x36: Twelfth of September

Magsimula sa umpisa


"Thank you.. Hehe.. What's your name naman?" tanong ni Chelle dun sa bata. 


"HAZU! GIRLFRIEND NUMBER TWO PO AKO NI ANDY!" ^ω^ 


Nganga ulit kami ni Chelle! 


DALAWA PO PALA ANG GIRLFRIEND NG ANAK NAMIN! 


Natawa na lang ako. Si Chelle naman, nag-pout sakin. 


At di pa pala dun nagtatapos ang lahat. May isa pang batang babae ang humabol at nagbigay ng regalo. 


Tulad sa naunang dalawa, tinanong din ni Chelle ang pangalan nya. 


"MY NAME IS ALANNAH PO!" sagot nung bata. 


"And you are Andy's girlfriend number three noh?" natatawa kong tanong sakanya. 


"HINDI PO!" wew. Buti naman. "BECAUSE I'M ANDY'S REAL GIRLFRIEND PO!" ^O^ 


*facepalm* 


Natatawa na lang talaga ko sa mga narinig ko.. Pfft.. 


Pagkaalis ng mga bata, hinarap ako ni Chelle nang naka-pout pa rin. 


"Ano Adrian? Tuwang-tuwa ka naman kasi pati pangbababae mo namana ng anak natin?" T3T 


"HA?! HINDI AH! HAHAHA.. Uhm pero sa tingin ko.. Dapat na tayong maghanda.." 


"Maghanda ng?" 


"Maghanda maging lolo't lola in 10 plus years?" 


"E-EH?! AYOKO!" kinurot nya ko sa braso! "IKAW ADRIAN AH! LAGOT KA SAKIN PAG MAGING LOLA NA KO NG WALA PA KONG 40!" >3< 


"Bakit ako pa ang mananagot?! Hahaha ARAY! CHELLE! MASAKIT NA AH.." =_= 


"Ikaw kasi.." T3T 


"Ito naman.." hinawakan ko ang kamay na ginagamit nya pangkurot. "Parang joke lang yun eh.." 


"HO-HO!" si Ate Hazel naman oh! Biglang sumulpot sa gitna namin ni Chelle! Napabitaw tuloy kami. "CHELLE!!" 


"Po?" - Chelle 


"Pupunta ba si CJ MO?!" amp. Nang-aasar ba ang lokaret na toh? 


"Ah oo. Pupunta raw sya." masayang sagot naman ni Chelle. 


"WOOH! FINALLY! MAKIKILALA KO NA RIN ANG LOVEY-DUBS MO! AYIEEE~" inakbayan nya si Chelle sabay tingin sakin nang nakangisi. "Oww, uumpisahan ko na ang party in 15 minutes ah? So get ready, loving parents of the birthday celebrant! MUHAHAHA~" 


At iniwan na nya kami ulit ni Chelle. 


Pero si Chelle busy na sa cellphone nya.. 


Tsk. Bwiset. Si CJ na naman yan. 


Sana lang di makapunta ang lalaking yun.. 




[RACHELLYN's PoV] 


15 minutes.. In 15 minutes, pinilit kong kontakin si CJ.. 


"KIDS~ BE SEATED NA!" naku. Sisimulan na ni Ate Hazel yung party. "OHHH OKAY! MAAYOS NA! EHEM~ KIIIDS~ My-name-is-HA-ZEL-NUT! But! Tawagin nyo na lang akong TITA HAZEL! TI-TA kasi pamangkin ko ang very cuuuute na may birthday ngayon na si..?? Sino nga bang may birthday ngayon?!" 


"SI ANDY POHHH!" mahabang sagot ng mga bata sakanya. 


Buti naman at interactive itong mga bata.. 


Ay teka.. Si CJ pala.. 


Paulit-ulit ko syang tinawagan at tinext pero di sya sumasagot.. 


Sabi nya hahabol sya sa umpisa ng party ah? May one hour late na nga kami nakapagsimula pero ba't hanggang ngayon wala pa sya? 


Tch. I shouldn't be asking that to myself.. 


Busy na nga pala syang tao. 


Pero minsan nakakatampo na ang pagka-busy nya..lalo na ngayon.. 


Ngayon na hindi lang basta birthday ng baby ko ang dapat naming icelebrate.. Ngayon na dapat magkasama kami kasi special ang araw na toh para saming dalawa.. 


Oh wait, nagpe-perform na yung mga clowns! 


Nilabas ko ang digicam ko at kinuhanan ang ginawa nilang magic tricks! Nakakabilib sila.. *o* 


After ng sa clowns, nagpa-games na si Ate Hazel. Todo kuha pa rin ako ng pictures kasi ang ku-cute nitong mga bata lalo na nang nag-stop dance sila! AT KASALI DUN ANG BABY KO! Pero bakit isang galaw lang ang alam nya?! Bakit yung parang chicken dance lang?! >//o//< 


Buti nandun si Adrian. Kahit papaano tinuturuan sya. Hihi. Ang cute nila mag-ama. 


*flash*flash*flash*flash*flash*flash* 


Napatigil ako bigla sa pagkuha ng picture kasi.. 


*budum*budum* 


PURO SI ADRIAN NA LANG KINUKUHANAN KO EHH! >///< 


Dapat kasama baby ko sa kinukuhanan ko! Dapat silang dalawa! 


Naka-focus pa rin itong cam ko kay Adrian nang lapitan sya ni Teacher Riz. 


Pansin ko lang ah, kanina pa sya lapit nang lapit kay Adrian tapos may pahawak-hawak pa sya sa braso nito. 


Hmpf.. T___T 


"BEFORE YUNG CANDLE BLOWING, PWEDE BANG PUMUNTA MUNA DITO SA HARAP ANG PARENTS NG ATING BIRTHDAY CELEBRANT?!" that was Ate Hazel. "MOMMY CHELLE AT PAPA ADRIAN, HALIKAYO DITO! DALIII!" 


Hala?! Kinabahan ako! Di ko alam kung bakit nya kami pinapupunta ni Adrian sa harap! Wala naman syang nasabi samin tungkol dito eh! 


Nang nasa harapan na kami, binuhat ni Adrian si Andy at.. 


GULP. 


Mas kinabahan ako! 


Di lang kasi mga bata ang nanonood. May ibang mommies din ang nandito. 


"MOMMY CHELLE AT PAPA ADRIAN, ANO BANG BIRTHDAY MESSAGE NYO FOR YOUR BABY ANDY?!" inabot ni Ate Hazel ang mic kay Adrian. 


"Ano ba.. Hehe.." napakamot ng batok si Adrian. 


Si Teacher Riz naman, kita kong kumuha ng picture ni Adrian! Kainis na ah! Ano ba sya?! Fan ni Adrian?! >___< 


"Umayos ka nga Adrian, tutuktukan kita dyan! Parang birthday message lang eh!" - Ate Hazel 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!