Chapter 4: No

12K 256 18

Chapter 4

No

"So? How's the movie?" tanong ni Lindsay.

"It's fine."

"Ang tipid sumagot ni lolang eh?" Yna

Ang totoo kasi eh nilalamig ako. Sobrang lamig lamig kasi talaga sa loob, napagkataunan kasi na konti ang tao sa taas. Yung kamay ko nga eh manhid na sa lamig. I'm not even exaggerating.

"Ganun talaga." lumapit ako sa kanilang dalawa, "May dala ba kayong jacket? Pahiram naman." bulong ko.

Natawa si Yna nang malakas, "Seriously? Nilalamig ka ba Kath?" malakas na tanong ni Yna.

"Sshh! Baliw ka ha. Hinaan mo nga boses mo. Tsk."

"Haha! Sensya. Kaso wala eh. Meron ka ba Linds?" Yna

"Wala eh. Baka si Andrew me--," Linds

"Wag na." I cut her off, "Titiisin ko nalang. Tara na?"

"Sus!" Yna, "Andrew, may jacket ka bang dala? Pahiramin mo nga itong si Kath."

"Nasa kotse pa." sagot niya, "Kunin mong magisa kung gusto mo." sabi naman niya sakin.

"Tss. Wag nalang. Salamat ha, salamat!" sabay isnab ko.

"Nagaway pa." Linds

"Oo nga. Kung wala lang KayVee couple eh baka maging Kathrew shipper ako." natatawang sabi ni Yna.

Napalo ko naman siya sa braso, "Manahimik ka nga!"

"Bakit? Ang pangit ba ng name? Hmm. Teka magiisip pa ako. Andrine nalang!" Yna

"Cheee! Bahala ka na nga dyan." buti nalang pala malayo na si kuya Andrew, kundi baka mas nairita pa yun.

Naggala lang naman kami then umuwi na. Nagpahatid na rin agad ako sa bahay kasi medyo pagod na rin naman. I ate dinner with family, good thing they're here, and off to bed. Wala nang ibang anik anik.

♪ How do you, how do you sleep? ♪

Kanina pa ako soundtrip nang soundtrip dito. Pero psh, mas lalo ko lang siyang namimiss eh. Kung hindi pa siya makakauwi ngayon, kelan pa? Lagi nalang siyang nawawala. Ang hirap pala kapag ganito. Pero syempre titiisin at kakayanin ko naman.

Nagopen nalang ako ng facebook. Walang magawa. Nagbukas din ako ng twitter kahit wala akong account dun. Nagpunta lang para tingnan ang account ni Jake Flynn. And shoot! May nakita nga ako.

@Flynnshipper05 is it true that @jakeflynnofficial will be having a movie with Tricia? OMG! I'm so excited! :"">

@jakeflynnofficial yes, it is. :)

So confirmed na nga talaga? Sige lang Kenneth, kahit wag mo na akong sabihan. Wag na talagaaaa! Ugh. Afterall, girlfriend mo lang naman ako eh. Oh baka naman hindi na diba? Baka kay Tricia ka na talaga. Svcks!

I posted a status on Facebook: "It sucks knowing that people could actually keep anything from you when you deserve to know every inch of the story."

May mga nagreact naman, likes, ganun. Pero hindi ko nalang napansin. Gusto ko siya ang makapansin nun. Sana naman natamaan siya. Pero asa naman ako. Busy yung tao, malamang konti lang ang time nun para magonline and such. Diba nga--,

| Kenneth Verge commented on your status |

"This is nice."

Eeeh? Seriously. Anong nice naman dun?! Tss. Bahala siya. Hindi ako magrereply sa kanya.

Cupid CrisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon