Incident (Episode 04)

13 5 0

Eure's POV

Kadadating ko lang sa apartment na tinutuluyan ko. Nilock ko muna ang pinto at naghubad ako ng sapatos bago pumasok sa kwarto. Tinanggal ko ang aking bag at pabato itong nilagay sa kama ganun narin ang aking polo shirt at pants.

Lumabas ako ng kwarto ng naka shorts at bra lang since ako lang naman magisa dito sa bahay sa init ng panahon dito sa manila kung pwede lang lumakad sa labas ng naka panty at bra ginawa kona haist buti pa sa probinsya mainit man hindi naman kasing init dito tsk!

Nagpainit ako ng tubig at nagbukas ng instant noodles. Tinignan ko din ang kanin sa rice cooker buti nalang hindi pa panis. Naalala ko nung una kong gamitin ang rice cooker manghang mangha ako. Sa probinsya kase kaldero at uling lang ang saingan. Pati narin tong Electric kettle sus! sa probinsya takore lang ang meron!

Masyadong high tech dito sa manila hindi tulad sa probinsya namin at di hamak na mas magaan ang pamumuhay dito dahil malapit lang ang paaralan at dikit dikit ang mga tindahan.

Pero kung papipiliin ako? Mas gusto ko ang buhay sa probinsya. Simple lang ang buhay pero buo kaming pamilya.

Nalungkot ako sa naisip ko. Namimiss kona sina nanay,tatay at Macoy. Gustuhin ko mang umuwi at makasama sila ay hindi pwede. Dahil unang una sa lahat para sa kanila tong ginagawa ko lalong lalo na para kay Macoy.

Naluluha ako habang binubuhos ang mainit na tubig sa instant noodles. Ilang taon pa bago ako maging ganap na doctor. Ilan taon din ang titiisin kong na kalayo ang pamilya ko.

Sila lang naman ang inspirasyon ko sa araw araw kaya kinakaya ko kahit mahirap basta para sa kanila okei lang.Haist! sa sobrang tagal maluto ng noodles nakakapag drama ako tsk!

Binuksan ko muli ang noodles para tignan kung luto naba ito. Nagsalin narin ako ng kanin sa pinggan at kumuha ng tubig.

"Sila nanay kaya naghapunan na?" sa isiping iyon ay diko na napigilang maluha. Tuloy tuloy na dumaloy ang mga luha ko kasabay ng aking paghikbi.

"Namimiss kona sila huhu!" (T.T) para akong tangang umiiyak habang kumakain ng kanin na may noodles. Sobrang miss kona sila (T.T)



Lhord's POV


Hindi na natapos sa pang aasar ang tatlo hanggang sa makarating kami sa bahay (-.-)

"Oh? bakit hindi maipinta ang mukha ng isang to?" bungad samin ni Zach habanh nakaupo sa sofa tss dito nanaman tatambay ang mga to panigurado.

"May LQ haha! btw nasan si GD?" aniya ni Matthew at nagtawanan nanaman silang tatlo tsk! nagdirediretyo naman ako papunta sa kwarto. Mabilis akong nagpalit ng damit kinuha ang laptop at mga libro at bumaba ulit para palayasin ang mga maiingay kong pinsan sa baba.

"Hey Mr. Pogi bakit diko alam na meron ka na palang girlfriend? Sinong malas na babae yan?" aniya ni Zach kaya naman nagtawanan nanaman sila tsk!

"Tss.. Umalis na kayo may gagawin ako." ipinatong ko ang mga dala ko sa center table at pumunta sa kitchen para tignan kung anong pwedeng snacks. Ng wala akong makita ay tinawag ko si manang at pinabili ng cookies at juice. Maingay parin silang nagkekwentuhan ng makabalik ako sa salas.

"Bakit nandito parin kayo? May gagawin ako kaya magsi uwi na kayo." umupo naman ako sa tabi ni Arc.

Bale ang pwesto namin Ako,si Arc at Fourth si Zach ay nasa single sofa sa left side tapos nasa right side naman si Matthew.

"Boring kasi sa bahay kaya dito muna kami. Ayaw mo nun makarinig ka naman ng ingay kahit minsan." si Fourth habang busying nagbubutinting sa cellphone.

Awake (Alvior Series 1)Where stories live. Discover now