Kristina (short story)

9.8K 78 12


prologue

las pinas city-present time

Magulo ang kwarto. Nagkalat ang mga gamit, ang mga kahon. Kalilipat lang ni Vincent sa maganda at bagong bahay sa isang subdibision. Hawak ang maliit na kahon. Iniisip kung saan ito itatago. Madilaw na ito sa katagalan, pero mahalaga ito kanya. Malaking bahagi ito ng kanyang buhay. Minsan, pag parang galit ang mundo sa kanya, ito ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang magpatuloy...lumaban sa hamon ng buhay.

Maingat na binuksan ang kahon at Inilabas ang laman. Isang lumang sulat.

unang yugto

quezon city, 1992-1993

Marumi at masikip ang kalyeng yun sa Cubao. Dikit ang mga bahay. Nagkalat ang mga bata at istambay na mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Nagdalawang isip si Vincent kung tutuloy pa, kaya lang , nakita na niya ang hinahanap na bahay.

"Kayo po ba si Aling Amanda?" Tanong ni Vincent sa matandang nagbukas ng pinto.

"Ako po si Vincent, kasamahan ko po si Joey sa trabaho. Nabanggit po niya sa akin na baka bakante pa ang kwartong dati niyang inupahan dito. Gusto ko po sanang makita kung maari."

"Halika, sumunod ka sa akin , dito sa kabilang pinto."

Pagpasok, bumungad kay Vincent ang hilera ng tatlong kuwarto sa kaliwa. Sa gitna ay may maliit na mesa at dalawang mahabang bangko. Sa kanan ay kusina at banyo.

Binuksan ni Aling Amanda ang pinto sa gitnang kuwarto. Tulad ng inaasahan ni Vincent, napakaliit nito. May isang kama at isang makitid na mesa lang sa tabi nito.

"Share kayo sa banyo, kusina at mesa. Kung okay sa iyo, limang daan kada buwan, isang buwan ang deposito."

"Sige po, kukunin ko po, bukas po ako lilipat." Inabot ni Vincent ang pera sa matanda.

"O eto ang susi. Isa sa kwarto mo at isa sa main door. Dapat laging naka lock ang main door. May kanya kanya kayong susi para diyan."

"Sige po"

"Siyanga pala, bawal ang droga, alak, magingay at ang mga bisita dito."

"Opo, sige po, bukas na lang po." Palabas na si Vincent ng bumukas ang pinto sa unang kuwarto.

Napalingon si Vincent. Naka tshirt lang ang babae. Bahagya lang naikubli nito ang suot na panty.

"Oy, Kristina, may bago kayong kasama dito. Ano nga uli ang pangalan mo iho?"

"Vincent po."

"Bahagya lang ngumiti ang babae saka dumiretso sa banyo.

Habang pauwi, na sa isip pa rin ni Vincent si Kristina.

ikalawang yugto

Mga ilang buwan na ring nakalipat si Vincent sa bahay ni Aling Amanda bago kahit papaano, ay nagkapalagayang loob sila ni Kristina. Bunso ang tawag nito sa kanya dahil siya ang pinakabata sa kanilang tatlong mga nagungupahan. Ang pinakamatanda ay si Pocholo, isang bakla na madalas wala dahil sa trabaho nito.

Dancer sa club si Kristina kaya umaga na itong umuwi. Madalas, tanghale na ang gising nito, kakain lang at saka matutulog uli.

"Bunso, ano ang ginagawa mo sa lugar na ito. Mukha ka namang disente at may pinagaralan?" Minsan ay naitanong ni Kristina habang sila ay nagaalmusal.

"Umalis ako sa Baguio. Nagkasagutan na naman kami ng madrasta ko, hindi na yata talaga kami magkakasundo nun kahit kalian. Buti na lang naipasok ako ng Tita ko sa City Hall dito kahit casual lang."

Wives And LoversBasahin ang storyang ito ng LIBRE!