok ba ang kailangan kong gawin para mapigilan itong kilig ko?

Naalala ko tuloy nang unang pasok ko rito sa university, I saw him playing basketball. Masyado akong na-amaze kaya ang ending, hindi ako pumasok sa unang klase ko at nanuod na lang. Aksidente pa nga niya akong natamaan ng bola, e. Ang sakit nun pero keri lang!

Kung siya naman ang babato sa akin ng bola, why not? Ako pa ang magso-sorry! 

Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang mahuling nakatingin si Lander sa direksyon ko. Bakit ganun? Hindi ko ramdam ang pagod kahit sobrang haba nang sinusulat ko dahil kasama ko siya. 

"Saan ka pupunta? Aalis ka na kaagad?" tanong ko nang bigla siyang tumayo.

"I'll be back," he smiled. Iniwan niya ang bag niya kaya mukhang babalik pa talaga siya. 

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon