"Nasaan na Si Red Alice? ilabas mo.."

"wala na siya Belle yan ba ang pinunta mo dito sa Pinas?"

Biglang sumugod si Belle kay Alice pero sa isang metro palang ang pagitan sakanila ay umikot na si Belle at nasipa niya sa tagiliran si Alice

"Sinungaling!"

Pero bago pa dumikit ang paa ni Belle sa tagiliran ni Alice nahawakan na ito ni Alice at inikot niya ito pero sumabay sa pag ikot si Belle para hindi siya masaktan kaya umiikot sa ere si Belle, ng makatayo ng tuwid si Belle ay binigyan niya ng masamang tingin si Alice

"Ilabas mo Alice.."

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Dahil namiss ko siya namiss ko siyang kaaway"

"Oh Ghad! Belle I'm so tired of your fvcking bullshit play"

"Galing ka sa tulog Alice bakit ka napagod? o baka naman napagod ka don sa little fight natin? Are you already too old Alice? ang bilis mo ng mapagod ha?"

"Fvck you really hard Belle"

Napangiti si Belle ng sumugod si Alice sakanya.

Akmang susuntokin ni Alice si Belle pero nahawakan ito ni Belle at inikot. Pero umikot sa ere ang katawan ni Alice sa isang iglap nasipa na niya ang gilid ng mukha ni Belle kaya napaatras si Belle at napahawak siya sa ulo niya.

Tumayo ng matuwid si Alice, umatras,tinignan si Belle at ngumiti. Nakita iyon ni Belle at ngumiti din siya

"There you go Mylove.."

"Ito diba gusto mo?"

"ofcourse because I miss you"

"Oh you really fvcking miss me Belle? how sweet"

"Yeah I'm sweet sana naman ganon ka din"

"I'm also sweet Belle"

"Really?" sumingkit ang mata ni Alice ng nagbago ang ekspresyon ni Belle sa mukha parang tutang nag mamakaawa

"Yeah"

Susugod na sana bigla si Belle pero napatigil siya ng umusok ang paligid lahat ay nagulat sa nangyari pati na rin si Alice, at dahil sa loob ng building nato ay puro mag nanakaw mabilis ding lumisan ang iba sa sakanila

Inangat ni Alice ang kanyang ulo, may nakita siyang tubo kaya tinalon niya ito para maabot, ngunit di lang pala siya ang nakaisip non kundi silang dalawa ni Belle kaya wala siyang ibang paraan sinipa niya sa tiyan si Belle kaya tumilapon ito.

Nakahawak na siya tubo at tinignan niya si Belle

"Really Belle? you're still slow huh! so bye!"

Hinanda niya ang kanyang katawan para umikot na parang sa gymnastics at lumanding sa bintana, tumalon at umalis na sa lugar na yun.

Alice's POV

"Tang inang Belle yun.."

Sa gitna ng paglalakad ko sa ewan kung saan ako papunta ay biglang umakbay sakin at mabilis ko namang hinawakan yung kamay niya at inikot iyon sabay sa pag ikot ko paharap.

Sa pagharap ko sa umakbay sakin nakatalikod na siya at nasa likod ang kamay niyang naka akbay sakin ganina.

Pero bago ko pako makapag salita naikot na niya ako paharap sakanya at ako naman ang nakatalikod habang ang kaninang nakaakbay saking braso at kaninang hawak ko ay nakapapulupot na ito sa aking leeg.

"What the hell Gem?"

"What the hell too Alice.."

Binitawan na niya ako kaya naman humarap na ako sakanya.

"tatakas ka na? di pa nga tapos laban niyo ni Belle"

"Tapos na.. duh. at isa pa di yun laban"

Umuna na ako ng lakad sakanya sumunod naman ang gago at inakbayan pako

"Ano yun pang welcome?"

"pwede narin"

Wolf's POV

"Anong oras na ba? uhm? 7am na pala"

Kinontak ko si Red pero ilang ring na di niya paring sinasagot

"Sinasagad mo talaga pasensya ko Red"

"Masarap sagadin eh?"

"fvck!" napatingin ako sa screen sinagot na niya pala

"Problema mo? at napatawag ka?"

"Akala ko mag tuloy tuloy na ang laban kanina"

"Pinagsasabi mo? excuse me Old Man kung makikipag chismis ka lang naman sakin ibaba ko na mag hanap ka ng ibang kausap"

"Bakit Red? di ba masarap paglaruan ang dalawang naglalaro?"

"Fvck you Wolf"

"yeah yeah ako may pakana nung usok na nangyari kanina"

"Pwede ba kung makikipag chika ka lang naman sakin pwede sa iba nalang? kasi marami akong ginagawa kalalaki mong tao puro ka chismis"

bago pa ako makasagot sa sinabi niya nawala na ang connection ko sa kanya kay naman napamura nalang ako.

Bakit ba natitiis ko ang attitude ng babaeng to? pwede naman ako mag hanap ng ibang katrabaho

The Thief Red Riding Hood ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat