Chapter 55: Turning My Safety Off

93.6K 1.4K 597

Chapter 55: Turning My Safety Off

Si Gina Pareño pala ang peg ko as Lola Babes. Wala lang, feel na feel ko yung convo nila ni Barbs pag sya naiisip ko XD

Again, comment and vote pag nagustuhan. Mas okay pag comment, natutuwa ako magbasa ng insights nyo XD

--

Medyo dumistansya si Barbs kay Cyrus after nitong kausapin si Lola Babes. Masyado kasi syang affected sa mga sinabi ng matanda. All along akala nya gets nya si Cyrus pero hindi pala. She's been reading between the lines of the lines (gulo ata nun) ng lahat ng sinabi ni Lola Babes, may di kasi sya maintindihan. Kaso wala naman syang mapiga sa neurons nya. Bakit nga ba nya pinoproblema yun, e strangers again ang peg nilang dalawa diba?

Nang pumasok sya kinabukasan, Wednesday, para wala namang nagbago sa klase nila. Di pa rin nya pinapansin ang bestfriend nyang hilo pa rin.

"B bakit ka absent kahapon?" tanong sa kanya ni Janine.

Sinilip muna nya kung nasa paligid si Cyrus. "I overslept."

Imposibleng di malaman ng Tukong yon na binisita nya sina Lola Babes. Sure syang kinwento nung nurse na may crush sa kanya yon. Hinanda na nya ang sarili sa kung anumang sasabihin sa kanya ng epal.

Pumasok si Cyrus na naka-fatigue, duty pala ang mokong na 'to ngayon. Ni hindi nya tinapunan ng tingin si Barbs nang mapadaan ito sa pwesto nya. From her peripheral nakita nito si Tatin na papasok sa classroom ng Soc. Duty din ito. Barbs mentally dissed the Golden couple in her mind, duty together. How sweet.

-

Akala nya makakaligtas na sya kay Cyrus. She was wrong. Bago pa sya makalabas ng classroom para maglocker, tinawag sya nito.

"Bakit?"

Tumambad na naman sa kanya ang usual bland face nito. "May articles sa table mo. Paki-edit tsaka yung lay-out ng issue paki-ayos na rin. Absent si Zen."

"Sa iba mo na lang pagawa yung lay-out. Busy ako."

"Sabi ni Ms. DV ikaw daw eh. Kung ayaw mo ikaw kumausap sa kanya."

She tried her best to be calm and collecte kaso yung mukha ni Cyrus.. gusto na nyang sabuyan ng asido. "Okay fine. As if I have a choice. Yun lang ba?"

"You must stay later after Honors. Gagawa pa pala ng proposal for the online blog you suggested. Tapos may iba pang gagawin."

Must, imperative. Ayaw nyang ginagamitan sya ng imperative ng mga taong di nya feel. "Teka nga.. ako lang ba ang staff member? Akin lang ata nakatambak lahat ah!"

"Lahat tayo may ginagawa for Herald. Basta mamaya after Honors," may stress talaga sa 'after Honors'. Umalis na agad ito ng classroom. Gusto nang manapak ni Barbs kaso inisip na lang nya ang kapakanan ng newspaper nila. Walang personalan.

--

THURSDAY

JANINE'S POV

In fairness medyo okay na ang pakiramdam ko after recording that time capsule. Nabawasan din yung burden na nararamdaman ko! As for Chester's father.. dumadalaw ako dun pag nasa support group si Chester. He seems okay naman pero mukhang matatagalan ang paggising nya. Ang tibay nga ni Tita eh! I doubt na alam nya yung nangyayari samin sa school [:(]

Busy ako sa pagpapractice for the Christmas program. Ang hirap pala talaga pag napasama ka sa main number! Puro practice pa (>.<) Tapos kasama mo pa ang Snerds! Dagdag pasakit.

If I FallRead this story for FREE!