sya^ si loliepat(dati X3) na isa sa mga motogol ng PB.reader! pero until now di ko pa mawari kung maka-Adrian ba sya or maka-CJ..hmm..lol XD thanks po ah sa patuloy na pgread dito ;)) 

**PB 'happy family' cover courtesy of @Hazelatte!! Wee~ tenchus ulit gurl! yabyu! X3 

- - - - 

x36: Twelfth of September 




[ADRIAN's PoV] 


SEPTEMBER 12.. 


Birthday na ng anak namin ni Chelle! 


Dapat magsisimula na ang party nya sa school kaso magkakalahating oras na kong stranded dito sa cakeshop! 


Nagkaproblema kasi sa order kong birthday cake kaya ito. Kailangan kong maghintay. 


Sa tagal ko na ngang naghihintay eh pumwesto na ko dito sa may isang table. 


Habang tumatagal, dumadami ang tao. Wala na ngang mapwestuhan yung iba nilang customer eh oh. 


Tulad ng isang babae na yun.. 


Halatang may edad na pero maganda ah. May hawak syang tray at naghahanap ng mapupwestuhan nang.. 


Nang bigla syang napatingin sakin. 


Tsaka ko lang napansin na mukha pala syang mataray. 


Sa tingin nya rin sakin eh nakaramdam ako ng hiya. Nakaupo ako pero hindi naman kumakain. =___= 


Tumayo na lang tuloy ako at sinenyasan syang pwede nya kunin ang pwesto ko. 


Lumapit sya at umupo. "Thanks dear. But you can still take your seat there. Wala naman akong kasama." 


"Ahh okay po.." umupo ulit ako at nagshare kami sa iisang table. 


Medyo ang gara nga lang kasi habang kumakain sya, ramdam kong tinititigan nya ko. 


Tsk. Type pa yata ko nito. =___= 


"Anong pangalan mo?" bigla at seryoso nyang tanong. Amp. Type nga ko nito. 


"Adrian po.." =___= 


Napangiti sya. Nakangiti na nga pero ang taray pa rin ng mga mata nya. 


"I see.. Hmm.. Bakit ka nandito? May hinihintay ka ba?" aysus. Ininterview na nya ko. 


"Opo. Yung birthday cake lang po ng anak ko ang hinihintay ko.." =___= 


"Ooh.." ngumiti ulit sya. "I bet, kamukha mo ang anak mo." 


"HA! Di po kayo nagkakamali dyan! Manang-mana kaya sakin ang anak ko! Kaya nga laking inggit lang sakin ng mommy nya eh! Hehe!" 


Di ko namalayang napasarap ang pakikipagkwentuhan ko sa babaeng yun. Tsk. Basta yata anak ko ang topic, nagiging madaldal ako masyado. 


Natigil lang ang kwentuhan namin nang kinailangan ko na magpaalam sakanya kasi pwede ko na makuha yung order ko. 


At natuwa naman ako nang sa wakas ay napasa-kamay ko na itong cake! 


PERFECT EH! Ang ganda ng design which is Thomas and Friends na favorite ng anak ko. Panigurado, walang paglalagyan ng tuwa ang batang yun pag makita nya toh. 


Proud akong lumabas ng shop habang buhat 'tong malaking cake. 


Proud talaga ko kasi ito lang kaya yung bagay sa party na ako lang mismo ang gumastos! Sa ibang gastusin, kahati ko na si Chelle. 


Pati mga magulang namin may contribution din pero 'no show' sila sa party. Mga busy eh. Lalo na yung nanay ni Chelle, nasa Amerika pa. 


From cakeshop, nagdrive na ko patungong school ni Andy. 


Doon dumiretso ako sa classroom nya kung saan walang ibang tao bukod kay Chelle.. 


Mag-isa syang nakaupo sa isang maliit na upuan at inaayos yung mga party bags na pang-giveaway. 


"WOW!" ngiting-ngiti syang lumapit sakin at tinitigan itong cake. "ANG GANDA NAMAN!" *o* 


"Syempre! Ako ang pumili ng design eh! Di pa ba nag-uumpisa yung party?" 


"Di pa. Pero nandyan na si Ate Hazel." ^o^ 


Si Ate Hazel.. 


Nagpumilit nga pala ang lokaret na yun na maging emcee ng party. Good luck na lang samin mamaya. 


"Tara na dun sa labas, Adrian." binuhat na ni Chelle yung maliit na box na puro party giveaways at sabay kaming lumabas sa may playground nitong school. 


Nakaayos na ang lahat doon. Nangingibabaw ang color blue kasi Thomas and Friends ang theme. Medyo nakakadismaya nga lang kasi wala kaming nakuha na mascot. =___= 


Pero okay lang. Masaya naman na si Andy eh.. 


Naka-party hat na sya tulad ng mga classmate nya at grabe..ang gugulo nila. Takbo dito, lakad doon, talon kung saan-saan. Tapos dumagdag pa ang lokaret kong pinsan sa kaguluhan nila. 


Pagkapatong namin ng mga dala namin sa isang table, tinakbuhan ni Chelle yung isa pang table na puro regalo. 


"WAAA~ ANG DAMING GIFTS NG BABY KO.." *O* 


"Eh yung regalo natin para sakanya? Naihanda mo naba?" tanong ko kay Chelle. 


"OO NAMAN! Pagkapasok na pagkapasok nya sa school kanina, inayos ko na yun agad!" ^3^ 


"MOMMY!" biglang tawag ng isang batang babae kay Chelle na may inaabot na regalo. "FOR ANDY PO!"


"W-Wow.." natatawang tinanggap yun ni Chelle. Kung maka-mommy naman kasi yung bata. Feeling anak. "Thank you.. Ano palang name mo?" 


"JAYBEE PO! AND I'M ANDY'S GIRLFRIEND ONE PO!" ^o^ 


Nganga kami ni Chelle. 


Gumu-girlfriend na pala ang anak namin?? 


"AKO DIN PO!" may isa pang batang babae ang lumapit samin. 


Mukhang may lahi syang Japanese o Chinese o Korean. Ahh basta, singkit eh! At tulad nung Jaybee, nag-abot din sya ng regalo kay Chelle. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!